Chapter 13-Bugso ng Init ng Ulo

24K 986 243
                                    

"Eto naman, nag-e-effort pa talaga para lang masamahan mo ako pag-uwi!"

Ganito ang naging simula ng usapan nila Hannah at Jacinto nang minsang sinundo ulet siya ng Katipunero sa unibersidad. Unti-unting napapansin ng dalaga na panay ang sundo sa kanya ni Jacinto pagkagaling nito sa trabaho. Mukhang memorized na niya schedule ko., naisip niya. Pag Monday at Tuesday, dumadaan siya ng mga 5pm. Pag Wednesday, Thursday, at Friday, mga 6 o 7 pm. Napangiti si Hannah nang di niya namamalayan. Sweet. At ngayon, pangatlong linggo na niya ng pagsundo sa akin.

Bigla niyang na-realize sa sarili niya na medyo kinikilig siya. Kahit di naman dapat.

"Anong ningingiti mo diyan?" biglang tanong sa kanya ni Jacinto habang naglalakad pauwi.

"Ah... eh... wala lang!" sagot ni Hannah habang tinatago ang ngiti niya. "Kasi... kasi..." Kasi palagi mo akong sinusundo at di ko alam kung bakit ako kinikilig. Iyon ang gusto niyang sabihin pero nahihiya siya. Iba si Jacinto sa makabagong binata at siguradong ayaw niya ng babaeng presko ang dating. Baka naman maisip niya gusto ko agad siya! Haler!

"Wala lang. Masaya lang ako kasi ngayon lang ako may nakakausap na kasabay umuwi. Di naman kasi magkatugma ang oras namin ni Mady, kaya di ko na siya nakakasabay palagi, ayun." Ayan, medyo desente sagot ko at di malandi ang dating, buntong-hiniga niya.

"Kailangan may kasama ka at di ka dapat mag-isa naglalakad sa kalye, lalo na pag ginagabi ka," mahinahong sagot ni Jacinto. "Tama lang na samahan kita." Sa di malamang kadahilanan, pinipigilan ni Jacinto ang kanyang pagngiti.

"SNATCHER!"

Isang malakas na tinig ang bumasag sa katahimikan ng mga naglalakad na mga tao. Sa di-kalayuan ay may isang dalaga na balisa dahil inagawan siya ng bag.

Napatigil sila Hannah at Jacinto sa paglalakad. "Ano iyon?" tanong ni Jacinto.

"May nadukutan ng bag," mahinang sagot ni Hannah.

Nagkagulo rin ang mga tao at di alam kung anong gagawin. May mga natigilang maglakad at may mga pilit di pinansin ang babae. Ngunit nasulyapan ni Jacinto sa kanang bahagi ng kalye na may lalaking tumatako na may dalang itim na bag. Alam niya ang dapat gawin.

"Diyan ka lang!" sabi niya kay Hannah. Kumaripas ng takbo si Jacinto at naabutan din niya ang mandurukot, sabay mabilis na kuha sa bag. Hinablot niya ang kwelyo ng mandurukot at binigyan ito ng suntok sa kanyang mukha. Agad natumba ang mandurukot at dinaganan pa ito ni Jacinto at pinagsusuntok.

May mga lalaking naglapitan at nakisali sa pagbugbog sa tulisan. Napatabi na lang si Jacinto at di nagtagal ay may mga lumapit na rin na dalawang pulis. "Tama na!" sigaw ng isang pulis. "Aarestuhin na natin siya!" Nilapitan nila ang duguang mandurukot at agad nilang pinosasan. "Sa presinto! Pang-ilang aresto mo na ito, g*go ka!" 

Dinakip na nila ang mandurukot at nilayo na nila mula sa naipon na mga manonood, na tuwang-tuwa sa nangyari sa lalaking nang-agaw ng bag. "Buti nga sa iyo!" sigaw ng isang lalaki. Nagpalakpakan ang mga tao.

Nandoon din ang babaeng inagawan ng bag, na dinala ni Hannah sa eksena ng pangyayari. Agad siyang nakita ni Jacinto at lumapit ito para ibigay ang nanakaw na bag sa kanya.

"Salamat kuya!" nagagalak na sinabi ng babae.

"Walang anuman," pangiting sabi ni Jacinto.

Bumaling ang babae kay Hannah at sinabing, "Ang tapang ng boyfriend mo!"

"Uuuuuy!" kinikilig na hiyaw ng mga tao. "Yeeeeee!"

"Kiss naman diyan!" pang-aasar ng isang lalaki. "Girlfriend, halikan mo naman si boyfriend mo!"

The Katipunero and I | PUBLISHED UNDER KPUB PHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon