Secret 61: Jungle Zoo

7.3K 94 43
                                    

Jungle Zoo

Freezia’s POV

“Freezia!” bigla akong in-hug ni Presea.

“Oh?”

“Saan ka pupunta?”

“Sa Zoo.” Ngayon araw na kasi yun at for your information sembreak na ngayon at dahil nga wala naman akong ginagawa kapag sembreak ay mamasiyal na lang ang gagawin ko at muntik ko ng makalimutan na nagsisimula na ako sa pagtatrabaho. Nakakayamot man ay pinandigan naman talaga ni papa na wala akong matatanggap na pera sakanya. Oh well, okay na lang dahil may part time job naman 'no kahit muhang pinapahirapan ako ng bossy na SAKURA na iyon. May lihim na galit ata yun sa akin dahil natalo ko siya sa contest.

“yay! Gusto ko sumama! Sino ang kasama mo?”

“Santillian.”

“Ahhh... ha!?  ayyiiee! Two timer ka pala ngayon, zia!!”               

“Heck, pano ako mag-two two time ha? at sino ang tinotwotime ko?”

“Si Rui at si Cody.” Sagot niya.

“FYI, hindi ako nagtwo-two time. Hindi ko nga sila boyfriend tsaka si santillian naman PO ay gusto lang niya na may kasama na pumunta doon sa Zoo tsaka alam naman niya na mahilig ako sa animals.”

“=__= ay ganun? Dense! Ang hina ng utak! Alam mo ba na ang lalaki na niyaya yung babae na mag-isa tas lalo na kapag yung favorite na puntahan ng babae ay parang niyaya ka na din niya ng date!!!”

“G@ga!, pakialam ko diyan! Basta makita ko lang ang mga cute animals yun na!”

“O siya! tatahimik na ako! basta mararanasan mo lang na may ka-date, okay na sa akin. Ah, huwag ka nga palang magpagabi sa pag-uwi.”

“Bakit?” tanong ko habang sinusuot ko ang rubber shoes.

Inubos muna niya yung ice pop na dala niya bago siya magsalita.

“Balita ko ay may tagalabas na pumapasok dito para magnakaw at kung hindi naman ay ni-re-rape nila! Omo! Hindi ako lalabas ng bahay hangga’t hindi nila nahuhuli iyon. Kasalukuyan rumuronda ang mga pulis dito kung may suspecious na mga tao na umaaligidligid kaya umuwi ka ng maaga kahit na wala si mama at papa di—“

“Oo na! badtrip!” pupunta pa sana ako sa hide out namin eh.

“Ay! Tanong ko lang. Sino yung guy na nakasayaw mo nong Intrams?”

Now that she mention it. Hindi ko alam pero parang si Cody ata yun o hindi eh. Ewan! Anak ng tokwa naman oh! kakalimutan ko na nga dapat iyon eh dahil pagkatapos ng sayaw na iyon ay umalis na siya hindi man lang sinagot kung anong pangalan niya. Darn naman! Pero ito lang masasabi ko parang narinig ko na iyong boses niya. Bakit ko nasabi din na para din siyang si Cody dahil lang naman po siguro sa maskara at -___- may pagkahawig yung tuxedo nya (nakalimutan ko na ung damit) at yung boses? Ewan hindi ko din alam dahil kakaiba kasi yung boses niya doon eh.

Freezia's Biggest Secret! (Revising)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon