betrayal

13.4K 353 4
                                    

Raven pov

"Hmm" I moaned nakasentro kasi sa mukha ko ang sinag ng araw. Dahan-dahan kong minulat ang aking mga mata, grabe ang napanaginipan ko andito raw si Janelle? Pero malabo naman 'yon. Paano naman kasi ito mapupunta sa pamamahay ko e' sukdulan ang galit namin sa isa't isa. Isa pa bakit ko naman siya papasukin sa pamamahay ko?

"Morning papa God and thanks for this new day" I mumble lowly. Lagi kasi ay pakiramdam kong kailangan ko magpasalamat sa panginoon lalo na't binibigyan ako nito lagi ng lakas.

Bumangon at dumiretso na ako sa banyo. Naghilamos ako ng mukha at nagsipilyo saka pinunasan ang basa kong mukha. Napatingin ako sa repleksiyon ko sa salamin come on Raven smile lang dahil ang lahat ng 'yon ay panaginip lang and remember this is your second day to rest and relax. Pero nakakapagtaka kung panaginip lang ang lahat so ano ang ginawa ko buong araw? Hindi naman pwedeng natulog lang ako ng buong araw kasi hindi naman iyon kapani-paniwala. So ano nga ang ginawa ko? Napailing ako.

Napaka-ulyanin ko na talaga. Makalabas na nga lang ng banyo mabuti pang dumiretso na ako ng kusina at makapagluto na ako. Tiningnan ko ang pambisig kong relo 8:38 am na pala. Masyadong late na pero wala naman akong gagawi at hindi naman ako papasok sa opisina kaya okay lang na ganito na kalate ako kumain at maghanda.

"Morning ate!" Sabi ng isang babaeng boses na kinalundag ko sa gulat may maligno ba sa bahay ko? At take note tinawag akong ate at nga pala nasa harap na ako ng kusina ni hindi ko man lang napansin at shit! May engkanto sa kusina ko paanong nangyari 'yon? pina-bless ko naman itong bahay ko 'a. Naku! sana andito si manang.

Natatakot na akong iangat ang mukha ko baka kasi kung ano ang bubungad sa paningin ko para kasing may nagsasabi sa akin na hindi ko talaga magugustuhan ang tanawin na makikita ko kung sakali.

"Ate nagluto na ako para sa breakfast natin." Napakislot ako dahil mukhang pamiliar sa'kin ang boses na 'yon dahil sa curious na talaga ako ay iniangat ko nang dahan-dahan ang mukha ko at sana pala hindi na lang dahil tumambad sa aking paningin ang taong inakala kong nasa panaginip ko lang kagabi. Nakangiti ito ng malapad habang inaayos ang pagkain na nasa mesa.

Napahilot naman ako sa aking noo, tanga mo talaga Raven hindi pala panaginip ang lahat! Janelle is here and fuck she's smiling at me like she won in a lottery. Ito ba 'yung inaakala kong panaginip e' sinasampal ako ng katotohanan na narito nga ito sa harapan ko.

I compose myself and look at her deviously "You are still here? I thought you left, pero mukhang may plano ka pa atang sirain ang araw ko ngayon." Malamig na saad ko na kinawala ng ngiti nito sa labi lumungkot ang mukha nito and double shit may parang kumukurot sa puso ko nang makita ko ang reaksiyon nito. Did she cast a spell on me, for me to be like this?

"S-sorry gusto ko lang naman magpasalamat dahil sa pag-aalaga mo sa'kin kagabi at sana rin gusto kong makasalo ka sa agahan." Nagdadalawang-isip ako kung Hahayaan ko ito sa gusto nito. Tinitigan ko ito at nagkamali ata ako sa ginawa ko dahil nakita ko ang nagmamakaawa nitong mga mata kaya napabuntong-hininga na lang ako.

"Fine!" Sumusukong saad ko at nakita ko naman ang pagsilay ng ngiti sa labi nito at pagning-ning ng mga mata nito. Para lang itong bata na hindi ko maunawaan.

"Thanks ate sige na upo kana." Pagsasabihan ko pa sana ito dahil sa pagtawag nito ng ate sa'kin ngunit hindi ko alam kung ano ang pumipigil sa'kin kasi parang ayaw kong makita ang pagbakas ng lungkot sa mukha nito. Malala na talaga ako!

Tiningnan ko ang mga hinanda nito sausage, hotdog, ham, juice kanin at adobong manok teka ang dami naman ng hinanda nito. Mukhang uubusin nito ang laman ng ref ko e'

"Sorry ate dahil pinakealaman ko ang kusina mo." Kumunot lang ang noo ko, bakit may magagawa pa ba ako? E' nandiyan na e' nagawa na nito. Alangan naman ibalik ko ang oras at patigilin ito, at sana naisip na nito na bawal manggalaw ng gamit ng walang permiso kanina. E' hindi naman nangyari tapos ngayon ito siya magsosorry pero tapos na at nagawa na niya.

Hate Series 1: Raven Rei ChuiUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum