renrei falls.

14K 375 2
                                    

Roux pov

Damn! alam kong ako ang tinutukoy ni Rei kanina kaya hindi ko maiwasang titigan ito at hindi ko maiwasang hindi makaramdam ng sakit at syempre nainis rin ako para sa sarili ko dahil mas napapatunayan lang na ang sama kong lalaki para gawin iyon sa babaeng walang ibang ginawa kundi ang mahalin ako. Pero hindi ko alam kung guni-guni ko lang ba kasi kanina habang tinititigan ko ito ay nakita ko ang pagbakas ng lungkot sa mga mata ni Rei na kahit pinipilit nitong ipakitang matatag siya ay nakita ko pa rin ang isang emosyon na akala ko'y tuluyan na nitong binura sa sistema niya. Gusto ko tuloy siyang damayan ngunit paano ko ba siya dadamayan kung ako mismo ang nagparamdam nang sakit na iyon?

How can I comfort her where in fact I made those scars?

Napasabunot ako sa aking buhok dahil sa inis at gusto kong sapakin ang sarili ko. Ang gago ko ang gago gago ko! And now, how can I comfort her kung ako mismo'y hindi mapatawad ang sarili ko dahil sa mga nagawa ko?

"Sundan mo siya Roux." Nanlalaki ang aking mga mata nang marinig kong magsalita si Donya Carla, napatingin rin ako rito at nakita ko sa mga mata nito na nauunawaan nito ang aking nararamdaman kaya kusang umukit ang maliit na ngiti sa aking labi.

"Salamat po pero mas mabuti na iyong hayaan ko na muna siya baka mas lalo lamang siyang masaktan at magalit kung ipipilit ko sarili ko sa kaniya ngayon." Hinawakan ni Janelle ang aking kanang kamay saka ngumiti ito assuring me that everything would be fine.

"Oo sabihin na nating ikaw ang nagparamdam sa kaniya noon ng sakit but now, your intention is to heal her and love her kaya please huwag kang sumuko kapag naglakad siya palayo ay sundan mo pa rin siya." Napaangat ang mukha ko at napangiti ako ng bumunggad sa akin ang mga ngiti ng mga Chui parang sinasabing 'kaya mo 'yan'

"Salamat." Sabi ko at tumayo na sa kinauupuan ko at tumakbo papunta sa babaeng mahal ko tama kasi ang mga sinabi nila na dapat hindi ako sumuko at ngayon ay dapat hindi ko na hayaang lumakad palayo ang mahal ko dahil dapat makulong na siya sa tabi ko.

Nang marating ko ang kwarto nito hindi na ako kumatok dahil agad akong pumasok kaya kita ko ang pagbakas ng gulat sa mga mata ni Rei. But still, she's so beautiful kahit ripped jeans at t-shirt lang ang suot niya gusto ko tuloy angkinin itong muli pero kailangan kong dahan-dahanin si Rei saka may 13 days pa naman ako para mapatunayan kay Rei na mahal ko talaga siya.

"What are you doing he-" hindi ko na ito pinatapos sa pagsasalita dahil agad na nilapitan ko ito at binuhat na parang isang sakong bigas, suminghap naman ito at biglang tumili dahil sa gulat at takot.

"Fuck! Ibaba mo ako!" Sigaw nito at sige sa paghampas sa likod ko ngunit ako naman ay napapangisi lamang because her scent is so good and fuck her butt is so close to my face I even want to smack it.

"Ahw!" Shit hindi ko na napigilan ang aking sarili dahil pinalo ko na nga ang pwet nito na napakatambok samantalang nagmukha naman itong dragon na handang bumuga ng apoy sa aking pagmumukha dahil sa galit.

"Walanghiya ka Roux maniac! Bastos!"

"Kung hindi ka titigil sa kakasigaw isasandal kita sa pader then I'll fuck you hard." Nakangising banta ko rito gusto ko tuloy tumawa nang tumahimik ito bigla aba't naging maamong tupa ito na kanina ay isang matapang na tigre na handang mangagat, but I think I'll love that.

"Saan mo ba talaga ako dadalhin." Mahinahon na tanong nito, na parang nawalan na ito ng psensya sa akin.

"Sa paraiso." Maikling sambit ko ngunit iba yata ang pagkaintindi nito sa sinabi ko dahil bigla nito akong hinampas sa likod.

"Bastos!" Tumawa ako ng malakas dahil wala lang ang cute lang kasi nito para sa akin. Hindi ko rin ininda ang bigat nito para ngang wala akong binubuhat dahil napakagaan nito at kay bango, ang mainit nitong katawan na nakadikit sa akin ay kay sarap damhin.

Hate Series 1: Raven Rei ChuiWhere stories live. Discover now