Secret 11: Zia's Evil Plan

20.9K 349 9
                                    

DONE EDIT. (2/12/14)

Chapter 11

Lipstick

"Ayos iyong scene na nakita ko ah! Napaka-rare na makakita ako na may bumastos kay boss." Matalim na tinitigan niya si Neiji na kakalabas lang sa bar. Sinipa niya si Lance na wala ng malay na nakahiga sa sahig.

“Shut up, White tiger! Kung ayaw mong ibitin kita patiwarik!” Dinuro niya ito tas sinipa uli si Lance. Umungol ito at binanggit ang pangalan ng isang babae.

“Steff…”

"Boss naman. Hindi na mabiro."

"Heh! Kapkapin niyo nga, ang bulsa baka nandiyan ang I.D niya at address sa bahay nila."

" Pabayaan na lang natin 'yan, boss." May halong iritasiyon ang boses ni Akira. Uh, Anong problema nito? dapat pa nga ay siya ang mairita dahil siya ang binastos nito.

 "Wallet lang ang nandito--Oh wow! May sampung gold card! Yaman naman nitong lalaki!" Sabi ni Erica nang ibinalik na nito ang wallet sa bulsa.

“Zia, ba’t pa tayo magpakahirap na tulungan makauwi iyan. Leave him here.” Naiiritang sabi ni Mhikaila.  

"Oo nga. Nakalimutan mo na ba ang ginawa niyan kay Clark?” Si Daniel.

"Uwi na ako. Ayokong tulungan o alagaan ang lasinggo na nagbugbog sa boyfie ko. Bye." Umalis na si Mhikaila. Sumunod si Daniel dito.  

"May tama si Mhikaila. Baka isipin ng ugok na iyan na mabait tayo sa kanya." Sabi ni Sunny nang makaalis na ang dalawa. Sinipat ni Zia ang wristwatch. Tsk. Kailangan na namin makauwi.

"Fine. Iiwan natin siya pero hindi pa tayo tapos sa kanya. Pahiram nga ng lipstick, Sunny.”

“Anong gagawin mo sa lipstick ko?”

“Basta.”  Ibinigay nga nito sa kanya ang lipstick at nilagyan niya ng lipstick ang labi ni Lance. Narinig niyang tumawa sina Erica at si Neiji sa ginawa niya.

Oh shit! Ang mahal ng lipstick na iyan. Aw, ayaw ko ng gamitin iyang lipstick baka mag-indirect kiss kami niyan eh!” Nakangusong sabi ni Sunny.

“Ayaw mo niyon? Indirect kiss ka sa gwapong lalaki.” Inakbayan ito ni Joanaliza.

“Tse!”

“Papalitan ko na lang, Sunny.” Sabi niya kay Sunny.

Freezia's Biggest Secret! (Revising)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon