Secret 64 two down and two more to go!

3.6K 46 21
                                    

Freezia's Biggest Secret

Freezia's pov

"Sabi ko ang ganda mo." Naalala kong sabi ni Cody.

Tinaasan ko na lang siya ng kilay. Ano kaya ang nakain niya at tinawag niya akong maganda. Nasa ilog ako at nakaupo lang sa lupa at nakaharap sa ilog.

Boring. Kung ganito lang naman ang gagawin namin na maghiking, camping at iba pa ay sana ay niyaya ko na lang sila na magbar. Though, hindi naman ako umiinom. Pero maganda iyon para makahanp naman mapagkakalibangan.

Pero mukhang ako lang ang hindi naeenjoy dito eh.

Pumulot ako ng maliit na bato sa tabi at tinapon ko sa ilog.

Tinitigan ko lang ang ilog. Narerelax ako habang tinitigan ko iyon. Ang sarap langhapin ng simoy ng hangin dito.

Kelan nga uli ako nakapagrelax ng ganito? Tagal din.

Naramdamam ko sa loob ng bulsa ko na nagvibrate yung cellphone ko. Oi, may signal pala rito.

May nagtext sa akin.

"Sino kaya ito?" Unknown kasi.

Unknown number: two down and two more to go... :)

Nakakunot ang noo na binasa yun. Two down and two more to go? Hell, i can't understand kung anong ibig niyang sabihin. Baka mga loser na walang gumagawa. Minsan tinithreaten nila ako pero hindi naman nila magawa.

Alam ko na alam niyo na din iyon hindi ba?

Tumayo na ako at nagdecision na bumalik na sa bahay bakasiyonan ni rui. Nakarating na din kami. Isang araw at 7 hours din ha ang lakbay namin.

Napakasimple lang ng bahay. Hindi mo masasabi na isang mayaman ang nagmamay-ari niyan. Camping lang sana ang plano namin pero nagbago ang isip namin dahil mukhang may bagyo.

Pumasok ako at dumiritso sa guest room.

Nakita ko doon si Presea na nagsusulat.

Hindi niya ako napansin ata kaya naman lumapit ako sakanya at binasa ang sinusulat.

Presea; dear, Akira

Alam mo ba na love na love kita? Kaya naman bibigyan kita ng sopresa pumunta ka dito sa...

"Dear akira, alam mo ba na lov-"

"Eck! Zia!" Napatalon siya palayo sa akin. Namumula ang kanyang pisngi. "Bakit mo binabasa mo ang sulat ko ha?"

Kibit balikat lang ako. Hindi ko siya sinagot.

"Hoy!"

"Wala lang. I just feel like it." Ngumisi ako sakanya. "Kailan mo ba mawawala iyang puppy love mo?"

"Hindi ito puppy love! Grrr... mind your own business nga. Mag-isip ka kung sino oena cody at rui ang gusto mo."

"I don't get what you mean. Bakit nasali si Cody?"

"Hindi ba obvious na may gusto yung tao sayo."

Well, guess ko lang naman yun na may gusto siya sa akin. Ang hirap naman ng pinapagawa niya eh. Pano ba mainlove? Paulit ulit ko na lang tinatanong sakanya at sa iba pa pero parati nila sinasabi sa akin na bumibilis daw ang tibok ng puso, parati mo siya iniisip, ayaw mo siyang mawala at sa tingin mo ay siya lang ang lalaki sa mundo.

Umalis na lang ako ng walang sabi. Pagbaba ko ay nandon sa baba si Cody. Mukhang hinihintay ako?

"Alam mo ba kung saan silang lahat?" Tanong ko sakanya.

"Namamasiyal kasama si rui dahil siya lang naman may alam dito sa lugar na ito eh."

"Ah." Kaya pala.

"Gusto mo ba mamasiyal?"

"Bakit alam mo ba ang pasikot dito sa lugar na ito?"

"Oo naman! Nakapunta na ako dito yun nga lang gamit ang helicopter."

