Kinamot ko 'yong likod ng ulo ko. Ang sakit. Eto na naman kami sa batukan. "Eh kasi masyado kang seryoso eh!"

Roxy is still very serious. "I saw Jacin yesterday."

Napangiti ako nang maisip ko si Jacin. "Nakita ko rin naman siya kahapon ah?"

Gumising ako kanina nang may malawak na ngiti. Pagdilat na pagdilat ko kasi, ang gwapong mukha ni Jacin ang nasilayan ko. Pero hindi ko na siya katabi. Nakaupo siya sa gilid ng kama ko na parang hinihintay lang akong magising.

Medyo nakakahiya lang dahil nakita niya 'kong bagong gising.

Ang panget ko. Hindi ako katulad ng ibang babae na maganda kapag kakagising. Pero kahit gano'n, nginitian niya pa rin ako. Sa bahay na rin sya nag-almusal. Sabay-sabay kaming apat nila Nanay at Tatay. Tulog pa kasi si July.

Si Jacin din ang naghatid sa'kin dito sa school, hinatid niya ako sa mismong tapat ng principal's office, kung saan naghihintay na sa'kin si Roxy.

Umuwi lang si Jacin sandali para makapaligo daw at makapagpalit ng damit. Kahit naman hindi na niya gawin 'yon eh, dahil sa totoo lang ang fresh niya pa rin.

Medyo nainis pa nga siya kanina dahil ayaw kong ipakita sa kanya ang painting ko.

"June... let me see it. Please." habol niya bago ako lumabas ng sasakyan.

Medyo nakanguso siya habang sinasabi niya 'yon. Muntik na kong bumigay sa cuteness niya, buti na lang nakapagtimpi ako. "M-makikita mo naman mamaya eh."

"But I want to be the first to see it." sabi niya, bago kumunot ang noo. "You... you didn't paint me did you?"

"H-hindi ah!" halos pasigaw kong sagot. Kinuha ko ang nakabalot na painting sa backseat, mabilis na inalis ang seat belt ko, lumabas ng kotse at tumakbo papunta kay Roxy na masama ang tingin sa Lamborghini ni Jacin.

Malayo na ako sa kanya nang lumingon ako.

Nginitian ko siya ng nakakaloko habang kumakaway sa kanya.

Ngumiti rin naman siya habang umiiling. Nilabas niya pa sa bintana ang isang kamay niya para kumaway din sa'kin, ang isang kamay niya naman ay nakahawak sa steering wheel para i-drive paurong ang sasakyan at makaalis sa parking.

Ang cool niyang tingnan. Ang hirap kayang mag-drive ng reverse gamit lang ang isang kamay.


Bakit ayaw kong ipakita sa kanya ang painting?

Nahihiya ako. Siguradong malalaman nyia ang sekreto doon oras na makita niya 'yon. Si Sir Jimenez nga nakita agad eh.


"June to earth, June to earth! Nakikinig ka ba?" untag sakin ni Roxy.

Napakurap naman ako. "S-sorry Bes. Ano na nga 'yong sinasabi mo?"

"Gusto mo ng batok? Kanina pa ko nagsasalita rito eh!" buong pasensya siyang humugot ng hininga, "Ang sabi ko, nakita ko si Jacin kahapon kausap 'yong bruha."

"Bruha?"

"Si Ayu! Sino pa ba?"

"T-talaga?"

"Kabang-kaba kami kahapon nila Sam at Alisson habang hinihintay kayong lumabas ng office. Para ma-relax kami, pumunta ako ng cafeteria to buy some snakcs kasi pinagpapawisan na talaga ako ng malagkit sa kaba! Mukhang magtatagal pa kayo sa loob eh. Naisip ko na ring hanapin si Jacin dahil baka maling office ang napuntahan niya. At alam mo ba kung saan ko siya nakita?" biglang tumaas ang isang kilay ni Roxy, "Sa likod ng classroom ng 1-A, nakikipag-usap kay Ayu."

Fixing Mr. Perfect (Pyxis #2)Where stories live. Discover now