Special Chapters-4

12K 583 41
                                    

Gulong-gulo ang kalooban ni Hannah. Sa dinami-dami ng mga tanong niya ay lalo lang nadadagdagan ang mga ito.

Anong nangyari 3 years ago? Sino si Niccolo Jacinto? May alam ba sila Mady at Ate Krystal na ayaw nilang sabihin sa akin?

Isa lang ang solusyon na naisip ni Hannah: puntahan ang lalaki sa photo exhibit.

Ayaw niyang gawin ito, ngunit kinakailangan.

Kinabukasan ay nagpaalam si Hannah kay Mady. Sinabi lang niya na mamimili lang ito ng sapatos.

"Sige Hannah, ingat ka," tugon ni Mady habang may tinitipa sa kanyang laptop.

Lumabas si Hannah ng condo. Sumakay siya papunta sa town center kung saan nandoon ang photo exhibit.

Nang makarating na siya sa building, dama niya ang mabilis na tibok ng kanyang puso. Huminga na lang siya nang malalim para mawala ang kaba sa kanyang dibdib.

Pumasok siya sa gusali at dumiretso sa photo exhibit kung saan nandoon ang babaeng nakatalikod. Masinsinan niya itong tinitigan.

"You're here," wika ng isang lalaki sa likod niya.

Lumingon si Hannah.

"Ikaw ba yung photographer?" Tanong niya.

"Yeah, it's me. Niccolo Jacinto. Or rather, Emilio Niccolo Jacinto."

Nilahad niya ang kamay para magpakilala kay Hannah. Kinuha naman ito ng dalaga at nakipagkamay siya dito.

"My name's Hannah", magalang niya na sagot. "Hannah Umbrebueno. May I talk to you? I want to ask you something."

"Sure," ngiti ni Niccolo sa kanya.

"Yung babae sa picture na iyan, was that me?" She asked. "I have a strong feeling ako iyan."

"That was really you."

Nanlaki ang mga mata ni Hannah sa binata. "How... Paano?"

"I know you, but you don't seem to know me. It's weird, considering that I was in a relationship with you," rebelasyon niya.

"Relationship?" Kumunot ang noo ni Hannah, nagtataka.

"I first met you in Ayala Triangle. I took a picture of you. Then I asked you to visit my exhibit, and you agreed. Since then, we were inseparable. I always had this feeling that I've met you somewhere, that I've known you for a long time."

Seryoso ang mukha ng lalaki nang ikwento niya ito.

"Sir, baka ibang Hannah yung nakilala mo." Di pa rin makapaniwala si Hannah sa kanyang nalaman.

"No, I can't be mistaken! Don't you remember anything? I even fought for you, for our love, but it all ended tragically. Until now... I still feel the pain of it all. Both of us are still suffering." Dama ang matinding kalungkutan sa tinig ni Niccolo.

"Wala akong maalala," matamlay na sagot ni Hannah. Naisipan na niyang umalis at nafu-frustrate na siya.

She walked out. Palabas na siya nang marinig niya ang binata na tumawag sa kanya.

"Hannah, sandali!"

May sumagi sa kanyang isipan.

"Hannah, sandali lang!"

The Katipunero and I | PUBLISHED UNDER KPUB PHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon