Chapter 26 - Accusations, Truth, Kill

20.2K 623 101
                                    

Desperate Seduction
@MyJaff

~

“WHAT happened?” Nagulantang si Aiszel sa narinig mula sa kanyang kapatid na si Hanna. “Sinong patay?”

“It happened to be your ex's wife. Azil's wife, Leana. Sabi sa news buntid daw at hindi pa kilala yung armadong lalaking bumaril sa kanya. You know her family naman, politics. Isa iyon sa mga itinuturong dahilan.”

Hindi alam ni Aiszel kung bakit siya kinabahan bigla. Wala naman na dapat siyang pakialam sa mag asawang iyon dahil matagal na niyang pinabayaan ang nararamdaman niya para kay Azil pero isipin niya pa lang na nahihirapan ito ngayon, pakiramdam niya kailangan siya ng binata. Kahit paano naman kasi ay may pinagsamahan rin sila kahit na ilang ulit siya nitong itinaboy palayo.

Wala na iyon ngayon dahil mahal na mahal na niya si Hari.

“Thanks sa information Hanna, and by the way. Congrats. Buntis ka na naman pala ulit.” Nakangiting sabi niya sa kapatid.

Hanna blushed. “Thanks, iyon nga lang mas mauuna ka. Ang laki laki ng tyan mo. Mas malaki nung pinagbubuntis ko si Rhoxx, nagpa ultra sound ka na ba?”

She shook her head. “Maraming naging problema lately kaya hindi ko nagawa. Anyway, mamaya pupunta ako sa clinic para mag undergo ng ultrasound. Papayag naman siguro si Black or ang kambal.”

“Aiszel, about sa Reyna...”

She closed her eyes. “Please, Hanna. Let father do the job, sa ating lahat siya ang mas nahihirapan.”

Nagyuko ito ng tingin. “Yeah, I'm sorry. I'll go now.”

Ngumiti lang siya rito at hinayaan itong umalis. Alam niyang ilang beses na rin siyang kinulit ni Haze tungkol sa kalagayan ng kanilang ina at mukhang nakumbinsi na nito si Hanna. Kahit naman ano ang maging desisyon nila, na kay Demon pa rin ang huling desisyon.

She sighed. Hinawakan niya ang malaki at bilogan niyang tyan. Ilang buwan nalang kasi ang bibilangin niya at manganganak na siya. Funny thing is, hindi pa niya alam ang gender ng magiging anak niya. Masyado kasing naging abala ang nga nakaraang buwan at sunod ang dagok na dumating sa ETHQ. That's why, hindi pa siya nakakapag pa-ultrasound although, wala naman siyang palya sa mga vitamins na ibinigay ni Edzel sa kanya.

About Hellion, wala na siyang balita sa gagong iyon maliban na lang noong huli na tinawagan nito si Junaimah. Siya ang sumagot sa tawag na iyon, hindi man ito nagsalita alam niyang si Hellion iyon. Actually, wala naman na siyang pakialam sa binata ngayon she felt relief now that he is no longer here at sana hindi na ito bumalik pa kahit na kailan.

And about Junaimah and Alexandra. They're all gone. She command the torturers to beat the hell out of them. Ang mga taong tulad niyon ay hindi na dapat na binubuhay pa.

On the other hand, si Hari naman ay tuloy tuloy na ang recovery. Sad to say pero pinag utos ni Demon Hades na bumalik muna ng Sicily si Hari para doon magpagaling. Hindi naman niya iyon tinutulan at halos mag iisang buwan ng naroon si Hari. Miss na miss na niya ang loko at gago pa, hindi na siya kino-contact nito this past few days. Nagpapamiss yata ang loko.

Humarap si Aiszel sa laptop niya at sinearch iyong sinabi sa kanya ni Hanna. Halos mag iisang buwan na rin palang patay ang asawa ni Azil pero ngayon lang isinapubliko ang tungkol rito. Kaya pala ilang beses niyang nakikita sa mga newspapers si Azil lately. Alam niyo na, galing sa pamilya ng mga politician ang asawa nito kaya big deal ang pagkamatay nito.

Somehow, hindi maiwasan ni Aiszel na mag isip kung konektado ba sa kanya ang pagkamatay ng babaeng iyon. Parang may hindi magandang mangyayari, iyon ang nararamdaman niya ngayon.

Desperate Seduction (COMPLETED)Where stories live. Discover now