Chapter 14-Mga Hinanakit ni Hannah

22.5K 928 122
                                    

"Mabuti nakarating ka. Maupo ka."

Kakarating lang ni Hannah sa isang five-star hotel sa Maynila sa pakiusap ng kanyang ina, dahil gusto raw makipagkita ng ama nito. Ngayon ay magkaharap na sila, at di maintindihan ni Hannah ang kanyang gagawin. Pero isa lang ang kanyang alam: wala siyang nararamdaman na lukso ng dugo para sa ama niya.

Mahinahong naupo si Hannah. Napansin niya agad ang pagkaing nakahain sa lamesa. "Kumain ka muna," udyok ng ama nito. Nakabihis ang nasabing lalaki ng coat and tie at mukhang may edad na, mga singkwenta (50) anyos.

"Busog pa po ako, salamat," magalang na sagot ng dalaga. Hindi ako kakain ng pagkaing galing sa bulsa mo. Kapag ginawa niya iyon, ibig sabihin noon ay naka-depende na rin siya sa sustento nito.

"Ang laki mo na," sabi ng lalaki. "Sa picture lang kita unang nakita. Baby pic iyon na pinadala ng nanay mo through email."

Ma naman, bakit niyo ba siya pinadalhan ng picture ko?! nanggagalaiting isip ni Hannah. Dapat makaalis na ako. "Sir, huwag na tayong magpaligoy-ligoy pa," diin ni Hannah. "Ayokong sayangin ang bihis ko ngayon para ipakita ko sa inyo na hindi ako ang kawawang anak sa labas na inaakala mo," matabil niyang dagdag. "Diretsuhin niyo na ako sa dahilan ng ating pagkikita."

"Hannah, nasa wastong gulang ka na," sagot ng ama nito. "Nais kitang tulungan at iparamdam sa iyo ang pagiging tatay mo. I plan to give you your own share of my stocks--"

"Sabi ko na nga ba, tungkol sa pera ang usapan," pagsabat ni Hannah. "Hindi po ako naghahabol sa manang matatanggap ko sa inyo. Habang panahon kaming nabuhay ni mama na kami lang, at nakayanan namin ang hirap. Maganda trabaho ni mama sa Norway, at higit pa sa sapat ang tulong niya para mabuhay kami pareho. At isa pa, scholar ako at Dean's Lister, kaya wala kang dapat problemahin kung matatapos ako ng college."

Isang matapang na mukha ang iniharap ni Hannah sa ama niya, kung ama nga ang maituturing nito sa kanya. "Hindi niyo mabibili ang pagiging tatay dahil sa pera. Bakit ngayon lang kayo nagpakita? Hindi niyo ba alam, noong 7 years old ako, nagka-dengue ako at kailangan pa akong idaan ni mama sa bahay niyo para lang maipa-ospital ako? Nagmaka-awa si mama sa gate ng magara niyong bahay para tulungan ako. Pero bumalik siya sa traysikel na umiiyak. Ang huli kong narinig from her is, 'Hannah, wala ang tatay mo'. Tapos nag-deliryo na ako, at di ko alam kung paano ako nadala sa ospital. Basta, may tumulong sa amin... ang boss ni mama."

Iimik na sana ang ama ni Hannah pero di siya makapagsalita. Nagpatuloy ang dalaga. "Pasalamat ka, buhay pa ako hanggang ngayon. Matutuwa ka ba o maiinis because I'm your dirty little secret? Baka mawalan ka ng investors if news about me, your illegitimate child, ever got out."

Hiyang-hiya ang ama ni Hannah sa sarili niya. "I'm sorry... Things are complicated and--"

"Hindi complicated iyan!" malakas na sigaw ni Hannah. "You should have taken responsibility for the mistake you had with my mom! Papa-ibigin mo, aanakan mo, tapos iiwanan mo? But then, I understand! Baka masira image mo as one of the top businessmen in this country. Pati relasyon mo sa pamilya mo at mayayaman mong kamag-anak, mayayari rin! Am I right? Siguro tama lang na tinago mo pagkatao ko bilang anak mo... At tama lang na huwag na tayong magkita. After nito, huwag na, please. This is the last."

Tumayo si Hannah at akmang aalis na. Pagtalikod niya, narinig niya ang pabasag na boses ng ama niya.

"Kamamatay lang ng asawa ko dahil sa kanser. Alam niya ang tungkol sa iyo, pati ng ate mo. Nangako ate mo sa mommy niya na hahanapin ka at aalagaan bilang isang tunay na kapatid."

Natigilan si Hannah. Ate? May kapatid ako? Hindi... hindi ko kailangan ng kapatid. 

Lumingon siya at sinaabing, "Kaya ko pong mabuhay na mag-isa sir. Sana huwag niyo na akong gambalain pa. Salamat."

The Katipunero and I | PUBLISHED UNDER KPUB PHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon