Chapter 27 - Bloods and Roses

22.9K 745 155
                                    

Desperate Seduction
@MyJaff

~

SIGURO naman tapos na. Siguro naman ay okay na ang lahat? Masakit ang mga nagdaan pero kailangan nilang tanggapin. Halos hindi kayanin ni Haze nang makita siya nitong umiiyak kasama ang kanilang ama na dugoan. Agad siya nitong dinalohan. Parang wala na ngang naririnig na boses si Aiszel dahil tila namamanhid na ang kanyang buong katawan. Iyak ng iyak si Haze maging si Hanna, halos hindi na nga niya maintindihan ang sinasabi ng mga kapatid.

Ang gulo ng buhay na pinasukan nila. Hindi siya makapaniwala na sa ganito magtatapos ang lahat. Hindi niya yata kakayanin kapag ganito na lang ng ganito. Nakakapagod na rin pa lang makipag habolan kay kamatayan. Pero ngayon pa ba siya susuko?!

Napahawak si Aiszel sa walls ng ETHQ. Itinakbo sa clinic ang Daddy niya na kaagad namang inasikaso nina Danz at Edzel. Si Tita Black naman nila ay nagpunta sa quarantine room kung nasaan ang kanyang ina dahil may hindi raw magandang naganap doon. May nakapasok sa silid na iyon at ni-off ang life supporter machine ng Reyna nila.

Hilong hilo si Aiszel. Pakiramdam niya ay babagsak ang kanyang katawan. Her mother... And, her father....

Hindi! Lumaban ang Reyna nila kaya alam niyang lalaban rin ang demonyo! Hindi pwede! Hindi.

“Mahal, are you alright?” Naramdaman niya ang palad ni Hari sa kanyang mga braso. “You look pale, namumutla ang labi mo. Halika, kailangan mong matingnan.”

“Hari... Ang sakit nang tyan ko. Parang...”

“What?!” Bulaslas nito. “Damn wife! Dinudugo ka!”

Matapos iyon ay binuhat siya ni Hari at nagmamadaling dinala rin siya sa loob ng Clinic. Naalala niya pang si Tita Robina niya ang umasikaso sa kanya dahil wala si Dra. Black at abala sa kanyang ina. Hinang hina si Aiszel hanggang sa tuloyang bumagsak ang talukap ng kanyang mga mata.

Kahiy saglit lang... Kailangan niyang magpahinga.

“WHAT happened? Dinudugo siya then she passed out! Damn! Please save my wife and my child.” Pagmamakaawa ni Hari sa Dra. na umaasikaso sa asawa niya.

“Ano ba namang nangyayari ang sakit sa kagandahan ko! My God!” Dra. Robina Ayana Chui gasped. “Robin nasaan ka ba? Halika tulongan mo akong paanakin ang anak ng first love mo.”

“What?” Kunot noong tanong ni Hari. “Hi-hindi pa niya kabuwanan.”

Tinaasan siya nito ng kilay. “Mamili ka, mamatay ng sabay ang mag ina mo o susubukan nating iligtas silang pareho. Sa buhay kailangan nating sumugal, mister. And believe me, masyado kong mahal ang mga anak ni Aisne para pabayaan sila.”

He was taken aback. Alam niyang medyo naiirita na sa kanya ang Doctora pero masisisi niyo ba siya. Nag aalala siya para sa mag ina niya. Mas nag aalala pa siya kesa sa kahit na anong bagay sa mundo.

“Move.”

He did. Hinayaan niya ang mga eksperto na tumingin sa asawa niya. Naghintay siya ng ilang oras sa labas habang ginagawa ang operasyon. Ni hindi niya nga magawang makapaniwala sa mga nangyayari. Masyadong madugo, masyadong magulo sana ito na ang huli, ito na ang hudyat para itigil na nila ang lahat.

“Daddy!!!” Matinis na sigaw si Haze ang nakapagbalikwas sa kanya ng tayo.

Naroon ito sa harapan ng pinto. Kasama ang ilan sa mga torturers. Iyak ito ng iyak habang pinagbabayo ang dibdib ng kung sino mang Doctor na nakatayo sa harapan ng pinto.

“Dad! Dad! You! Go and cure my dad! It cannot! Tangina! Makakapatay ako kapag hindi niyo siya nabuhay. Dad! Dad?” Halos pumutok na ang litid sa leeg nito kakasigaw.

Desperate Seduction (COMPLETED)Where stories live. Discover now