Hindi na ako nasopresa kung gumamit man siya ng helicopter. Pumayag ako ayoko naman kasi na magtunganga lang dito sa loob ng bahay. Naglakad lakad lang kami at may nadaanan kaming maraming bulaklak.

"May alam ka ba na magandang lugar dito?"

"Oo, just follow me. Mag-iingat ka, ha?"

-_- nasa mga batuhan na kami. Basang basa ang bato. Umulan kasi kanina eh, two houra ago.

Pero parang ang pilyo ngayon ng tadhana dahil sa pag-apak ko sa bato ay nadulas ako. Hinablot ang beywang ko ni Cody.

"Sabi ng mag-iingat ka eh."

Sobrang higpit ng pagkakahapit niya. Nararamdaman ko ang pag-iinit sa magkabilang pisngi ko. Inalalayan niya ako hanggang sa makaalis na kami sa mabatong lugar.

He treats me na para bang babasagin ako. Hindi ito ang kilala kong cody.

Tinitigan ko siya. "Who are you? Anong ginawa mo sa spoiled brat na si Cody Lance Santillian?"

Tumaas yung isang kilay niya. I find him cute in that way.

"What the heck are you talking about?"

"Ah, wala!" Iniwas ko na lang ang tingin ko sakanya. Nagpatuloy lang kami sa paglalakad. Hanggang sa marating na namin ang distinasiyon.

Nagilalas ako sa nakita. Kung hindi lang nagbabanta ang kalngitan na umulan ay mas lalong gaganda ang lugar na ito. Nasa tuktok na kami ng bundok at malaya mo makikita ang buong siyudad dito at pinapalibutan kami ng iba't ibang bulaklak.

Hindi ko mapigilan na mapangiti.

"Do you like it?"

"Well yeah. Pano mo nalaman ang lugar na ito?"

"Er, nalaman ko lang ito kay Rui noong minsan na bumisita kami dito. Nakakarelax kasi dito tsaka gusto ko ito ipakita sayo."

"Ahh..." binalik ko ang paningin sa paligid.

Siguro nga ay nagbago na ang ungas na ito.

Nagkwentuhan kami ng kung ano-ano hanggang sa hindi na namin namalayan na hapon na pala. Kaya naman nagmadali kami na umuwi dahil nagsimula ng umulan. Napansin ko na may pumitas siya ng bulaklak.

Malapit na kami sa bahay ng bigla niya ako pinigilan.

"Freezia." Tawag niya sa akin. Lumingon ako sakanya.

"Hm?"

"May gusto sana ako sa-sasabihin sayo."

Nakakunot ang noo ko. Ano kaya ang sasabihin niya? Bumuka ang bibig niya at magsasalita na siya nang may marinig kaming ingay sa loob ng bahay.

Nagkatinginan kami at tumakbo patungo sa bahay. Pagpasok namin ay nakita ko si Presea. Umiiyak at nakauwi na din ang iba. Inaalo nila si presea.

"Anong nangyari?" Sabay namin tanong ni Cody.

"Z-zia... sina mama at papa!" Humagulgol siya.

Biglang kumabog ang dibdib ko.

"An-nong nangyari s-sakanila?"

"N-nasa hospital sila! Kritikal ang kanilang buhay! Papauwi na sana sila sa bahay nang may mga holdaper daw na umatake sakanila... gusto ko silang puntahan!"

Para akong pinagsakluban ng langit at lupa sa nangyari. Nanginginig ang mga kamay ko. Holdaper?

Naalala ko tuloy yung text.

Two down and two more to go...

Hindi kaya...

Author's note:

Thank you po sa lahat ng naghihitay sa chapter! Sa wakas ay makakapag-update rin ako pagpasensiyaan na ninyo kung ang chapter na ito ay napakaikli at bitin na naman.

Baxk to beginning ako dahil ang ibang chapter na 65 pataas ay nasa pc at di ko na makuha kasi nasira eh. Sorry.

Freezia's Biggest Secret! (Revising)Where stories live. Discover now