Chapter 7-Mady Meets Emilio

29.6K 1.1K 269
                                    

Patay, andito na si Mady. Anong sasabihin ko tungkol sa time-traveler na si Emilio Jacinto?

Nag-isip ng dahilan si Hannah bago niya pagbuksan si Mady. Tumungo ito kay Jacinto at nakiusap. "Pwede magtago ka muna sa may palikuran? Baka mabigla ang kaibigan ko na mag-isa lang ako dito at may kasama akong lalaki." Nga naman, anong maiisip ng mga tao tungkol sa isang dalaga na mag-isang may kasamang binata sa kwarto nila? Medyo malisyoso ang dating. Pero kakaiba ang sitwasyon ni Hannah at kailangang magpaliwanag itong mabuti kay Mady.

Pumayag naman si Jacinto. "Sabihin mo lang kung magpapakita ako sa kaibigan mo." Hindi niya pinakita kay Hannah na nagpipigil siya ng tawa dahil sa eksena kanina nang una silang magkita. Pero ang daling makahalata ni Hannah. "Anong tinatawa mo diyan?"

"Di ko makalimutan itsura mo noong una mo akong nakita." Umiwas ng tingin si Jacinto.

"Sus! Burahin mo na sa isip mo itsura ko kanina! Sige, magtago ka na sa banyo!"

Pumunta na siya sa palikuran at piniid ang pinto.

Napa buntong-hiniga si Hannah. Kalmado siyang lumapit sa pinto at pinagbuksan si Mady.

"Ang tagal mo yata," sabi nito pagpasok habang nilapag ang bag niya sa kama. "Hay naku, dinugo ilong ko sa Calculus exam na iyan!"

'Madali lang iyan sa iyo, ikaw pa?" kunwaring ngiti ni Hannah.

Agad napansin ni Mady ang pagkabalisa ni Hannah. "Okay ka lang?"

"Bakit mo natanong?"

"Iyang kamay mo kasi, malikot na naman." Nakatitig si Mady sa mga patumpik-tumpik na daliri ni Hannah. Ganoon kasi siya kapag kabado.

"Ah, kasi..." Siguro diretsuhin ko na si Mady para tapos na. "Kasi..."

"Kasi ano?" Naghihintay si Mady ng sagot.

"Kasi... naalala mo ba yung essay ko kay Emilio Jacinto?"

"Ah, yung na perfect mo. So, bakit di ka mapakali tungkol dun? Ano ka ba, makaka-uno ka pa rin sa Philippine Literature! Huwag kang kabahan doon! Minor subject lang iyon!" pakonseulong pahayag ni Mady.

"Hindi dahil doon."

"Eh ano?"

"Mady... naniniwala ka ba na may time travel?"

"Huh?" Kumunot ang noo ni Mady. "Hindi noh! Na sobrahan ka lang siguro sa panonood ng time travel na Koreanobela. Relax, anxious ka lang dahil sa school stress!"

Baket biglang nagkaganyan si Hannah, eh kanina okay lang siya pag-alis ko?

Biglang nagalala si Mady at nilapitan si Hannah para yakapin ito. "Chill lang girl! Sa sabado, treat kita ng frozen yogurt para mawala nerves mo."

Bumaklas si Hannah kay Mady. "Girl... seryoso ako. Paano pag may time traveler dito sa kwarto?"

"Hay nako Hannah! Mukhang di malulutasan iyang ng frozen yogurt! Doktor sa utak kailangan mo! Bakit bigla kang maniniwala sa time travel na iyan? At anong konek niyan kay Emilio Jacinto? Don't tell me nag time travel siya dito!"

"Ganon na nga Mady! Andito si Emilio Jacinto sa kwarto! Nag time travel siya at dito siya napunta!"

"Hannah! Baka patay na patay ka na kay Jacinto! Huwag ka magka-crush dun at one hundred plus years na siyang patay!" paliwanag ni Mady habang nakakapit mga kamay niya sa mga balikat ni Hannah.

"Mady, totoo sinasabi ko! Gusto mo pakita ko pa sa iyo?"

"Hay nako, nasisiraan ka na ng bait!"

Hindi niya pinansin si Mady at sa halip, lumakad siya sa may palikuran at kinatok ang pinto. "Maari ka nang lumabas."

Hindi nakapaghanda si Mady sa mga sumusunod na pangyayari. May isang lalaki na makalumang-bihis ang tumambad sa paningin niya. Katabi niya si Hannah at lumapit ang lalaki sa kanya.

"Buenos dias senyorita," bati nito.

Matagal nakatitig si Mady sa lalaking nasa harapan niya. Totoo ba ito? Time traveler siya?

