Chapter 21 - Guns and Roses

20.5K 762 51
                                    

Desperate Seduction
@MyJaff

~

“ATE, bumalik ka na kasi rito. Hindi maganda ang lagay ni Mother Queen magmula noong umalis ka nung nakaraan. Hindi siya kumakain, Queen Aiszel. Bumalik ka na rito, maawa ka sa Reyna.”

Aiszel sighed upon watching her sister—Haze on the screen. Haze video called her to say that the Queen of EET is getting ill because of her days of absence. Hindi siya makahinga sa balitang iyon sa totoo lang pero mas lalo naman siyang hindi makakahinga kapag bumalik siya ng ETHQ. Wala na, binawi na niya ang lahat. Iniwan na niya pati nag pinaka iingatan niyang trono dahil sa sakit ng nararamdaman niya.

Nakakagago naman kasi talaga. Buong buhay niya  nakikipag kumpetensya siya sa isang taong hindi naman niya kapantay, hindi naman niya kadugo. Nakakatawang isipin pero mas minahal pa nga yata ng mga magulang niya ang ampon na iyon kesa sa kanilang magkakapatid.

“Haze, take care of the Mother Queen. I'm going to end the call.”

Kumunot ang noo nito, halatang kukulitin pa siya. “Ate Helen, hindi ka ba talaga uuwi? Ilang araw ng ganyan si Mom pati si Dad panay na lang mainit ang ulo. Umuwi ka na.”

She sighed. “Haze, this is the best way. Masyado na akong nasasaktan sa mga nangyayari. Imagine, iyong bastardong kinaiinggitan natin dahil mahal na mahal ni Demon Hades ay hindi naman pala natin kadugo.” Mapait na aniya.

Naramdaman niyang may pumulupot na matipunong braso sa bewang niya. Tinabihan na siya ni Hari at saka kumaway sa screen ng laptop nito.

“Hello Haze, ako na lang ang kakausap sa ate mo. Ayaw ko kasing nai-stress siya. As of now, hayaan muna natin siya.”

Haze rolled her eyes. “Gusto mo lang yatang masolo si Queen bitch at si baby bitch sa tyan niya e.”

Hari chuckled upon hearing that. “Well, gusto ko naman lagi ko siyang nasosolo e, pero don't worry, ako na ang bahalang kumumbinsi sa Ate mong masungit.”

Isang kurot sa tagiliran ang iginawad niya dito. Ang harot talaga ni Hari. Kahit na may pinagdadaanan siyang problema ngayon ay hindi pa rin nito nakakalimutang biroin siya para patawanin man lang kahit paano. Isa pa, panay rin nitong pinapaalala sa kanya na dapat ay huwag siyang magpapaka stress dahil masama raw iyon sa baby. Sa totoo lang, mas marami pa itong alam tungkol sa pagbubuntis kesa sa kanya.

Inakbayan siya ni Hari at hinalikan siya nito sa kanyang noo. “We should go back to the ETHQ. Ilang beses na akong tinawagan ng Reyna ng EET— siyempre ikaw naman ang Reyna ng buhay ko—she was so desperate of having you back.”

“Hari,” She frowned. “Kapag bumalik ako roon pakiramdam ko, hindi na ako welcome sa lugar na iyon.”

“What are you saying? You are the second generation Queen of ETHQ. That place is yours, my lady.” Giit pa nito.

Muli siyang napabuntong hininga. “No, you don't understand. Hindi kami pwedeng magsama ni Hellion sa iisang lugar. Can't you see? He's obsessed, pinagpipilitan niya iyong nararamdaman niya para sa akin.”

Hari held her hands. “My Queen, as long as I am here, I will always protect you. Kahit na ang ibig sabihin niyon ay makipagpatayan ako sa kapatid ko.”

“Hari...”

He smiled at her genuinely. “Its okay love. You're always on the top of my priorities, kayo ni baby.”

Having Hari by her side is the best thing happened to her. Sana, sana hindi na matapos ito. Sana, hindi talaga siya iwan ni Hari o ipagpalit sa iba. Iba kasi ang pakiramdam niya ngayon. Hindi maganda lalo na't wala siya ngayon sa kaharian niya.

Desperate Seduction (COMPLETED)Where stories live. Discover now