Ang aga-aga, sobrang bitter ng iniisip ko. Napatawa ako ng malakas habang binubuksan ang pinto ng banyo. Ako na ata ang pinaka-abnormal na tao sa mundo.

Napatigil ako sa pinto at nanlaki ang mata sa nadatnan ko sa banyo.

Si Migs. In a bathroom towel and nothing more.

"Nasa taas ang mata ko," sambit niya at walang kaduda-duda ang tawa sa boses niya.

Regretfully, inalis ko ang tingin ko sa backside niya at tinapatan ang tingin niya sa salamin. Naka-tilt yung ulo niya dahil nag-aahit siya pero kahit na ganoon ang anggulo ng mukha niya ay nakatingin pa rin siya sa 'kin. Napansin ko rin na nakakunot ang noo niya as if hinihintay na ako yung magsalita.

Inaamin ko na na-caught off guard ako nang makita siya sa banyo ko na halos walang saplot kaya medyo bumagal yung pag-angat ko ng depensa ko kay Migs. Pero nang makita ang nang-aasar niyang tingin, naging defensive na naman ako. "Anong ginagawa mo dito?"

"Nag-aahit," tipid niyang sagot habang patuloy sa gawain niya.

"Ha-ha. Anong ginagawa mo sa banyo ko? Breaking and entering 'to. Isusumbong kita kay Lolo."

Tinapat niya yung razor sa dumadaloy na tubig tapos pinagpag ito. Tapos nag-ahit uli siya. "Hindi ko alam na banyo mo na rin pala 'to. Sana nilagyan mo ng pangalan sa pinto para alam ko. Isa pa, breaking and entering ang tawag kapag pumasok ka sa bahay ng may bahay. Nagkataon lang na bahay ko rin 'to."

Ewan ko ba kung bakit pero bakit ang aga-aga ang bitch ni Migs? "Dito ka nakatira?"

"Kwarto ko yung nasa tabi ng iyo."

"Bakit ngayon lang kita nakita dito?" Curious talaga ako kung bakit sa isang buong linggong pananatili ko dito ay ngayon ko lang nalaman na dito nakatira si Migs. Hindi ko siya nakikita o naririnig na dumadaan sa hallway gayong mas malapit yung kwarto ko sa hagdan at kailangan niyang daanan iyon bago makarating sa kwarto niya.

Ibinaba ni Migs ang razor at itinago sa shelf. Kung binuksan ko siguro dati yung shelf na 'yon ay magkakaroon ako ng clue na may ibang gumagamit ng banyo.

Humarap siya sa akin, nag-lean sa lababo at nag-cross arms. Kahit na pigilan ko ay kusang bumaba ang tingin ko sa buhol ng towel niya kasi natatakot ako na bigla itong bumagsak. Tapos yung itsura pa niya ay laidback na tila wala siyang pakialam kung malalaglag yung towel niya.

"Wala naman kasi ako rito araw-araw," sagot niya sa nauna kong tanong. Nang marinig ang boses niya ay napaangat uli ako ng tingin at nakitang nakangiti siya. Parang gusto ko tuloy sapakin. "Nakikitira lang ako kapag tinatamad akong umuwi ng bahay. Tsaka hindi tulad mo, ayaw kong nakakulong sa kwarto ko bente kwatro oras."

"Hindi ba diyan ka lang nakatira?"

Umiling siya at tumayo ng maayos. Napatingin na naman ako sa towel, inaabangan na malaglag ito. Sandali. Inaabangan?

Napakamao ako sa dahil kung saan-saan ako dinadala ng iniisip ko.

"Lumipat na kami ng bahay noong namatay ang Inay. Masyadong maraming alaala at hindi kinaya ng Itay kaya lumipat sila sa may Silangan." Isang hindi ko mapangalanan na emosyon ang dumaan sa features ni Migs. Malapit ang emosyong iyon sa lungkot at nagulat na lang ako nang lumapit ako sa kanya at hinawakan siya sa balikat as if to comfort him.

Kaso napatigil ako nang matauhan sa mga kinikilos ko. Ganito nagsisimula ang mga heart-to-heart na pag-uusap and to be honest, iyon ang pinakanakakailang na conversation para sa akin. Ayokong nalalaman ang mga personal na detalye ng ibang tao dahil sa huli, aasa silang magbibigay din ako ng kwento ko sa kanila. And I don't want to tell them anything.

Isa pa kapag in-entertain ko ang conversation na 'to, hindi ko maipagkakaila na I care. I care enough to want to know more about him. And I don't want to go there.

Hinigpitan ko ang hawak sa matipuno niyang braso at tinulak ko palayo ng lababo. "Lumabas ka na nga, Migs. Ang aga-aga ang sakit mo sa ulo."

