Chapter 12 - Force

23.3K 823 154
                                    

Desperate Seduction
@MyJaff

~

“QUIT fooling around Hari! What marriage are you talking about?!” Hindi maiwasan ni Aiszel na magtaas  ng boses kay Hari. Hindi niyo naman siya masisisi, she's shock. Fuck!

Paanong kasal? Wala siyang matandaan na pumirma ng kahit ano o umattend sa isang ceremony na kasal na pala niya iyon ng hindi niya nalalaman. Unless, Hari is that powerful to do such a thing.

Tinitigan niya ito ng masama. “Stop playing with me, stop it Hari! Hindi na nakakatuwa.” Seryosong aniya.

Yes, she thinks of marriage but not with Hari.

Ngumiti lang ito sa kanya. “At least I have my balls to take my responsibilities for you. Gaya nga nga sinabi ko kagabk diba? Pakakasalan kita.”

“Not because you took my virginity you can forced me to marry you! Goodness Hari, hindi nga kita mahal!” She yelled at him.

For a moment, gusto niyang bawiin ang sinabi niya lalo na ng makita niya kung paanong lumamig ang mga tingin ni Hari. Kung paano itong nawalan ng buhay.

“H-hari..” she's out of words.

Tumikhim lang ito at saka pilit na ngumiti sa harapan niya. “Ang sakit pa rin pala kapag sinupalpal mo na sa akin yang salitang yan.”

Kaagad siyang umiling. “It's not like that..”

“I understand,” May bahid ng pait ang boses nito. Nag angat ito ng tingin sa kanya at kitang kita niya ang lungkot sa mga mata nito. “I am willing to understand everything for you, mahal kong Reyna.”

Again, she's out of words! Damn it!

“Harison that's enough!” Dinig niyang sigaw ni Hellion.

Hindi naman inalis ni Aiszel ang tingin niya kay Hari. Maraming tanong ang nabuo sa isipan niya pero isa lang ang hindi niya kayang tanggapin, iyon ay ang katotohanang kasal siya kay Hari at hindi kay Azil. She never think of marrying someone but Azil.

At the same time, hindi niya maintindihan ang sarili niya kung bakit siya nasasaktan ngayon.

Lumingon saglit si Hari kay Hellion at kitang kita niya kung paano ito ngumisi, “You're out of this Davis Hellion. Go to hell!”

Halos mapapitlag siya sa gulat. Ngayon niya lang nakitang ganoon kaseryoso at the same time kalamig ang boses ni Hari. Ngayon niya lang itong nakitang parang may itinatago itong malalim na sikreto.

Hinarap siya ni Hellion. “Pinapatawag ka ni Dad, mabuti nang pumunta ka na ngayon Helen.”

Binalingan niya si Hari. “Sabihin mo sa akin kung sino ka bang talaga, baka sakaling matanggap ko 'yang kasal na sinasabi mo.” Mariing aniya. Mabigat man ang kanyang dibdib ay tumalikod na siya sa binata. “Hellion, tara na.”

Ayaw niya man ay inaamin niya best way to escape ang sinabi ni Hellion. Alam niyang gawa gawa lang iyon ng bastardong anak ni Demon Hades, pero inaamin niyang nakahinga siya ng maluwag gayong wala na sa harapan niya si Hari.

Dire-diretso ang lakad ni Aiszel. Ayaw niyang magkasabay sila ni Hellion kaya binibilisan niya ang lakad niya.

“Hellen..”

Kusang tumigil ang mga paa niya nang marinig niya ang pagtawag ni Hellion sa pangalan niya. Hindi niya ito hinarap, kumulo pa ang kanyang dugo sa halip dahil ang kapal kapal talaga ng mukha nitong tawagin siya sa pangalan niya.

“I told you to stay away from him. Ngayong sa kanya ka na, mas lalo akong nawalan ng pagkakataong mahalin ka.”

Marahas siyang nagbuga ng hangin bago ito hinarap. “Nobody owns me, bastard!” pinasadahan niya ito ng tingin mula ulo hanggang paa at saka ngumisi. “I don't need your love and never will Hellion.”

Desperate Seduction (COMPLETED)Where stories live. Discover now