Chapter 18 - Fall

20.7K 901 262
                                    

Desperate Seduction
@MyJaff

~

Exactly three weeks after...

“QUEEN, bilin po ni Sir Hari na pakainin kayo ng marami kaya please, kumain na po kayo. Ilang linggo na rin po kayong hindi kumakain ng maayos baka mapano po ang baby niyo.”

Inis na tinitigan niya si Alexandra. “Who's your Master, Alexandra?! Bakit panay na lang utos ni Hari ang sinusunod mo? Wala rito iyong tao huwag mong banggit banggitin! Nayayamot ako lalo. Fuck!” Inis na sabi niya bago hinawi ang mga pagkaing nakahanda sa harapan niya.

She doesn't want to eat. She's pissed of nothing. Dammit! Hindi niya nga alam kung bakit naiinis siya ngayon. It is because of Hari's mind blowing revalation? Or it is because he is not here again beside her, now that she wants to smell his scent, tangina! Hinahanap hanap niya ang mabangong amoy ni Hari.

What upset him more is... Knowing that she's already f—ugh! Nevermind.

“Queen, huwag na ho kayong magalit. Nag aalala rin naman po ako sa inyo dahil hindi kayo kumakain ng maayos. Paano na ang baby niyo kapag wala ka pong kinakain, magiging malnourish po iyan pag labas.”

She shut her a glare. “Give me a glass of fresh milk, three banana's with chili. Gusto ko maraming sili ang ilagay mo sa saging. Make it banana chili salad.”

Napatanga si Alex sa sinabi niya. Tumaas ang kilay niya. Weirdo.

“What?” Inis na asik niya rito.

Nagkamot naman ng ulo si Alexandra. Eww! “E, Queen. May ganoon po ba? Banana chili salad?”

She cocks a brow. “Nothing! Ugh! Just do what I say Alex. It annoys me your stupid questions.”

Kaagad itong tumayo at sumaludo sa kanya. “Yes Queen. May iba pa po ba kayong gusto?”

My Hari. “Just bring Amanah here, I miss my first baby.” Sabi nalang niya.

Muling yumuko si Alexandra sa kanya bago lumabas ng silid. Napabuntong hininga na lang si Aiszel, sa ngayon marami na namang gumugulo sa isip niya pero isa lang ang malinaw, nami-miss niya ang prisensya ni Hari sa buhay niya. Sino ba namang hindi gayong nasanay na siya sa binata, kaya lang may mga bagay pa siyang hindi matanggap. Like, paano na lang kaya kung hindi siya minahal ni Hari? Ibig sabihin ba niyon ay itutuloy pa rin nito ang mga plano laban sa kanya? Sa kanila ng pamilya niya.

Isa pa itong bata sa sinapupunan niya. Kusang dumapo ang kanyang kamay sa parteng iyon. Hindi pa siya handa although nasa tamang edad na siya para sa ganitong bagay iyon nga lang sa tingin niya ay hindi pa siya handa. Masyado pang komplikado ang lahat, marami pa siyang hindi natatapos para magsimula ulit ng panibago.

Kagay na lang ni Azil, ano na lang ang sasabihin nito kapag nalaman nitong nabuntis na siya? Kahit na sigurado na siyang  hindi na sapat ang pagmamahal na nararamdaman niya para sa binata ay pinahahalagahan niya pa rin ito.

Kaya nga balak na niyang taposin ang lahat sa pagitan nilang dalawa.

Natigil lang si Aiszel sa pag iisip ng bumalik na si Alexandra, dala dala ang pagkaing pinahanda niya at si Amanah, malayang naglalakad sa kanyang silid.

Kusa siyang napangiti. Parang kay tagal na niyang hindi nakikita ang alaga niyang ito. Tiger, a sign of strength. Kung pwede lang sana ay Dragon ang gusto niyang alagaan para sign of power kaya lang hindi naman iyon nag e-exist. Period!

“Amanah!” Masiglang tawag niya rito.

Amanah growled, showing her sharp teeth. Lumapit ito sa kanya, sumampa sa kama at saka nahiga sa tabi niya. She tapped her head, maya maya ay hinaplos haplos niya ang mabalahibo nitong balat.

Desperate Seduction (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon