Chapter 29 - Roller coaster

22.9K 681 50
                                    

Desperate Seduction

MyJaff

WARNING: BRUTAL SCENE ALERT!!!

~

GUSTONG mainsulto at the same time matawa ni Aiszel sa mga sinabi ni Robbie sa kanya ngayon. Tatlo? Na kay Hellion ang isa? Puta! Gusto niyang pumatay. Gigil na gigil siya at matinding galit ang gustong pakawalan ng kanyang dibidb. Hindi pwede! Naisahan na naman siya ni Hellion, tangina! Namumuro na sa kanya ang bastardong iyon. Marahas na tumayo si Aiszel at hinampas ang kanyang mga palad sa lamesa, halos malaglag nga ang mga tsa sa harapan nila dahil sa lakas ng pwersang ginawad niya roon.

"Anong sinasabi mo at bakit nasa kanya ang anak ko?!" Galit na gtalit siya at wala siyang ibang mapag buntongan ng galit kundi ang ginang sa harapan niya ngayon. Taas baba ang kanyang dibdib na nilapitang si Robbe at marahs na hinawakan ang pisngi nito gamit ang kaliwang kamay. "Nasaan ang anak ko?! Nasaan?!"

"Helen huminahon ka." Pilit siyang pinakakalma nito pero wala iyon sa isip niya ngayon. Pkairamdam ni Helen Aiszel ay nag aapoy siya sa galit ngayon.

"Is there anyone there?" Marahas na sigaw niya.

Ilang saglit pa ay may lumapit sa kanilang babaeng taohan at malakas na napasinghap nang makita kung ano ang ginagawa niya sa isa sa mga asawa ng Legends.

"Queen Aiszel, please unhand the Jaguar's wife."

"Give me a fucking gun." Marahas na sabi niya.

"Queen."

Galit na binalingan niya ang babae. "Bibigyan mo ako ng baril o isasama kitang ihulog sa baba?" Asik niya rito.

Kaagad naman itong tumalima at dali daling inabutan siya ng baril. Naroon pa rin ang pag aalinlanga sa mga mata nito pero wala naman itong magawa kundi ang sumunod sa utos niya kung ayaw nitong mauna itong mamatay kesa sa babaeng hawak niya ngayon. Galit na galit si Aiszel at tila sarado na ang isip niya sa lahat ng bagay. Ibang usapan na talaga kapag anak na niya ang pinakialaman. Ang kapal ng mukha nilang lokohin siya. Puta! Hindi siya makakpayag na siya ang agrabyado dito?! Sila ng mga anak niya.

Tinutok niya ang kanyang baril sa baba ng Ginang, walang takot nha ginawa niya iyon. Walang kinatatakutan si Aiszel pagdating sa pagpatay. Wala.

"Nasaan ang anak ko?!" Asik niya. "Saan dinala ni Hellion ang anak ko?!"

"Helen, nasa m-mabuting kamay ang anak mo. Huminahon ka muna. Please, anak."

"Hindi ako hihinahon hangga't hindi mo sinasabi sa akin kung nasaan ang anak ko." Halos mamaos na ang kanyang boses. "Ang kapal ng mukha mong ilihim sa akin ang bagay na ito?! Ina ka rin at alam mo kung gaano kalaki sa parte ng ina ang mawawala dahil sa anak. Wala kang karapatang ilihim sa akin ang bagay na ito. Papatayin kita!!!"

"HELEN!!! FUCK!"

Mabilis na may yumakap sa kanyang bewang at may isa namang umagaw sa baril na hawak niya. Si Jaguar Chui pala iyon at mabilis na niyakap ang asawa nito. Marahs siyang lumingon sa kanyang likoran, si Hari iyon at hingal na hingal pa, siguro ay tumakbo ito paakyat, papalapit sa kanila.

"Bitiwan mo ako! Hindi mo ba alam kung ano ang ginawa ng babaeng iyan sa mga anak natin? Bitiwan mo ako Hari, papatayin ko siya. Papatayin ko siya."

"Helen!!" Marahas na sigaw ni Jaguar Chui sa kanya. "What the hell is wrong with you? Ayan ba ang igaganti mo sa asawa ko matapos ka niyang paanakin?"

Kumawag siya upang makawala sa asawa pero mas lalo lang humigpit ang yakap ni Hari sa kanya. "Reyna ko, tama na."

Marahas niya itong sinipa sa tuhod, sinuntok niya ito sa tagiliran dahilan para mapabitaw ito sa kanya. Napaigik pa ito at sandali siyang natigilan ng mapagtanto niyang nasaktan niya ang asawa niya pero hindi iyon ang issue ngayon.

Desperate Seduction (COMPLETED)Where stories live. Discover now