confrontations

14K 433 60
                                    

Raven pov

Dalawang linggo na ang lumipas simula ng mawala ang napakaimportanteng tao sa buhay ko nailibing na rin si mama at ang ginamit kong pera ay yung binigay sa'kin ng mga Chui at ngayon dahil wala na si mama ay binubuhay ko na lamang ang sarili ko sa pamamagitan ng pag-laba ng damit ng mga kapit-bahay ko. huminto na rin ako sa pagpasok ng paaralan dahil hindi ko na kaya ang gastusin pero ang hirap pala at minsan naiisip ko na sana pala noon pa ako huminto sa pag-aaral para naman hindi na nahirapan si mama at sana buhay pa rin siya ngayon.

Napabuntong-hininga ako dahil sa ngayon andito ako sa labas ng bahay namin, nakaupo ako sa isang upuan at nakatingin lamang ako sa kawalan kung andito lang sana si mama ay sana may kakulitan ako ngayon at sana may mapagsasabihan ako ng aking problema.

"Rei Ija." Napakurap ako ng mga mata nang makita ko sa harapan ko ang isa sa katrabaho ni mama nung waitress pa ito shemay naiiyak na naman ako buti na lamang ay dumating ito.

"Kamusta ka Ija?" Malumanay na tanong nito napatingin naman ako sa aking mga kamay hindi ko alam kung paano ito haharapin naiiyak ako

"O-okay lang naman po.." Mahinang sagot ko pero sa totoo lang masakit pa rin kasi mahirap e' dahil nanay ko ang nawala sa buhay ko.

"Alam ko Ija masakit pa rin pero kailangan mong magpakatatag, ito kunin mo itong papel may address diyan at puntahan mo ito dahil diyan nagtratrabaho ang kaibigan ko bilang katulong at ang sabi niya nangangailangan pa sila ng isa pang katulong kaya nireto kita." Kusang nangislap ang aking mga mata at napangiti ako, malaking tulong na iyon lalo na't nangangailangan ako ng trabaho at kahita no ay papatulan ko.

"Salamat po." Naluluhang sabi ko ngumiti naman ito sa'kin at hinaplos nito ang pisnge ko at nakita ko ang pagbakas ng pag-aalala sa mukha nito.

"Ito Ija pang pasahe mo konti lang iyan, pero sana makatulong saka mag-ingat ka doon a' alam mo ang bait ng ina mo tinulungan niya rin ako nang minsan na mangailangan ako kaya kahit sana sa ganitong paraan ay matulungan din kita." Napangiti ako at kinuha ang perang inabot nito hindi na ako makakatanggi dahil kailangan ko iyon lalo na't naubos lahat ng pera ko.

"Salamat po maraming salamat po talaga." Sabi ko habang dumadaloy ang luha ko sa aking mga mata dahil sa galak na sumasakop sa aking buong pagkatao akala ko wala na akong pag-asa pero meron pa pala. May mga tao pa palang tutulong sa akin kahit hindi ko kadugo.

"Huwag kang mag-alala mabait daw ang mga Zandor sila ang pagsisilbihan mo at sana ipagpatuloy mo rin ang pag-aaral mo dahil yun ang isa sa mga pangarap ng iyong ina ang makita kang makapagtapos." Tumango naman ako tama siya ngayon na nawala na si mama ang kailangan ko na lang gawin para pasalamatan ito sa mga ginawa nito ay ang tuparin ang mga pangarap nito para sa'kin..

Sana nga mabait ang mga taong pagsisilbihan ko…

Sa mga ZANDOR ang magiging bagong tahanan ko at doon ako magsisimula ng panibagong buhay.

Dahil sa mga bumalik na masasakit na alaala ay labis na poot ang naramdaman ko na tila nauubusan ako ng hininga at tuluyang nanilim ang aking paningin habang paulit-ulit ang pagguhit ng sakit at galit na hatid ng nakaraan.

"Anong karapatan mong tawagin akong apo!" nanggagalaiting sambit ko at napahampas pa ako sa mesang nasa harap naming hindi ko na alam kung paano mapigilan ang sarili ko pero napupuno na talaga ako at ano mang oras ay sasabog na ako sag alit.

Hate Series 1: Raven Rei ChuiWhere stories live. Discover now