Chapter 19 - World War H

20.7K 807 105
                                    

Desperate Seduction
@MyJaff

~

“HERE, eat more my Queen.” Sabi ni Hari habang sinusubuan siya ng crackers.

Hindi niya maiwasang mapangiti, kitang kita niya talaga kung paanong mag alaga sa kanya si Hari. Halata namang tuwang tuwa ito ngayon dahil mag kakaanak na sila, kahit na siya ay hindi handa. Pero sa tuwing nakikita niya iyong mga mata ni Hari, pakiramdam niya ay nagiging kuntento na siya sa buhay.

Minu-minuto pinaparamdam sa kanya ni Hari kung gaano siya nito kamahal, kung gaano sila ka-importante ng bata sa sinapupunan niya sa buhay nito.

“Hari! Sabi nang isawsaw mo muna sa whip cream na may chilli bago mo isubo sa akin e!” Iritableng aniya ng mapansin niyang hindi na nito sinasawsaw ang crackers na sinusubo nito sa kanya.

Bumuntong hininga ito. “Queen, baka kasi makasama kay baby kapag puro maanghang na lang ang kinakain mo.”

Sinamaan niya ito ng tingin. “Lumayas ka sa harapan ko!”

Muli ay bumuntong hininga ito, “Alright.” Pagsuko nito at saka sinawsaw na ang crackers na isusubo nito sa kanya. “Sana hindi maging kasing bugnotin mo si baby.” Bulong pa nito na narinig naman niya.

“Anong sinabi mo?” Asik niya.

Ngumiti ito sa kanya. “Nothing my Queen. You're the most beautiful woman on earth.” He winked at her

Inirapan niya ito. “I know right.”

“I love you.”

Napangiti siya. Hindi niya talaga mapigilang mapangiti sa tuwing sinasabi ito sa kanya ni Hari. Bigla ay parang nawawala ang inis na nararamdaman niya rito, lalo na kapag seryoso ang boses nito.

“Hari, saan ka pala nanggaling noong mga nakaraang linggo?” Aniya habang kinukurot ang braso nito.

Ngumiti lang si Hari sa kanya. “Sa Sicily, nagpalamig ng ulo,” tipid na sagot nito.

Natigil siya sa ginagawa niyang pagkurot sa braso nito nang marinig ang sinabi nito. Bigla ay nakaramdam siya ng bigat sa dibdib, alam niya namang ang pagtaboy niya rito ang dahilan kung bakit ito umalis ng bansa.

Nagyuko siya ng tingin. Hindi niya kayang sabihin iyong salitang “Sorry.” Damn pride!

Mukhang napansin naman iyon ni Hari kaya kaagad siya nitong tinitigan. “Hey, don't get upset love. Kasalanan ko naman kung bakit mo ako pinaalis, sino ba namang matutuwa kapag nalaman mong sa umpisa ay ginamit lang pala kita. Believe me, my Queen, the last thing on my mind now is to hurt you. I am so much in love with you.”

“Do you...” She sighed. “...really love me?”

Naisip niya kasi, baka sa simula lang ganito si Hari sa kanya o baka naman, naging malapit lang talaga ito sa kanya dahil may nangyayari sa kanila sa kama. Natatakot siya sa totoo lang, natatakot siya na baka matulad lang sa nangyari sa relasyon nila ni Azil noon ang sa kanila ni Hari. Baka kapag may nalaman itong hindi maganda tungkol sa kanya ay iwanan rin siya nito.

Paano na lang kapag nalaman ni Hari na naging kabit siya ni Azil at hindi pa niya natatapos ang relasyong iyon. Hindi pa naman kasi sila nagkakausap ni Azil magmula noong huli at isa pa, hindi nito sinasagot ang tawag niya.

Hinalikan ni Hari ang kanyang noo. “Queen, I will tell you this a million times so you won't ever forget this, I love you so much.” He said while looking at her with so much passion. “I love you Helen Aiszel Fermia Fame, even death my love for you won't die with me. I love you eternally.”

She licked her lower lip, pakiramdam ni Aiszel ay kinapos siya ng hininga habang sinasabi iyon ni Hari. Ang bilis bilis ng tibok ng puso niya, hindi naman siya makaiwas ng tingin kay Hari dahil nagugustohan niyang titigan ang ekspresyon ng mga mata nito.

Desperate Seduction (COMPLETED)Where stories live. Discover now