prologue

26.6K 588 17
                                    


Unti-unti kong minulat ang aking mga mata at tumambad sa aking paningin ang puting kisame. Hindi ko ito makilala dahil hindi naman ganito kagarbo ang kisame ng kwarto ko kaya mas inilibot ko ang aking paningin sa kwartong kinalalagyan ko at kahit nanlalabo ang aking paningin ay kita ko pa rin na nasa isang kulay asul na kwarto ako at gaya ng sinabi ko kanina magarbo ang bawat bagay na nakikita ko at halatang-halata o hindi maitatangging mayaman ang nagmamay-ari ng kwarto.

Teka asan ba ako?

Ano ba ang nangyari sa'kin?

Paano ba ko na punta rito?

Ang daming tanong na tumatakbo sa isip ko pero kahit isa ay wala akong masagot dagdag pang ramdam ko pa rin ang kirot na tila may pumipintig sa ulo ko ngunit kahit gano'n man ay pinilit ko pa rin na makaupo dahil kailangan kong makaalis sa lugar na ito.

Napasandal ako sa headboard ng kama at ngayon mas kita ko na ang itsura ng kwarto at tama nga ako sa aking naisip kanina nasa pang-mayaman nga akong kwarto kasi mas kita ko pa lalo na ang mga mamahaling gamit na nagpapakita ng karangyaan. Pero paano ako napunta rito? Nanalo ba ako sa lotto? Pero paano naman ako mananalo kung hindi naman ako tumataya?

Napasinghap ako nang marinig ko ang pagbukas ng pinto at napabaling ang atensiyon ko sa kinalalagyan ng pinto ngunit namangha ako nang makita ko ang pagpasok ng tatlong babae lahat sila ay magaganda kaya nahihiyang binaba ko ang aking tingin sa aking mga kamay at doon ko nakita na may benda ang mga ito at ramdam ko rin ang kaonting hapdi ro'n.

Teka saan ko ito nakuha? Tiningnan ko ang suot ko at nakita kong naka white v-neck shirt ako habang hindi ko naman makita kong ano ang suot ko sa baba pero alam kong nakamaong short ako dahil ramdam ko ang yari ng tela nito ngunit saan ko naman nakuha ang damit na ito? Wala akong ganitong damit dahil kilala ko ang lahat ng mga damit ko kakaonti lang kasi ang mga iyon.

Nakarinig ako ng pagtikhim kaya iniangat ko ang aking mukha at muling tumambad sa'kin ang tatlong diyosa na siyang nakikita ko lang sa magazine. Hmm ang gaganda talaga nila tiyak na kapag lalaki lang ako ay kanina pa ako naglalaway.

Teka nga, Magazine?

Tiningnan ko sila isa-isa, Tama! sila nga ang mga super model at businesswoman na nakikita ko na laging laman ng mga magazine. Ang ganda pala talaga nila lalo na sa personal pero teka nga bakit naman sila mapupunta sa harapan ko? Napatampal ako sa aking noo, Nananaginip lang yata ako. Tumango ako sa aking naisip oo nga! Baka nga panaginip lang kaya ngumingisi akong tumingin muli sa kanila. Aba! Grabe ang imagination ko! Para talaga silang totoo pwede kaya ako humingi ng authograph? O kaya may lilitaw na cellphone at makiki-selfie o group picture ako kasama sila.

"Cane, baliw na ata iyan tingnan mo nga nakakatakot kung ngumisi."

Rinig kong sabi ng babaeng nasa kanan ng sinabihan nitong Cane sa pagkakaalam ko ito ay si Zairah Wintei Zee 23 years old isang super model at may mga business itong resort at restaurant samantala ang kompaniya nito ay nagngangalang ZLEGAGACY

Ang tinawag naman nitong Cane ay seryoso lang nakatingin sa'kin napakalamig ng aura nito. Ang alam ko lang ay 24 years old na ito at isa itong tanyag na businesswoman na malaki at madami itong sakop na kompaniya ito raw rin ang pinaka-misteryosang babae sa business world. Hailey Cane Richeliu tama nga ang mga sabi-sabi misteryosa ka nga pati ang tingin mo ay hindi ko mabasa hindi ko tuloy alam kung ano ang iniisip mo at ang tamang gawin ko sa harap mo.

"Tumahimik ka nga riyan Zai, kahit kailan sakit ka sa ulo." Tiningnan ko naman ang nagsalita na nasa kaliwa ni Cane walang iba kundi si Carzeine faith Monseratt 23 years old at ito ay binansagan bilang the genius businesswoman ang kompaniya nito ay ang pinakasikat sa pag-gawa ng mga gamot at teknolohiya.

Hate Series 1: Raven Rei ChuiOù les histoires vivent. Découvrez maintenant