Sa salamin ko pinanood ang reaksyon niya. Nawala yung playfulness sa expression niya at napalitan ng pagkayamot. Dahil sa ginawa ko?

Ayan na naman ako, iniisip ko ang nararamdaman niya. Get a grip, Hannah!

"Ano? Hindi ka pa lalabas?"

"Iniisip ko na gusto kong maligo uli. Ang init-init kasi ng panahon," komento niya sabay hawak sa knot na nagse-secure ng towel sa bewang niya.

Lumapit ako sa kanya at gamit ang lahat ng lakas ko ay itinulak ko siya palabas ng banyo at isinara ang pinto sa mukha niya. Huminga ako ng malalim at hinarap ang salamin. Hindi ako vain pero napagkumpara ko ang itsura ko ngayon sa itsura ko kagabi. At naiinis ako dahil may faint traces ng blush sa mukha ko. Ayaw ko sa mga emosyong inilalabas ni Migs mula sa sistema ko. I really need to leave.

❈    ❈    ❈

Pagkatapos kong maligo ay bumaba na ako, handa na para salubungin ang araw. Babalik ako sa bayan para maghanap ng bagong trabaho.

Nagulat ako dahil nakita ko ang Lolo ko sa hapag-kainan. Palibhasa lagi akong late bumababa dati, ngayon ko lang uli siya nakasalubong sa bahay mula noong huli naming pag-uusap.

Tatalikod na sana ako't napagpasyahang mag-almusal sa ibang lugar pero pinigilan niya ako. "Saan ka pupunta? Tabihan mo muna ako dito't mag-almusal ka."

Gusto kong pagtarayan ang Lolo ko dahil kung umasal siya akala niya close kami. Pero kahit papa'no naman ay pinalaki ako ng Mama ko na may galang pa rin sa matatanda kaya umupo ako sa harap niya. Agad naman akong pinaghainan ni Manang Lita ng sinangag at itlog.

Tahimik lang kaming kumakain hanggang sa naunang matapos si Lolo sa akin. Pagkatapos niya ay lumapit si Manang Lita at naglapag ng iba't ibang gamot sa lamesa at isa-isa itong ininom ng Lolo ko. Nang matapos niya lunukin ang halos sampung gamot ay iniangat ni Manang ang sleeve niya tapos kumuha ng bulak na may alcohol at pinahid sa braso ni Lolo. Nakita kong kumuha siya ng isang mukhang ballpen na device tapos tinanggal niya ang takip at isinaksak sa nilinis niyang parte ng braso. Napaurong ako sa kinauupuan ko dahil mukhang masakit iyon pero mukhang wala lang kay Lolo.

"Diabetes," paliwanag niya sa unspoken question ko. "Gamot na lang ang bumubuhay sa akin. Hindi ko magawang tigilan dahil kung mawawala ako, sino'ng mag-aalaga sa Rancho Villaroman? Ako ang nasa dulo ng family tree. Walang magmamana nito at hindi ko magawang iwanan sa hindi ko kadugo."

Mahigpit ang pagkakahawak ko sa kutsara. Mabuti na 'yon at baka sumabog ako sa kinauupuan ko.

Ayos lang sa akin na hindi niya ako i-acknowledge na kadugo pero para sabihin na siya ang nasa dulo ng "family tree" na parang hindi niya naging anak si Mama ang nakakagalit sa lahat. Habang tumatagal ako dito parang mas nasasakal ako. Maling desisyon nga ata talaga na dito ako pumunta.

Tumayo na ako at nagtungo sa direksyon ng pinto dahil hindi pagkain ang naubos sa akin kundi ang pasensya ko.

"Saan ka pupunta?" habol niya. "Nasa kabilang direksyon ang rancho."

Napatigil ako. "Anong gagawain ko do'n?"

Kinuha niya ang tungkod niya at naglakad papalapit sa akin. "Akala ko ba magsisimula ka ngayong magtrabaho? Nabanggit sa akin ni Miguel kanina na magsisimula ka daw ngayon. Ayaw ko sanang pumayag dahil alam kong hindi mo kakayanin ang mahirap na trabaho pero mapilit yung bata."

Nasa tapat ko ngayon si Lolo at nakatingin ng diretso sa mata ko as if he's challenging me. Inaakala niyang hindi ko kaya ang mahirap na trabaho pero doon siya nagkakamali. Walang naging madali para sa akin habang lumalaki ako kaya sanay ako sa hirap. At mas lalo namang hindi ako aatras sa panghahamon niya sa akin kahit silent dare lang iyon.

Hindi sana ako papatol sa matanda pero ang stubborn niya kaya hindi ko napigilan ang sarili ko noong sumagot, "Magkano ang sweldo ko?"

The Sweetest EscapeWhere stories live. Discover now