dinner disaster

14.1K 369 8
                                    

Raven pov

Hanggang ngayon ay napupuyos pa rin ako sa galit kaya hindi ko na napapansin ang mga bagay-bagay na nasa aking paligid, ang utak ko naman ay nanatiling blangko na tila ba hindi pa rin prumoproseso ang lahat para sa akin, saka hindi ko naman kasi akalain na mangyayari ito sa akin, iyong makikita ko na lamang ang aking sarili na nakakulong na sa bisig ni Roux, and fuck! I can’t accept the fact that I am trapped and I am betrayed hindi lamang ni Janelle kundi pati na rin ang sarili kong katawan. Napailing ako maybe tama na rin itong pag-iisip ko ng kung ano-ano ang dapat kong gawin ay ang gumawa ng paraan para makaalis ako rito, tiningnan ko ang orasan at napatampal na lamang ako sa aking noo nang mapagtanto kong gabi na pala.

Simula kasi kaninang umaga ay hindi ko na nakita ang pagmumukha ng damuhong ‘yon. Sa halip kasi na puntahan ako nito ay mas pinili nitong magpadala na lamang ng pagkain at damit para sa akin dito sa kwarto, saka dagdag pa roon ay kompleto rin ang lahat ng mga bagay na dapat kong gamitin kaya mukhang pinaghandaan talaga nila ng babaeng ‘yon ang pagkidnapped sa akin.

Nang magtanghali gano’n din nangyari dumating ang dalawang katulong ang isa ay may dalang madaming paperbag at dumiretso sa walk in closet habang ang isa ay dala-dala ang pananghalian ko.

"Good noon po ma'am ito na ang pagkain n’yo." Sabi ng babae na sa tantiya ko ay nasa mid 20 ang edad. May kasama itong may edad na babae na may hawak na madaming paperbag na agad dumiretso sa walk in closet.

"What's  your name?" Mahinang sambit ko na sa una ay kinagulat nito pero sa huli ay ngumiti rin ito.

"Ako po si Kaye at ‘yung kasama ko po ay ang ina ko ang pangalan niya naman po ay Alicia." Ngumiti ako ng matipid at umaktong nagtataka at inosente. Baka kasi makakuha ako ng impormasyon mula rito na magagamit ko sa aking paglayo o pagtakas.
"Nasaan ba tayo? Hindi kasi nasasabi sa akin ng amo n’yo kung saan niya ako dinala.”

"Ahm, nasa private island  po tayo ni sir Roux." Sagot nito habang inilalapag ang pagakain sa bed side table. Isang mangkok na sinigang na bangus, may orange juice rin, bacon at kanin. Pero kahit natatakam na ako sa mga pagkain ay mas pinili ko munang bigyan ng pansin ang taong nasa harap ko,dahil kailangan ko talaga ng iba pang impormasyon at alam kong siya lang ang makakapagbigay nito bukod sa amo niya.

"May malapit bang bayan dito? May transportasyon bang masasakyan malapit lang dito? O bangka man lang?" Nakanga-nga lamang itong nakatingin sa’kin na tila ba naguguluhan sa aking kinikilos paano kasi sunod-sunod ang mga tanong ko at dahil sa kinapitan na ako ng sobrang paghangad na makalayo ay hinawakan ko na ang kamay nito nagsusumamong tiningnan ko ito ng deretso sa mga mata.

"Tulungan mo akong makaalis dito please.." Napasinghap ito at agad na umiwas ito ng tingin mula sa’kin, kaya tila nauupos na kandila na nawala ang aking pag-asang makalayo mula sa demonyong kumuha at nagkulong sa aking dito.

"Ma'am, pasensiya  na po pero wala pong transportasyon paalis at papunta rito kundi ang chopper lang po ni sir ang nag-iisang pabalik-balik dito sa isla. Si nanay, tatay at ako lang din ang nakatira rito. Pinapabantay at pinapangasiwa kasi ni sir sa’min ang mansion na ito . Nagpapasalamat nga kami dahil kung hindi dahil kay sir Roux ay wala kami ngayong makain at matirhan. Pinagtapos din ako ni sir sa pag-aaral ngunit kahit ang sabi niyang pwede na kong magtrabaho bilang architect sa kahit saan na kompaniya humindi ako kasi gusto ko munang pagsilbihan si sir para sa mga tulong niya. Kaya ma'am loyal po ako kay sir kaya hindi ko po kayo matutulungan." Napabitaw ako sa kamay nito at ngumiti na lang ako ng tipid bilang sagot. Kung bakit kasi sa ibang tao ay kung umakto ang damuhong iyon ay tila isang mabait at hindi makabasag pinggan na ugali pero lintik lang kapag ako ang kaharap ay inilalabas din uli nito ang malaking sungay nito.

Hate Series 1: Raven Rei ChuiWhere stories live. Discover now