truth

15.2K 414 2
                                    


Raven POV

"Hoyy bruha ka may balak ka bang magmukmok dito hanggang sa mabulok ka? Aba! Apat na araw na ang lumipas at ni anino mong malandi ay hindi namin makita!" Napairap na lang ako sa nanggagalaiting Zai na nasa harap ko at parang mangangain ito ng buhay. Bwisit e' siya pa ang may ganang magalit tsk siya nga itong may kasalanan sa'kin.

"Putek Raven ikaw pa itong may irap-irap na nalalaman e' ikaw itong ni kahit isang text ay wala kaming natatanggap akala namin ay patay kana kaya pumunta kami rito nagbabakasakaling may libreng kape at merienda. Hmp sayang naman buhay ka pa pala." Nang sabihin ito ni Zai ay matinding inis ang naramdaman ko kaya binatukan ko ito, at ang bwisit na palaka tumawa lang kasama si Zeine the virgin. Kasalukayan kasing nasa sala kami ginugulo kasi ng dalawang bruha ang nananahimik kong bahay at ewan ko ba sa dalawang ito kung ano ang maisipan nitong gawin ay tiyak na gagawin nito iyon.

"Sorry to disappoint you Zai pero buhay pa ako at nakakahinga pa ng maayos but everything change when you came and made the air polluted." Sumandal ako ng maayos sa kinauupuan kong couch saka nginisian si Zai at nag-pout naman ito kala mo naman cute tingnan pero sarap niyang hampasin. Para siyang ewan na nakakairitang tingnan.

"Ingleserang frog! Grabe kung makalait! tingnan mo nga Zeine o' ang sakit magsalita ni Raven." Umarte itong naiiyak habang humihingi ng tulong sa nananahimik na si Zeine pero umirap lang ang dakilang nanay naming lahat at saka sinamaan ng tingin si Zai.

"Ewan ko sa inyong dalawa kahit kailan kapag kayo magsama kung hindi kayo nagbabangayan nagtutulungan naman kayo upang patuyuin ang mga dugo namin ni Cane sa kunsomisyon." Naiinis na sabi ni zeine na naging dahilan upang sabay kaming tumawa ni Zai, wala e' parang bata lang talaga kaming umasta.

"Aba! Aba! Nagagalit na si genius should we run and hide Zai? mukhang lalabas na ang dragon e'" nanunuksong pahayag ko na nakinangisi ni Zai tiyak nakuha na nito ang gusto kong iparating at kawawa na naman ngayon sa'min si Zeine.

"Tama ka Raven masungit talaga 'yan paano ba naman kahit minsan hindi nadiligan." Pang-gagatong ni Zai kaya nakita ko tuloy ang pamumula ng mukha ni Zeine dahil sa inis, ewan ko na lang kung anong gagawin ko sa mga ito pero mukhang masarap mang-asar ngayon.

"Oo nga naman paano na 'yan tatanda na iyang dalaga sa laboratoryo niya kawawang kepyas sayang ang lahi at ni minsan hindi pa natikman ang masarap na orgasm." nag-apir kami ni Zai pagkatapos kong banggitin ang mga salitang 'yon habang si Zeine ayun pikon na pikon na talaga kaya nakatanggap kami ng lumilipad na unan pero dahil baliw kami ayun tinawanan lang naming ang galit na dragon.

"What's the commotion?" Saad ng isang malamig na boses na kilang-kilala naming, naku po! Andito na ang isa pang nakakatakot na nilalang.

"Cane!" Sabay-sabay naming masayang sigaw namiss na kasi naming ang isa't isa halos hindi na kami nagkikita huli na 'yung sa bar.

"Zai at Raven ano na naman ba ang ginawa niyong dalawa?" Nakakunot-noong tanong ni Cane nagtinginan naman kami ni Zai habang nakangisi na sa amin si Zeine parang sinasabing lagot kami.

"Cane salamat naman at dumating kana bwisit naman kasi ang dalawang ito kanina pa ako tinutukso e' hindi pa naman ako trenta saka ang bata ko pa kaya 34 years old ang goal kong age para mag-asawa." Nagsusumbong nitong pahayag while glaring at our direction at ayun tumawa kami ulit dahil kung kanina kami ang umaaktong bata ngayon ay ito naman at nagsumbong pa talaga.

"34?! Baka ubos na ang katas mo sa loob ng kepyas dahil baka matuyot kana." Dagdag na asar ni Zai kaya mas lumalim ang gitla na nakaukit sa noo ng dakilang genius sa aming grupo.

"Heh! may nag-aasawa pa kayang trenta na at meron pa nga kahit matanda na nag-aasawa pa saka nakakasakit lang sa heart ang pag-ibig!" Natahimik kaming lahat sa huling salita na binanggit nito dahil nga natamaan kami. Bwisit kasi 'tong si Zeine pinaalala pa talaga hindi ba pwedeng iba na lang ang sabihin nito? Hindi ba pwedeng sabihin nitong sadyang takot lang talaga ito na madiligan at masarapan? Parang sampal kasi sa akin ang mga katagang iyon paano kasi ang tanga ko para magmahal ng isang taong walang ginawa undi saktan ako.

Hate Series 1: Raven Rei ChuiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon