Chapter 32: First Concert

Start bij het begin
                                    

"Home ang title niyan, si Michael buble ang kumanta" sabi ni kuyang driver teka Michael buble?! Diba patay na yun. "Ang ganda ng boses niya sayang namatay na siya, bat kase nagdodroga siya tapos yung mukha niya pa pinaretoke niya ng malala mukha na siyang siopao na haggard" tinignan lang ako ni kuya at kumunot ang noo, napakagat ako sa labi ko at tumingin sakanya "Siya po ba yun kuya?"

Napangiwi si kuya "Palabiro ka mam si Michael Jackson po yung tinutukoy mo Hindi si Michael buble" 

"Ay oo nga noh! Hahahaha nakalimutan ko haha hindi mo naman po agad sinabi kuya!" Tumawa kami pareho at biglang tumigil ang sasakyan kase trapik kaya naisipan kong matulog muna.


 "Mam, gising na po andito na po tayo" paulit ulit na kalabit ng lalaking kanina pa nagsasalita, minulat ko na ang mata ko at nakita kong may lalake sa harapan ko. "Sino ka? Nasaan ako? Rapist ka ba!?" Sunod sunod kong sabi habang napalipat ako ng posisyon sa kabilang bahagi ng inuupuan ko. Nakatitig lang siya sakin at nakatitig lang ako sakanya, parang pamilyar ang mukha niya. "Mam? Okay ka lang ba, andito na tayo sa music store. Nakatulog ka po sa biyahe kanina" tinignan ko muli siya at bigla kong naalala na nakatulog lang pala ako "Nakoooo sorry maraming pasensya na po kuya, nawala sa isip ko" napahawak nalang sa ulo si kuyang driver at kinuha ang mga kamay ko para tulungan ako palabas ng sasakyan. Humingi ulit ako ng pasensya kay kuya bago tuluyang pumasok sa loob, tinignan ko ang lugar na papasukan ko at Music Store Ph ang nakalagay, hinawakan ko yung pouch na dala ko at kinuha ang cellphone ko, pagkatingin ko may dinikit pala akong sticky note sa likod ng cellphone ko Britney Spears andrea hindi brittany! bibilhin ko nga pala lahat ng album neto ni britney. Malawak ang lugar at andaming cd, speakers at iba pang mga gamit na may kinalaman sa music. At syempre nagpapatugtog din sila ng we aint never getting older na kanta. Bakit ganito? Parang may nagbabago sakin? Yung feeling na hindi ko alam yung hindi ko alam. Bakit parang ang bilis kong makalimutan yung mga bagay bagay? Bakit parang may-- "GOOD AFTERNOON MAM! Welcome to.." JUSKO! yung puso ko! nangatog yung buong katawan ko dun kay ate! ang energetic naman bumati neto, napansin niyang nagulat ako kaya humina ng onti yung energetic niyang boses. Natawa ako ng onti at ganun din naman siya "Miss? kilala mo ba si brittney?" tanong ko sakanya


"Empleyado po ba namin yun mam?" hala hindi ko alam, kaya ko nga po tinatanong sainyo eh, naka neon green mga suot ng empleyado dito at ang cute lang tignan. "Hindi po ate yung singer po" sabi ko at natawa siya "Ay meron po, brittney spears po diba"  tumango lang ako at pinasunod niya ako papunta dun sa pangatlong row sa B-section at pinakita niya sakin ang napakadaming album ni britney spears. Andami pala, kada section may nakalagay sa gilid na isang maliit na tv at dvd, duon daw tinatry yung mga album kapag gustong pakinggan ng mga customer. Binili ko lahat ng makakaya ng budget na binigay sakin tapos duon ko pinakinggan sa kotse ni manong. Ang gaganda pala ng kanta dati ni britney spears! Napakinggan ko na tong mga to dati.


Pagkatapos ng madaming gawain nakauwi na din ako sa bahay, tinignan ko yung cellphone ko at sunod sunod ang mga texts, si kenneth! wala akong signal kanina. Andami niya palang text.


Goodmorning :*


Busy ka?


Wag ka magpaka stress jan ah :)


Alis na ako ;)


I love youuu :*


Namimiss na po kitaaa :(


Nakauwi ka na ba?


Bakit hindi ka nagrereply -.-


Maaga kami pinaalis :O ang bait ng boss namin, binigyan kami ng bonus ngayong araw lang :) pauwi na ako ;)


3hours ago pa yun kaya nasa bahay nakauwi na siguro siya, parang saglit lang siya dun tas pinauwi na agad sila ang bait naman ng boss nila, puntahan ko nga si kenneth. Naligo muna ako bago pumunta sakanila pero bago yun tineks ko muna siya.


You tell me you're inlove with me.


bebe! nagteks ka na :) kamusta?

be? ano yan haha.


  Like you can't take your pretty eyes away from me 


ha? ano bang sinasabi mo jan


 I wanna believe in everything that you say cause it sounds so good.


belat :p nasearch ko na, kanta yan ni britney spears kala mo ha :* pahinga ka muna be :) i love youu


Ano bayan ang hirap naman lokohin neto ni kenneth! Nandito na ako, naglalakad ako ngayon papunta sa bahay nila. Mag gagabi na din pero maliwanag pa naman, paliko na ako sa bahay nila kaya lang nakita ko siya nasa malayo papunta din palapit sa akin kaya lang hindi niya ako napansin kase may kasama siyang babae.



si cathy.



730 Days with Andrea SantosWaar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu