rouxie&gideon

14K 386 13
                                    

Roux pov

"Ano bang nagawa kong kasalanan sa inyo?"

"Bakit parati na lang ako?Bakit ako Roux?! Bakit?!"

"Ano! Hindi kayo makasagot! Isla? 'Yon pala ang halaga ko para sa'yo Roux isang babaeng pangpustahan isang laruan."

"Hinde ako malandi Roux at mas lalong hindi malandi ang nanay ko. Sadyang minahal lang kita at 'yon ang pinaka malaking pagkakamali na ginawa ko! I regret the day I met you isa kang demonyo Roux wala kang puso! "

"Magsaya ka Roux dahil babalikan kita at itong ipinalasap mong sakit ay sobra pa ang ibabalik ko sa iyo"

"Roux anak gusto mo ba ng merienda?" Napabalik ako sa kasalukuyan ng may nagsalita mula sa gilid ko si mama pala hindi ko man lang napansin ang pagdating nito dahil siguro sa lalim ng aking iniisip lalo na't hanggang ngayon ay binabagabag ako ng nakaraan. Hindi ako nito pinapatahimik masyado ako nitong ginugulo.

"Anak may problema ba? Bakit andito ka sa may garden at nakatulala nababakla kana ba?" Pabirong sinamaan ko ito ng tingin na kinatawa lamang nito saka nag-peace sign sa'kin at umupo sa isang bakanteng upuan na nasa gilid ko may apat kasing upuan at isang mesa at nasa harap ito ng garden paborito ko kasi ang lugar na ito dahil sa mga magagandang halaman, tahimik rin kasi ang lugar na ito kaya nakakapag-isip talaga ako. I sigh I also love this place kasi rito ko laging naalala si Rei. Tambayan kasi nito ang garden mahilig kasi itong mag-alaga ng halaman.

"P-paano m-ma kung ang mahal ko ay nasusuklam sa akin? Ni Ayaw na niya a-akong makita, makasama at makausap gusto ko lamang sana m-magpaliwanag m-ma. Oo may nagawa akong masama rito pero nagsisisi na ako ma. I regret it because I love her." Niyakap ako ni mama at napaluha na ako dahil sa sobrang pagmamahal ko kay Rei ay nagawa kong mag-open kay mama. Ang tagal simula ng hindi ko na nagagawang magsalita rito tungkol sa mga personal na kaganapan sa buhay ko nahihiya kasi ako dahil malaki at matanda na ako para roon pero ngayon hindi ko na mapigilan sarili ko kailangan ko talaga ng makakausap.

"Anak minsan may mga bagay na hindi mo maipaliwanag tulad ng pagmamahal. Minsan dahil sa sobrang sakit natututong sumuko ang tao ngunit kahit anong gawin mo kapag tumibok ang puso mo para sa isang tao kahit pilitin mong tikisin, siya at siya pa rin ang sinisigaw nito" tinuro nito ang dibdib ko kung saan ang puso ko. At matamang nakinig lamang ako sa bawat salitang binabanggit nito na tila batang muling nakinig sa payo ng ina.

"Alam mo noon inakala mong si Janelle ang mahal mo dahil 'yon ang sinasabi ng ibang tao at ng isip mo pero hindi mo pinakinggan ang sinisigaw ng puso mo at hindi mo alam na ang sinisigaw nito ay ang pangalan ni Rei. Alam mo bang noon pa lang alam kong may pagtingin ka kay Rei. Ikaw hindi mo pinapansin ang mga kakaibang kilos mo pero kami napapansin namin sadyang nagpabulag ka Roux." Ang laki kong tanga buti pa ang iba napansin na, pero ako? Ito nagtanga-tangahan noon nakatanggap ako ng mag-asawang sampal mula kay mama at suntok mula kay papa nang malaman nila ang mga ginawa ko kay Rei. Ang tanga ko raw! At hindi raw nila ako pinalaki para lang saktan ang mga babae at gawing laruan ko kung ako ay nabobored.

"Ma I'm so stupid ngayon wala na! masyado na siyang malayo." Tumingin ako sa langit, kung hinabol ko ba noon si Rei at nakapagsorry rito okay pa rin kaya kami ngayon? Matatanggap pa kaya ako nito muli? Pero mukhang malabong masagot ko ang mga tanong na iyon dahil hindi naman ako si Rei.

"Anak tandaan mo ang galit ang siyang nagiging pader sa puso ni Rei kaya nahihirapan kang makapasok pero kapag nakapasok kana doon mo malalaman ikaw pa rin pala ang sinisigaw ng puso niya." Sana nga mama sa ngayon gagawin ko ang lahat para mapatawad na ako ni Rei. At magagawa lang sana nitong mapatawad ako ang hinihingi ko na lamang ay ang makapag-usap kami ng masinsinan upang makapagpaliwanga ako at masabi ko rito ang tunay kong nararamdaman.

Hate Series 1: Raven Rei Chuiحيث تعيش القصص. اكتشف الآن