option

12.1K 311 26
                                    

Raven pov

I sigh while staring at the beautiful scenery from the open window habang nakupo lang sa kama. Isang linggo na lang ang natitira at matatapos na ang deal namin ni Janelle, at sa mga araw na nagdaan madami ng nangyari isa na roon ang pagpapatawad ko kina lolo at lola nagawa ko 'yon sa tulong ni papa.

At nalaman ko na katulad ni papa may rason din pala sina lolo at lola kung bakit ganon na lang kasama ang turing nila kay mama at sa'kin, they thought that my mother is cheating because from the start they already know that papa Miguel can't produce a heir so they also thought that I am a product of an affair.

Napatawad ko man sina lolo at lola pero nanatiling malamig ang pakikitungo ko kay Roux at Janelle hanggang ngayon kasi hindi ko pa rin alam kung mapapatawad ko sila..

At ang mga araw na kasama ko ang dalawa parati akong naiinis ramdam na ramdam ko kasi ang pagiging clingy ni Roux dikit ng dikit ito lagi sa'kin na parang toko! Si janelle naman kung makaakto parang kami ang pinakamagbesfriend.

Ewan ko ba naguguluhan na talaga ako bwisit ngayon pa lang naloloka na ako makakaya ko pa kaya ang isa pang linggo? Arghh!

Kaya hindi ko na ata mahihintay ang pitong araw pa kailangan ko ng mag-isip ng panibagong plano para makatakas dito.

"Ma'am?" Nabigla ako nang marinig kong may magsalita mula sa likod ko at si Kaye kabute lang pala may buhat itong mga damit na malinis kaya ngumiti ako ng tipid dito.

"Grabe ka kung manggulat ano ba kailangan mo?" Napangiti naman ito sa tinuran ko.

"magpipicnic daw po kayo." Tumango-tango ako pero napahinto ako ng makita kong nakalagay ang cellphone ni Kaye sa likod na bulsa ng pantalon nito. Nagning-ning ang mga mata ko shit 'yon ang kailangan ko para macontact si Zai.

"Sige ma'am ilalagay ko lang muna ito sa closet n'yo" Nakangiting tiningnan ko ito pero ang bilis ng tibok ng puso ko at tumatakbo na ang iba't ibang mga ideya sa utak ko.

"Ahm Kaye may insekto ka sa likod mo dali tumalikod ka at aalisin ko dalian mo!!" Nanghitakutan naman ito at agad na sinunod ang sinabi ko nang tumalikod ito umakto akong hinahampas ng mahina ang likod niya habang isa kong kamay ay dinukot na ang cellphone ni Kaye. Nang makuha ko na 'yon ay nagbunyi ang kalooban ko damn! Makakauwi na ako.

"Tapos na ma'am?" Inayos ko ang sarili ko para hindi nito mahalata na may ginawa ako at pasimpleng itinago ko rin ang cellpone sa ibaba ng unan ko.

"Naku wala na kung saan-saan ka kasi pumupunta ayan tuloy dumadapo sa iyo ang insekto?" Napatango-tango naman ito sa sinabi ko at napting-tingin pa ito sa paligid hinahanap kung saan napunta ang insektong imbento ko.

"Salamat ma'am-" Pinigil ko agad ang kung ano pang sasabihin nito.

"Ako na lang magdadala ng mga damit na 'yan sa closet mauna kana sa baba dahil magbibihis pa ko." Nakita kong nag-aalinlangan itong sundin ako at tila nagtaka rin ito sa pagmamadali ko. Kaya ngumiti ako ulit inosenteng tiningnan ito kaya napabuntong-hininga ito

"Pero-"

"Sige na mauna kana.." Sumusukong tumango ito, saka nilapag ang mga damit sa tabi ko at dumiretso na palabas ng kwarto.

Nang hindi ko na makita ito ay dali-daling kinuha ko ang cellphone sa ilalim ng unan at nag-dial ng numero buti na lang at memorize ko ang number ni Zai. Mukhang may maitutulong na sa akin ang bruhang 'yon.

Sa una hindi ito sumagot kaya parang nawawalan ako ng pag-asa ngunit nagtiyagang tinawagan ko ito ng paulit-ulit.

"Please sumagot ka Zai." Kinakagat ko na ang hinlalaki ko dahil sa kabang nararamdaman ko. Baka mamaya mapansin ni Kaye na wala ang cellphone niya naku patay ako.

Hate Series 1: Raven Rei Chuiजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें