Secret 08: Presea's Love Struck

23.5K 306 12
                                    

DONE EDIT. (2/8/14)

Chapter Eight

Presea’s Love Struck

“IKAW bata ka! Paano mo ito nakuha ang pasa mo, ha? may nam-bully ba sa bagong school mo?!” Naniningkit ang mata ni Liza sa anak, namamaga ang mukha nito. Ilang beses na niya itong tinanong kung pano nito nakuha ang pasa sa mukha pero parati lang sinasabi nito na wala lang kahit alam niya na hindi iyon totoo.

“Wala po 'to, Ma.” Sagot naman ni Zia sa kanyang ina. Wala talaga siyang plano na ipakita ang pasang natamo niya kanina subalit matalas ang paningin ng kanyang ina kaya hindi iyon nakaligtas. Panay panenermon nito sa kanya.

“Anong wala? Goodness, Grabe na 'tong pasa mo!”
“Wala lang po talaga. Huwag na ninyong pansinin.”
Inalapag niya ang cold compress at tumayo na sa kinauupuan. “Aakyat na po ako.”

Hindi mapigilan ang sariling mapaluha si Liza habang nakatanaw sa kanyang bunsong anak. Ano ba ang nangyayari dito? Hindi na niya alam kung anong gagawin niya para dito. Hindi parin maalis sa dibdib ang pag-alala. Sana nga hindi na ito binubully. Noon kasing nasa elementary palang ito hanggang second year high school ay parati itong tinutukso. Hindi nga niya alam kung bakit ganito parin ito mag-ayos.

Nakasalubong ni Zia ang kanyang ama sa hagdan. Nagkasalubong ang kilay nito nang makita siya. Nilagpasan na lang niya ito at patuloy na lang sa pag-akyat. Alam niyang sesermonan na naman siya nito.

Sinundan ng tingin ni Erman ang anak. Kailan pa naging nagsimulang naging rebelde nito? May pagkukulang ba siya kaya nagkaganito 'to. Kailangan gawan niya ng paraan para hindi na ito mag-rebelde sa kanya.

“Erman…” Narinig niya ang kanyang asawa kaya nilingon niya ito. Nakita niya na may bahid na lungkot ang hitsura nito. Bumaba siya at niyakap ang mahal niyang asawa.

“I don’t know what to do with her. Kahit anong pilit kong tanong sa kanya kung anong nangyari sa kanya ay ayaw niyang sagutin. Siguro may nambully na naman sa kanya.” Binaon nito ang mukha sa dibdib.

“Shh… It’s going to be alright. Hindi ko na hahayaan na masaktan uli ang anak natin, Liza.” Tama. Dahil hindi niya iyon hahayaan na may manakit sa kanyang mga anak. His family were his precious gem. Kahit hindi halata sakanya na nakapa-importante ng mga ito sa kanya.

Sumagi sa isipan niya ang kanya si Presea. Lumayo siya ng kunti sa asawa. “Umuwi na si Presea?”

“Nandon siya sa kanyang kwarto, bakit?”

“Good. Kakausapin ko siya.”

*

            “HINDI ako pwede, Akira, alam mo naman na busy ako sa pag-aaral ngayon eh. Maybe next time.”

Freezia's Biggest Secret! (Revising)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon