Special Chapters-3

12.6K 569 51
                                    

"Hello Ate Krystal!"

"Oh, hi Hannah baby! Napatawag ka?"

Nang araw din na iyon ay naisipang tawagan ni Hannah ang ate niyang si Krystal. Kapatid niya ito sa ama, ngunit naging mabuti ito sa kanya. Unti-unti lang nabubuo ang kanilang relasyon bilang magkapatid. Sa kanyang ama naman ay nakikilala pa lang niya ito. Di pa sila gaanong malapit, ngunit tanggap na ito ni Hannah bilang kanyang ama.

"Kumusta ka naman pati si Daddy?" Tanong ni Hannah.

"Mabuti naman. Nasa abroad ulit si papa. Busy ako lately sa trabaho. But if you like, I can make time for you. Let's go shopping?" Alok ni Krystal.

"Sige ba, basta libre mo!" Biro ni Hannah. "But mas gusto kong kumain with you. Just to catch up."

"Sure! Kailan ka free?"

"This Saturday. Let's meet at the coffee shop in our condo."

"That's a deal! See you, sis!" Halata ang kagalakan ni Krystal sa boses niya.

"Bye!"

Tinapos na ni Hannah ang pagtawag.

Inisip na niya ang mga sasabihin sa kapatid.

---

Dumating ang Sabado. Nagkita sila Hannah at Krystal at naging masaya naman ang tagpo nila. Nagpalitan sila ng kwento tungkol sa kanilang mga buhay-buhay, mula shopping hanggang paglalakbay sa ibang bansa.

"Paris was okay, but mas gusto ko Sweden. Dinala kasi ako ni mama doon, namasyal lang," ngiti ni Hannah.

"Jet-setter ka na ah! Tapos nakapagtrabaho ka pa abroad! Big girl na baby sis ko!" Proud na sinabi ni Krystal.

"Sana mag-travel tayo na magkasama," wika ni Hannah.

"Planuhin na natin iyan! Sana huwag maging drawing!" Tawa ni Krystal. "Sa Hong Kong muna. Sale doon next month!"

"Puro ka na handbag, food trip na lang tayo doon!" Biro ni Hannah.

"Ikaw naman, puro pagkain!"

Pareho silang natawa.

Ininom ni Hannah ang kanyang cafe latte. Naalala niya ang gusto niyang tanungin sa kapatid.

"Ate? May gusto akong tanungin sa iyo."

"Ano iyon?"

Lumugok si Hannah at nagsimula.

"May nangyari ba sa akin three years ago?"

"Anong ibig mong sabihin?" Kumunot ang noo ni Krystal.

"Bukod sa nagtrabaho ako, tapos nag-abroad, did anything anything else happened in-between?" Usisa ni Hannah.

Nag-isip si Krystal.

"I know I got into an accident... I'm trying to remember what happened before or between those events. Ang naaalala ko, nakilala kita," wika ni Hannah. "Pero yung college days ko, it's kind of like a blur to me. I only remember up to second year college, and the past events of me going to Paris."

Hindi makaimik si Krystal. Di ito mapakali sa kanyang kinauupuan.

"I have this guy stalking me. He's claiming to know me. I saw him two times. Taga-building siya na may photo exhibit sa town center. Tapos kahapon, nakita ko sa labas ng make-up store. It's creepy," kwento ni Hannah.

"Baka napagkamalan ka lang niya," mahinahon na sagot ni Krystal. "Relax ka lang, don't force yourself to remember everything. Mahihirapan isip mo."

"But that guy... It's like I've met him before."

Krystal reached out to Hannah and squeezed her hand gently. "Take it easy. Huwag mo i-pressure sarili mo."

Iyon lang ang nasabi ni Krystal.

Naisip ni Hannah na huwag na lang masyadong mag-isip.

---

Hannah! Hannah, sandali! Hannah!

Tumatakbo siya patawid ng kalye at di na niya nilingon ang lalaking tumatawag sa kanya. Gusto lang niya makalayo sa kanya. Ayaw na niya itong balikan pa.

Hindi niya namamalayan ang paparating na kotse.

Huli na nang napansin niya ito.

Ramdam niya ang pagbangga ng kanyang katawan, ang pagtilapon niya sa kalye, at ang pagdilim ng kanyang paningin...

"Hannah! Hannah, gising!"

Dumilat ang kanyang mga mata. Ginigising na pala siya ni Mady.

Ramdam niya ang hingal na hininga, pati ang patak ng kanyang mga luha.

"Hannah, umupo ka." Inalalayan siya ni Mady na umupo sa kanyang kama.

"Nananaginip ka. Narinig kita na umiiyak. Buti na lang nagising ako para mag-cr, at nadaanan ko kwarto mo."

"Panaginip nga iyon," wika ni Hannah.

"Ito tubig." Inabot ni Mady ang tumbler sa tabi ni Hannah at pinainom siya ng tubig.

"Napaginipan ko na naman ang aksidente ko. Pero naririnig ko yung boses ng lalaki. Hindi ko alam kung bakit niya ako tinatawag," kwento ni Hannah. "May di ba ako nalalaman? May kinalaman ba ito sa stalker ko?"

"Hannah..."

"Mady, ang tagal ko nang napapaginipan ito! Tapos tuwing umuulan, di ko maipaliwanag, pero palaging mabigat pakiramdam ko. Like I'm the saddest person in the world. I don't know what the rain has to do with this, kasama ng mga panaginip ko. Kung may alam ka, sabihin mo naman sa akin," hiling niya. "Tinanong ko na si Ate Krystal, di rin niya ako sinasagot."

"Matulog ka na, bukas na natin pag-usapan iyan," kalmadong sagot ni Mady. "Huwag ka nang masyadong mag-isip."

"Sige, bumalik ka na sa kwarto mo."

Humiga na si Hannah. Tahimik na lumabas si Mady. Lalo siyang hindi makatulog dahil sa kanyang mga iniisip.

Di niya mapigilang isipin na parehong may alam sila Krystal at Mady tungkol doon sa lalaki.

Ano kaya ang tinatago nila sa kanya na di niya pwedeng malaman o maalala?

May kinalaman ba ito sa lalaki na kilala siya?

Jacinto. Niccolo Jacinto. Bakit di ko malimutan pangalan mo mula nang makita kita sa photo exhibit?

The Katipunero and I | PUBLISHED UNDER KPUB PHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon