Secret 63

7.4K 77 20
                                    

Chapter 64 

Bakit ba ako pa ang naging utusan niya? Kapag makita ko silang dalawa ay susuntukin ko talaga sila!

Nakita ko sila doon sa may batis at nag-uusap. Si Daniel ang panay kwento si Rui naman ay tahimik lang na nakikinig.

“Hoy!!!!!!”

Napatingin sila sa akin.

“Bumalik na nga kayo hinahanap na kayo ni Presea eh!”

“Bakit daw?!” tanong ni Daniel.

“Ah basta uwi!”

Bumalik naman siya at si Rui lang ang tahimik na naka-upo sa malaking bato.

“Oh bakit hindi ka pa bumalik?”

“Naah, gusto ko magpahinga dito.” Sagot niya.

Hindi ko talaga maintindihan siya.

“Alam mo hindi talaga kita maintindihan!”

“Hindi mo kasi iniintindi eh.”

Tumabi ako sakanya. Yeah, I know!  Wala sa amin ang nagsalita.

Ilang minuto pa ay nagsalita siya.

“Sinabi ba ni Chihiro ang dahilan kung bakita ako sa sumali doon?”

Umiling ako.

“Bakit ba? Hindi mo naman kailangan ng pera ah at hindi ka naman basagulero o ano pa.”

In fact, matagal ko na napapansin na wala siyang interest sa pakikipag-away.

Ngumiti lang siya. “Kaya ginawa ko iyon dahil sinabi ni Chihiro na sumasali ka doon at may possibiladad na e-kick out ka niya dahil sa ginawa nya. Hindi ako naniniwala dahil alam ko na hindi mo kaya iyon. Para patunayan sakanya ay sumali ako doon.” Well, wala akong masabi sa sinabi niya. “At napatunayan ko naman iyon. Alam mo ba kung sinong Ice Phoenix yung nakita ko?”

“Let me, guess? Steffani?” iyon lang kasi ang lumabasa sa isipan ko.

“Nope. It turns out na isang lalaki siya hahaha.”

O_O! “Lalaki?!”

“Yeah! At ang master mind naman sa ilegal na gawain iyon ay napakatanga dahil wala silang mahanap na kasing galing mo ay yung lalaki ang ginamit nila. Si Gin ang pasimuno niyon.”

Freezia's Biggest Secret! (Revising)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon