Chapter 23 - Pictures

18.6K 729 75
                                    

Desperate Seduction
@MyJaff

~

NAGMAMADALING binuksan ni Hari ang pinto ng Hotel room na iyon, pero pagkabukas na pagkabukas pa lang niya ng pinto ay sinalubong na siya ng isang baril. Tutok na tutok iyon sa kanya, napaatras siya. Fuck! Napalunok si Hari bago inangat ang tingin sa may hawak niyon. Hindi siya pamilyar sa kung sino ang may hawak ng baril.

Napapikit siya ng mariin. Damn it! Bakit ba wala siyang baril ngayon?! Fuck! Hindi pwedeng matapos ang lahat ng ito sa ganito lang! Hindi siya papayag. Hindi pa siya minamahal ni Aiszel. Hindi niya nakikita ang pinakamagandang regalo sa kanya, iyong baby nila. Damn! Hindi pa nga niya napapakasalan si Aiszel sa simbahan. Hindi p-pwedeng mamatay siya rito.

Tinitigan ni Hari ang may hawak ng baril. Ngumisi siya rito at saka mabilis na sinipa ang binti nito dahilan para bahagyang mapaluhod ang gago. Hindi siya papayag na manatili rito at babuyin ang puri niya ng kung sino mang babae. Tangina! Si Aiszel lang ang may karapatan sa katawan niya. Si Aiszel lang ang pwedeng umungol sa sarap dahil sa kanya.

Sinamantala niya ang bahagyang pagkakaluhod nito para sipain ang likoran. Napahinga na nito sa sahig.

“Fuck you!” Asik niya rito at saka kinuha ang baril.

Dumiretso na siya palabas pero ganoon na lang ang pagkagulat niya ng kuyogin siya ng ilan pang armadong kalalakihan roon. Fuck! Akala niya ba ay nasa loob siya ng Hotel? Puta! Mukhang ito pa yata ang hideout.

Nakipag palitan siya ng suntok, sipa, hataw at kung ano ano pang mahaharas na galaw. At dahil marami sila laban sa isa, bugbog ang katawan ni Hari. Bugbog at hinang hina pero wala siyang balak na sumuko. Kailangan niyang makaalis. Kailangan niyang makita si Aiszel. Kailangan niyang malaman kung ligtas ba itong nakarating sa ETHQ.

“Ugh!” Mahinang daing ni Hari nang sipain siya sa sikmura.

Nagbuga siya ng dugo, umiikot na nag kanyang paningin pero pinipilit pa rin niyang tumayo. Isang hataw pa ng balak ay tuloyan ng bumagsak si Hari sa sahig. Hinang hina ang katawan niya, sumusuko na ito pero ang diwa niya ay buhay na buhay pa.

“Tama na 'yan!” Suway noong babae.

Naaninag niya pa ang mukha nito. Nakabalot ng puting kumot ang katawan nito at alam niyang ito rin ang babaeng katabi niya pag gising niya. Iyong babaeng tinulongan niya sa AA tech at iyong babaeng nakasalubong niya sa grocery.

There is no coincidence in this world. Fuck! Mukhang naisahan siya.

“Hindi niyo siya pwedeng patayin dahil hindi pa tapos si Master sa mga plano niya. Keep him alive, hayaan niyong ang Reyna mismo ang pumatay sa kanya pagkatapos ng mga plano ni Master.” Dinig niyang anito.

“Yes, Miss Junaimah.” Sabay sabay na sabi ng mga taohan nito.

Iyon na nag huli niyang narinig bago tuloyang nagdilim ang kanyang paningin.

HINDI tumigil si Aiszel hangga't hindi niya nata-track kung nasaan si Hari. Magdamag na siyang naka harap sa computer at hina-hack ang lahat ng mga CCTV sa buong syudad pero dami niyon kinailangan niya ang tulong ni Red tutal ito naman talaga ang magaling sa ganitong bagay. Tumulong na rin si Haze sa kanila. Hindi siya mapalagay dahil pakiramdam niya talaga ay may hindi magandang balita na darating sa kanya.

Hindi siya titigil hangga't hindi niya nalalaman kung nasaan si Hari ngayon.

“Sis, matulog ka na kaya. Magpahinga ka muna. Kami na lang ni Red dito.” Seryosong sabi ni Haze na hindi man lang inaalis ang tingin nito sa monitor.

Ganoon din naman siya. “Kaya ko pa.” Aniya habang mabilis na nagt-type.

“Queen, listen to your sister. You should rest. It's not good for you and to your baby to keep awake at this time.” Red's baritone voice said.

Desperate Seduction (COMPLETED)Where stories live. Discover now