Hindi maipagkakaila na si Jacinto nga ang nasa harapan niya ngayon. Halata naman sa ayos ng buhok at postura, pati ang tinig ng boses na makaluma ang dating sa pandinig.

"Si Emilio Jacinto ka?" bulong ni Mady, namamangha.

"Ako nga," sagot ng lalaki.

"Hindi siya nanloloko! Time traveler siya! For reals!" sabik na pahayag ni Hannah.

Tuluyang nanlata si Mady at hinimatay.

Isinandal nila Hannah at Jacinto si Mady sa may paanan ng kama. Nang magising ito at nahimasmasan ay agad siyang pinainom ni Hannah ng tubig. Hanggang ngayon ay nanghihina pa rin si Mady sa takot at pagkamangha na hindi siya nananaginip. Naman, si Emilio Jacinto ang nasa harapan niya ngayon! Isa iyan sa mga national heroes noh!

Pinakita ni Jacinto ang pilat niya sa braso. "Ito, nakuha ko mula sa pagsasandugo namin bago sumali sa Katipunan."

Aydiyosko, totoong pilat iyan mula sa itak! Hiniwa niya sarili niya! Ouch!

"Sige, magkuwento ka pa," udyok ni Mady.

Nagsimula si Jacinto ng kanyang kwento at pagkatapos ay sumingit naman si Hannah. "Oh, hindi ako nasisiraan ng bait ah!"

"Oo na, Hannah, siya nga ito." Bumaling si Mady kay Ginoong Jacinto. "Teka, paano na iyan? Paano ka makakabalik sa panahon ng Kastila?" pag-aalala nito.

"Iyon ay di ko pa alam. Pero hangga't maaari, pwede ba akong manatili dito pansamantala?" pakiusap niya. "Balak ko rin humanap ng trabaho at magmasid kung paano buhay dito sa makabagong Pilipinas."

"Ok naman pala ikaw ah.. sige ba!" pagsang-ayon ni Mady.

"Huwag kang mag-alala. Hindi ako magiging pabigat."

"Phew," bukang-bibig ni Mady. Napatinging siya sa binata at inobserbahan ayos nito. "Pero di ka pwede lumabas na ganyan itsura mo. Kailangan gayahin mo ang pananamit ng mga lalaki ngayon." Agad itong tumayo para may kunin sa kabinet niya, at bumalik ito na may mga dalang damit ng lalaki.

"Hiramin mo muna ito." Inabot niya kay Jacinto ang mga damit. "Pasensiya ka na, tokong iyan at hindi pantalon. Naiwanan ni Sam nung nagpasabay siyang magpalaba ng mga damit. Nobyo ko pala iyon, si Sam."

"Salamat..."

"Mady."

"Salamat Mady... Pero bakit tamad ata iyang nobyo mo?" biro ni Ginoong Jacinto, nakangisi.

"Hindi ah! Pinalabhan ko iyan sa laundry shop. Lugar iyon kung saan ka nagpapalaba ng damit. Siguro may mga damit pa siya na di na niya sinusuot. Baka pwede kong ibigay sa iyo."

"Salamat ulit".

Unti-unti nang gumagaan ang pakiramdam ni Mady sa bisita. Mukhang mapapabuti siya dito, naisip ni Hannah.

Habang nakiligo muna si Jacinto sa palikuran, nag-usap sila Hannah at Mady.

"Ay, gusto ko siyang makitang naka-twalya lang at shirtless!" kinikilig na sinambit ni Mady.

Kunwaring binatukan ni Hannah ang kaibigan. "Manyakis ka! Sinabihan ko siyang huwag siyang lalabas ng banyo ng walang pangitaas."

"Ang conservative naman ng lola!" biro ni Mady.

"Conservative ka diyan! Eh siya nga nakakita sa akin nang bagong paligo at naka-tuwalya lang."

"Talaga?" Nanlaki mga mata ni Mady.

"Ay shucks, bakit ko ba naikwento?!" pagsisisi ni Hannah. "Oo, nakita ako ni Emilio Jacinto na naka-tuwalya lang!"

"Sana sineduce mo siya! This is your chance girl! Baka siya magiging first boyfriend mo! Yeeeeeee!" pagwawala ni Mady sa kilig habang sinasagi si Hannah. "Yeeeee!"

"Tumigil ka diyan Amanda!"

"Uy oh, nagbu-blush siya!"

Naramdaman ni Hannah ang pag-init ng mga pisngi niya. "Ano ka ba, di pwede maging kami! Labag ito sa batas ng panahon at Philippine History! At isa pa... di ko siya type! Kainis ka naman eh!"

"Kunwari ka pa! Yeeee!"

"Shaddap Amanda!"

(itutuloy)

The Katipunero and I | PUBLISHED UNDER KPUB PHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon