Secret 17: Seductive Smile

19.5K 273 20
                                    

DONE EDIT. (2/21/14)

Chapter 17

 Seductive Smile

“YAWN.”

Hindi mapigilan humikab si Zia, kasalukuyan siyang na nag-review siya sa susunod na subject dahil sa midterm exam. Walang kahirap-hirap niyang nasagot ang ibang test ang problemahin na lang niya ay ang huling test niya dahil hindi siya nagkaroon ng pagkakataon na mag-araw niyon dahil busy siya kagabi. Busy sa pag-iimbistiga tungkol kay Sakura. Maliban sa pinsan ito ni Rui ay kaibigan nito ang isang gangster na nagngangalan Margareth na minsan ay nakalaban niya at siyempre, talo ito dahil mga loser! Kaya siguro gusto nitong ipaghigante ang kaibigan. Whatever.

Apat na araw na din ang nakalipas nang pumunta sa montemayor farm at nangyari ang courage game. Bakit na naman ang normal niyang buhay, dahil din kay Anti ay mauudlot na naman ang plano niyang maghiganti kay Joseph at Serafina.  

Humikab na naman siya, nandito nga pala siya sa study area at kunti lang ang tao nandito para mag-aral. Ipinatong niya ang dalawang braso sa mesa at binaon ang mukha sa braso. Iidlip lang siya sandali pero natuloy ang plano niyang umidlip dahil naramdaman niyang umupo ito sa tabi niya. Nang lumingon siya sa gilid ay nakita niya ang kapatid niyang si Presea, nakangisi at tinapat sa kanya ang poster. Ipinaalala nito sa kanya ang Ms. and Mr. Crucifix University.

“Hay! Presea! Huwag mo nga ipaalala iyan sa akin! At pwede ba umalis ka na rito, nakakaistorbo ka sa akin eh!” Tinabing niya ang poster.

“No, I won’t. Kailangan maging ready ka.”

Kumunot ang noo niya.

“Ready for what?”

Presea’s rolled her eyes in heavenlyward at itinapat uli sa harap niya.

“Kailangan mong magpractice kung ayaw mong pagtawanan sa harap ng mga tao! Kukunan kita ng magandang picture para gawan kita ng tarpaulin! And oh em ge! Magpa-practice din kayo na mag-ramp sa stage nung partner mo! Oh joy! If only you see him, he’s oozing with sex appeal! Kung pwede lang sana ako sumali ay ginawa ko na eh! kaloka ka talaga, Zia—And heck, why are you still wearing this glass of yours? You look ridiculous! Hindi mo naman iyan kailangan. Kaya ka hindi nagkakaroon ng boyfriend eh!”

Eh ano naman?gusto niya iyon itanong rito pero hindi na lang niya ginawa. The last thing na gugustuhin niya ay magkaroon ng boyfriend. Bata pa naman siya kaya, hindi kailangan maging desperada na magkaroon ng boyfriend. Hassle lang iyan eh.

“Look. Wala akong planong sumali diyan sa miss miss na yan kaya wala kang problemahin. Wala ka bang klase ngayon?”

“Tapos na ang klase ko. So, pagkatapos ng exam mo ay balikan mo ako rito para maisagawa na natin ang plano. Hihintayin kita kaya huwag mo akong indianin!”

“Ayoko.”

“KAPAG HINDI MO GAGAWIN YON AY MAGBIBIGTI AKO.”

Freezia's Biggest Secret! (Revising)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon