birth of hatred (flashback)

15K 425 8
                                    


Rei pov

Napapakanta pa ako ng mahina habang hinahanda ang merienda nina Sir Roux-- I mean nina hubbie ko. Napangiti ako sa aking naisip paano kasi parang kailan lang noong tawag ko lang sa kanya ay Sir pero ngayon hubbie na ang tawag ko rito.

Tanda ko rin na noong una hindi niya ko tinatapunan man lang ng tingin, anak kasi siya ng mga amo ko at simula nang magtrabaho ako sa pamilya nila ay parang hangin lang ako sa pamamahay ng mga Zandor ngunit noong maging twenty-two years old na ako nagulat na lamang ako nang sinabi nitong manliligaw ito sa'kin.

Hindi pa ako naniwala noong una kasi sa isip ko baka nagbibiro lang ito. Bakit nga naman ito manliligaw sa akin? E' isa lang naman akong hamak na utosan sa pamamahay nila pero hindi ko naman maitatanggi na sa bawat paglapit nito ay parang tinatambol ang puso ko sa bilis ng pagtibok nito. Pero ginawa ko ang lahat para huwag mahulog dito, natatakot akong baka balang-araw sasampalin ako ng katotohanan na hindi totoo ang mga sinasabi nito.

Ngunit sa apat na buwang lumipas nagpursigi si Roux sa panliligaw sa'kin lagi itong may nabibigay sa'kin tulad ng chocolate at mga bagay na hindi ko akalaing makakatanggap ako ng gano'n.

Pero mas naantig ako nang minsan dumalaw si Janelle na kinagulat ko dahil hindi ko alam kung anong ugnayan ng mga Zandor at Chui, pero baka magkabusiness partner ang mga ito. Iyan ang naisip ko at nang araw na 'yon labis ang takot ko dahil alam ko na sukdulan ang galit ni Janelle sa'kin dahil lagi ako nitong binubully sa school binigyan kasi ako ng scholarship ng mga Zandor kaya nakakapag-aral pa rin ako.

Ngunit ang araw ko sa eskwela ay laging bangungot dahil hindi nawawalan ng paraan si Janelle upang pasakitan ako at lagi akong naipagtatanggol ni Roux kaya hindi nagtagal mas nahulog ang loob ko rito at nang minsa'y dumalaw muli si Janelle sa bahay ng mga Zandor ay binully ako nito ulit ngunit sa oras na 'yun ay pinagtanggol ako ni Roux kaya no'ng araw na 'yon napatunayan kong mahal ako ni Roux kaya sinagot ko na ito.

At ngayon nga ang 5th anniversary namin pero mamayang gabi pa kami magkikita dahil na rin sa patagong relasyon namin ngunit hindi ko naman masisisi si Roux sapagkat alam kong kumukuha pa ito ngtamang pagkakataon upang sabihin sa magulang nito na may relasyon kami kaya sa ngayon makokontento na lamang ako sa ganito basta ang importante ay mahal ako ni Roux.

"Rei, dalhin mo na 'yan baka nagugutom na sina sir at ang mga kaibigan nito at nga pala nasa library sila." Napasinghap ako at napahawak sa may dibdib ko dahil sa gulat paano ba naman bigla-bigla na lamang sumusulpot si manang Linda. Napatawa lang ito sa reaksiyon ko, tingnan mo itong si manang tinawanan ba naman ako, e' kasalanan niya naman kung bakit ako nagulat.

"Ikaw na bahala 'a, may gagawin pa kasi ako." Sa totoo lang si manang naman talaga ang inutusan ni Roux para magdala ng mga hinanda ko pero mukhang ako na lang talaga ang magdadala.

"Opo." Sabi ko at ngumiti dito tumango lamang ito saka ibinaling muli ang atensiyon nito sa ginagawa kaya Inayos ko na lamang nang mabuti ang pagkalagay ng isang platong cookies at apat na basong orange juice sa tray.

Okay na! ready na ang lahat makikita ko na naman ang hubbie ko. Gusto ko tuloy mangisay sa kilig. Ang gwapo kasi nito at hanggang ngayon hindi ko akalain na boyfriend ko na ito.

Hinawakan ko ang tray at binaybay na ang daan papuntang library malayo pa lang rinig ko na ang tawanan ng magkakaibigan. Hindi na ito bago sa'kin parati naman silang andito at ewan ko ba may ibang kahulugan ang mga tingin at ngiti nila sa'kin parang may kakaiba pero isinawalang bahala ko na lang 'yon dahil kaibigan sila ni hubbie.

Nang mapadpad na ako sa harap ng pinto ng library at akmang Kakatok na sana ako pero nabitin ang mga kamay ko sa ere nang marinig ko ang tawang nakakainsulto ni Roux na kailanman ay hindi ko narinig simula nang maging kami.

Hate Series 1: Raven Rei ChuiWhere stories live. Discover now