"Ba't ka nagpasuntok, Kurt? Sabi ko mag-iingat ka 'di ba? Ayan, tingnan mo tuloy may pasa at sugat ka!" inis kong panenermon. "Anong sasabihin mo kay Tita Kaye niyan?"

Hindi siya nagsalita, nanatili siyang seryosong nakatingin sa akin na parang tinitimbang ang lahat. I rolled my eyes at him, nang mawala ang pagdurugo ay tinigilan ko na ang pagpunas at saka humalukipkip sa harapan niya.

I raised my eyebrow. "Ano? Ako ang malalagot niyan! Dahil sa akin nakipagbasag ulo ka pa, baka sabihin ng Mommy mo na 'wag ka ng makipagkaibigan sa akin! Kurt naman!"

I feel frustrated of what might they say about me being the troublemaker!

Marahang napapikit siya at bumuga ng hangin. He shook his head slowly and smiled a bit. He looks sad, nasaktan siguro talaga siya sa mga suntok? Kawawa naman si Kurt.

"Silly, of course not. I'm fine, Cray. No need to worry. Kumain ka nalang para hindi ka madaldal riyan!" he sighed wearily. "I know you're hungry," he added teasingly.

Tss.

Kahit walang gana ay kumain ako ng munchkins na dala niya. Alam na alam niya talaga ang makakapagpagaan ng loob ko sa ganitong mga sitwasyon. This is my comfort food. He knows me too well.

Habang kumakain ako ay patuloy ko siyang sinesermonan dahil sa sobrang inis ko. Ang kapal kasi ng mukha nila Jin para gawin ito, wala naman talaga silang karapatang manakit!

"'Wag ka nang lalapit sa mga 'yon, Crayon. Lalo na kapag wala si Christian o ako, they hurt you. Kung makikita mo man sila, avoid them."

"Pero classmate ko si Vince at Jin, Kurt." I sighed sadly. "Hindi ko sila maiiwasan..."

"I'll tell Lola to move them to another section. Just don't get yourself in trouble, again. Not again, Crayon." seryoso niyang sambit, binuksan niya ang botted juice at inabot sa akin.

Nakangusong tinanggap ko iyon.

Palibhasa'y isa sa head ang kanyang Lola rito sa La Riva, kaya malakas rin siya kapag may hinihiling. Hindi ko nga lang alam kung pagbibigyan siya ngayon.

Sumimangot lamang ako at ininom ang juice na ibinigay niya. Naiintindihan ko naman na ayaw na niyang mapaaway pa ulit, syempre sino nga ba naman ang gugustuhing makisali ulit sa gulong ginagawa ko?

Ako lang ang may kasalanan pero may mga nadadamay. Speaking of...

"How's Spiral?" I gasped, nanlalaki ang mga mata ko nang maalala siya. "Nasaktan ba siya? Nasaan siya? May mga pasa rin ba siya? Baka nasaktan siya ng sobra? Kurt! Ano?"

Kumunot agad ang noo niya, tumalim ang kanyang tingin pero nag-iwas rin agad sa akin. He sighed deeply.

"He's fine, pumasok siya sa klase niya. He got bruises, also. Pero mukhang ayos naman siya. So, stop overreacting." may bahid ng inis niyang sinabi. "Finish your food, I'll walk you to your room."

Suminghap ako at bahagyang nakaluwag sa paghinga. Sabay kaming naglalakad ni Kurt sa pasilyo ng third floor para pumunta sa aming classroom.

"Sigurado ka bang okay lang... siya? I-I mean, well... uh..." I stuttered. "Uh, alam mo ba kung saan ang kanyang classroom?"

Isla Verde #3: Broken Sweet Heart Where stories live. Discover now