Chapter 6 - Claiming

27.4K 784 91
                                    

Desperate Seduction
@MyJaff

~

MALALIM ang iniisip ni Aiszel ng sumunod na araw. Hindi talaga siya tumigil hangga't hindi niya nalalam ang identity ni Hari. May parte sa loob niya na nagsasabing kailangan niyang maging maingat ngunit mas matimbang ang parte sa sarili niya na mas gusto itong pagkatiwalaan. Marami itong alam sa kanya, samantalang siya ay walang kaalam alam tungkol dito bukod sa pangalang gamit nito. The hell! Ni hindi nga niya alam kung Hari ba talaga ang pangalan nito. She can't track his identity and it frustrates her like hell.

Wala naman dapat siyang pakialam e, wala dapat siyang ipag alala but her curiosity won't stop pestering her mind. Ang gusto niya lang naman ay malaman kung sino ang lalaking iyon.

Mariing ibinagsak ni Aiszel ang tech pen na hawak hawak niya. Damn it! Sino ba talaga si Hari?!

Sa sobrang inis ni Aiszel ay lumabas na siya ng opisina niya. Nagpunta siya sa garden at nagsindi ng sigarilyo. Habang humihithit siya ng sigarilyo ay natanaw niya sina Erzon at Erziel na ka-sparring sina Red at Green. Napangisi si Aiszel, she missed doing that too. Maybe he can do that para naman mawala sa isip niya ang Hari na iyon.

Tinapon niya ang upos ng sigarilyo at saka naglakad papalapit sa apat. Kaagad na nagyuko ang mga taohang nakapalibot sa mga ito ng makita siya. Tumigil din ang apat sa ginagawa nito para batiin siya.

“It's good to see you again, Queen.” Bati ni Erziel sa kanya.

Tumango siya. “Four versus one, game?” Hamon niya.

Ngumisi si Red sa tinuran niya. “Still the same high mighty Queen.” Kumento nito.

Tumango naman si Erzon. “Good then, gear up, my Queen.”

“No need for that.” She replied smirking.

Unang sumugod si Green sa kanya. Nakailag siya sa tangka nitong pagsuntok sa kanya. Erzon aimed her face but she immediately grab his arm and twist it hard. Sinipa niya pa ang pang upo nito dahilan para matumba ito sa damohan. Red on the other hand smirked at her as he started to hit her. Panay ang salag ni Aiszel sa mga suntok nito, sa gilid ng kanyang mga mata nakita niyang papasugod si Erzon. Kaagad niyang hinila si Red sinangga kay Erzon, ito ang sumalo sa sipang pinakawalan ni Erzon para sa kanya.

Umikot si Aiszel ng tangkaing muli ni Green na saktan siya. Humanap siya ng tyempo at saka marahas na hinampas ang leeg nito, sinunod niya ang pasipa sa tuhod nito.

“Damn!” Mariing mura ang pinakawalan nito.

Ngumisi siya, one/zero. Ngunit saglit lang ang tuwang iyon lalo na ng masampal siya ni Erziel sa mukha. Damn! Sobrang lakas niyon dahilan para pumutok ang labi niya. She immediately wiped the running blood from her mouth using his thumb.

“Gotcha, Queen.” anito.

Hilaw na ngiti lang ang sinagot ni Aiszel dito at saka binira ang bandang sikmura nito. Aiszel hit him hard, hindi naman ito susuka ng dugo kung hindi niya natamaan ang tamang parte. Napaupo si Erziel sa damohan habang hawak hawak ang sikmura nito.

Two/Zero.

Red grabbed her left arm, si Erzon naman ay hinawakan siya sa kanang braso. Napangiti na lang ng bahagya si Aiszel, they were trapping her, too bad she's too good.

Hinila niya ang dalawa at walang atubiling pinagbangga ang katawan nito. Sabay pang napamura si Red at Erzon sa lakas niyon. Sinipa niya si Erzon at saka sinapak ng malakas sa panga. Ganoon din ang dinawa niya kay Red, iyon nga lang ay mas napuruhan niya ang braso nito.

Nakangiting pinagpag ni Aiszel ang kanyang mga palad habang tinitingnan ang apat na namimilipit sa sakit. She may be a woman but don't underestimate the strength of a woman. Her body is made by steel.

Desperate Seduction (COMPLETED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora