scared

11.6K 302 10
                                    

Raven pov.

"Papa ito o' gusto mo ba ng fried chicken." Nakangiting sabi ko habang inilalagay sa plato nito ang fried chicken nakangiting tiningnan ako nito at tila maluha-luha pa ito.

Kanina nang makauwi kami ng mansion dumiretso kami agad sa kaniya-kaniya naming kwarto ni papa. Nang maggabi at nang maghahapunan na ay kinuha ako ni papa mula sa kwarto ko at sabay kaming pumunta sa dining area lahat ng mga taong kasama naming kumain ay gulat na gulat hanggang ngayon nakatingin lang sila sa bawat kilos naming dalawa.

"Salamat anak o' ito kumain ka ng gulay para naman healthy ka naku sana nga hindi ka nagmana sa ina mo na hindi kumakain ng okra at kalabasa." Sabay kaming tumawa ni papa dahil sa tinuran nito. Gano'n kasi si mama ayaw kumain ng okra kasi raw nag-iiba raw pakiramdam niya.

"Oo nga noong minsan nga pinilit ko itong kumain ng okra ngumiwi ang labi nito at parang masusuka pero dahil nakatingin ako rito pinilit nitong lunukin ang gulay hanggang ngayon kapag naiisip ko 'yon hindi ko mapigilang matawa." Tumawa kaming muli ni papa at nilagyan ko ng kanin ang plato ko at ni papa habang si papa naman ay naglalagay ng ulam sa plato ko at ng kaniya.

"Aba buti na lang mana ka sa'kin pati nga 'yang kapatid mo mana sa'kin kaya ang gaganda n'yo." Nagpout ako sa sinabi nito may ganito rin pala itong side? Noon kasi nakatingin lamang ako habang inaalagaan nito Janelle.

"Yabang n'yo kapag narinig ka ni mama tiyak na mumultuhin ka no'n. Sinarili ni'yo naman kasi, akalain mo noon sabi ni mama sa kaniya ako nagmana." Nakangising sabi ko na kinatawa muli ni papa parang kami lamang ang nasa hapag kainan at kami lamang ang nag-iingay.

"Aba gugustuhin ko 'yon Rei-Rei lalo pa't sa paraang 'yon makikita kong muli ang mukha ng mama mo." Malungkot ngunit may ngiti sa labing saad ni papa at sinuklian ko rin 'yon ng ngiti.

"Nak-" hindi ko natapos ang sasabihin ko nang biglang may tumikhim kaya kumunot ang noo ko.

"Aherm!"

Nilingon ko ang pinanggalingan ng tikhim at mula pala iyon kay Alejandro napansin kong kami pa lang ni papa ang merong pagkain sa plato sila naman ay nakatingin lang sa'min na parang natubuan kami ng sungay at buntot. Para naman ako binuhusan ng malamig na tubig, taena!

"May problema ba?" Tanong ni papa at nakakunot ang noo nito habang tinitingnan ang mga kasama namin.

Shit hindi pa pala kami nagdasal, ano ba 'yan. Nakakatawa tuloy, kaya pala hindi sila kumikilos upang kumuha ng pagkain.

"Papa magdadasal pa po." Mahinang saad ko na halos pabulong na naging sanhi upang ika-awang ng labi ni papa at sabay kaming napatampal sa noo namin dahil sa katangahan. Para kaming mga batang makukulit.

"Pasensiya na nagutom kasi kami ni Rei-Rei sa kakapasyal." Tumango-tango ako bilang pagsang-ayon at iniwas ang tingin ko mula sa mga mapanuring mga mata na pagmamay-ari ng mga taong kasalo namin sa hapunan.

"Why don't you lead the prayer Roux?" Kung kanina malambing na boses ang ginamit ko kay papa ngayon naman ay singlamig ng yelo ang pagsabi ko no'n kay Roux. Hinarap ko ito at hinintay ang sagot nito pero tumango naman ito habang nakatingin sa'kin na tila binabasa ako. Pero hindi ko hinayaang mabasa nito ako dahil nginisihan ko ito.

"In the name of the father and of the son and of the holy spirit amen, Lord thanks for all the blessings and food which is serve in front of us and most of all thank you because we our completely gathered as a family in Jesus name amen."

Sinimulan na naming kumain habang ang iba ay sinisimulan pa lang kumuha ng pagkain, para kaming mga alien ni papa nagkwekwentuhan at nagtatawanan kami habang kumakain habang ang mga kasama namin ay tahimik lang nakatitig sa'min, nakakailang man ngunit hindi na namin iyon pinansin ni papa.

Hate Series 1: Raven Rei ChuiWhere stories live. Discover now