Napahinto siya sa paglalakad at nilingon ako na salubong ang kilay.

"Para saan pa?" he asked coldly. "Ba't kailangan mong malaman?"

"Magpapasalamat ako, hindi ko kasi-"

"You didn't even thank me, tapos magpapasalamat ka sa kanya?" he shook his head in annoyance. "Hindi ko alam kung saan ang classroom niya, bawal ang mga highschool sa college building."

Nauna na siyang maglakad, I followed him with confusion. Bawal ang highschool sa college building? May ganoon bang rule dito sa LRAC? Parang wala naman akong matandaan. Pero apo siya ng isang head, baka mayroon nga?

Kinagat ko ang labi ko. "Thank you, Kurt. Pero sana 'wag ka ng makikipasuntukan ulit. Sorry kung nadamay ka pa sa gulo ko."

Umismid siya.

"Tss, I get myself involved when it comes to you, Cray. Ikaw ang dapat, don't let them or anyone hurt you again. Ayaw ko ring makikitang umiiyak ka, dahil makakasakit ako."

Napakurap kurap ako. Hindi ko agad nakuha ang lahat ng kanyang sinabi. Hindi ko rin namalayan na nasa tapat na kami ng classroom ko.

Nilahad niya ang kanyang kamay at iminuwestra na pumasok na ako sa pintuan.

Tulala akong pumasok ng classroom, wala na ang huling teacher namin. Siguro maagang nagdismissed, ang mga kaklase ko ay naghaharutan pa sa kanilang mga sariling mundo.

Namataan ko agad ang mga mata ni Nathalie, nakita ko ang pag-aalala sa kanyang mga mata at mabilis na lumapit sa akin. She gripped on my wrist, walang gana akong umupo sa kanyang tabi.

"Ano na naman ang pinasok mo ngayon?" she hissed.

Pinapasadahan niya ako ng tingin at napasinghap siya sa aking itsura. She's obviously worried, ngumiti ako para hindi siya mag-alala pa.

"Ayos lang ako, Nath."

"Gosh! Hindi ko alam na pati boxing ay pinasok mo na ngayon. Ayos ka ba sa lagay na 'yan? May sugat ka pa sa labi! Na trouble ka na naman, mamaya tayo mag-uusap. Makakatikim ka sa akin ng bars! Naku!" nanggigigil niyang sambit.

Pumasok na kasi ang next teacher namin. Nagturo siya sa harapan na hindi ko naman pinakinggan, nakatulala lamang ako sa kanya habang nagdidiscuss siya ng kung ano.

Hindi ko alam ang pakiramdam na ito. I was bothered by Kurt's words, e.

Am I missing something? Aish! I don't know!

Pagkatapos ng klase namin ay tinakasan ko agad si Nathalie. Mabilis akong tumakbo para makalabas ng classroom, halos magtago pa ako nang makita kong kakalabas lang ni Kurt ng kanilang clasroom. Break time na kasi kaya naglalabasan na talaga ang mga estudyante.

Mabilis kong tinahak ang daan patungo sa college department. Marami akong nakakasalubong na college students at parang nagtataka sa presensya ko sa kanilang department.

Ngumuso ako.

"Hi!" bati ko sa isang player na nakita kong kasama noon ni Spiral sa cafeteria. I was sure that they're teammates!

Isla Verde #3: Broken Sweet Heart Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang