Chapter 3 - Hari

25.9K 840 67
                                    

Desperate Seduction

~

KUSANG umarko ang kilay ni Aiszel sa narinig. How dare him to say that! Kung ayaw niyang makipag usap, ayaw niya! Hindi p-pwede iyong tatakotin siya nito sa pamamagitan ng matigas nitong boses. No one can ever rule her inside her kingdom. No one, even Azil! Even him. Kahit na ang lalaking pinakamamahal niya, hindi siya pwedeng utosan lang ng ganoon.

Binawi niya ang kanyang braso sa kamay nito. “Privately? I don't want to.” malamig na aniya.

“Helen Aiszel!!” he hissed.

Tinitigan niya ito ng masama. “Don't yell at me!” humakbang siya papalapit dito. “You have no rights to shout, not even to look at me like that. This is my turf, Azil and I can do whatever I want to.” mabilis siyang tumalikod sa binata. “Shut up! Even if I love you, you will never rule me. Never!”

Hindi na siya naghintay pa, naglakad na siya papalayo sa lugar na iyon. Hindi siya lumingon pabalik. A Queen never looked back.

Minsan naiisip niya kung kailan ba siya mapapagod na mahalin si Azil? Kung kailan ba niya papalayain ang lalaking minsang naging sa kanya. Kung kailan niya ba papalayain ang sarili niya. Hindi ba siya napapagod o itinatago niya lang sa loob niya kung gaano siya kapagod ngayon. 

She's a Queen but she looks so desperate to have him. Hindi nakakatuwa, hindi magandang tingnan.

Dumiretso si Aiszel sa kanyang silid, laking gulat niya ng madatnan niya roon si Hellion. Nakaupo ito sa paborito niyang pang isahang sofa. Tumaas ang kilay niya,

“What the hell are you doing here?” asik niya rito.

Tumayo naman ang bastardo at saka humakbang papalapit. “Father is looking for you.”

Ngumisi siya. “Oh?” she mocked him. “Next time sa labas ka na maghintay, hindi ko maatim na may basurang pumasok sa silid ko.” She grinned at him. “Alex!” tawag niya sa taohan niya, “Pakisunog ang sofa na ‘yan. Nakakadiri.”

“Helen.”

“Don’t you fucking call me that!” she shut him a glare. “Wala kang karapatang banggitin ang pangalan ko, baka nakakalimutan mo kung ano ka lang dito. Bastardo.”

Nauna na siyang lumabas. Naiirita talaga siya sa pagmumukha ni Hellion. Hindi niya alam kung bakit wala itong kusa na umalis na lang. Hindi siya matatahimik hangga’t narito ang bastardong iyon.

How can she win her father? Even her mother. Lahat sila nalason na ni Hellion at hindi siya papayag. She won't lose without a fight.

Nagpunta na si Aiszel sa opisina ng kanyang ama. Gaya nga ng inaasahan niya, nakaupo ito sa swivel chair nito habang kunot na kunot ang noo.

“The last report of your expenses is getting too much Aiszel,” Hinagis nito ang folder na kaninang hawak hawak nito.

Saglit na nilingon ni Aiszel ang naabandunang bagay. Ngumisi lamang siya bago binalingan muli ng tingin ang ama.

“A billion bucks a day?! What the hell Aiszel! Saan mo naman dinadala ang mga perang iyan?!” He said in a growl.

Inayos niya ang suot niyang coat. “I went shopping, Master. I’m sorry, I didn't notice my expenses.”

“You really didn't, huh?!” He mocked her. “Went shopping? To where? In Macao when it's monday? Japan when it's tuesday? Europe when it's friday? Tell me, nalibot mo na ba ang buong mundo dahil dyan sa mga shoppings na sinasabi mo?!”

It wasn't true actually. Hindi naman ganoon kahilig si Aiszel magshopping compare to her youngest sister, Haze. Perfect description ang sinabi ng kangyang ama para sa kapatid. May mga bagay lang talaga na pinaglalaanan ng pera si Aiszel.

Desperate Seduction (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon