Noong nandito si Kuya Clay, hindi naman nangyayari sa akin ang mga ganitong bagay. Pero kapag naiisip ko, parang si Kuya Clay pa ang may kasalanan kung bakit ako napunta sa ganitong sitwasyon.

Kung hindi niya pinamigay ang sketchpad ko ay hindi naman mapupunta kay Spiral iyon. Syempre nakita ko ang sketchpad ko kaya nagmadali akong kuhanin iyon, tapos hinarang naman ako ng mga bad guys.

Inis ako sa mundo noon, kaya sila ang napagbuntungan ko ng galit ko. Nasira ko ang cellphone ni Jin, Spiral helped me. Napaaway siya dahil sa akin.

Nakita ko pa kanina na mayroon siyang maliit na pasa sa pisngi. Hindi man malala ay talagang nakaka-guilty iyon dahil sa akin kaya nagkaganoon ang lahat.

Imbes na wala siyang problema at nakakaaway, ngayon kaaway na siya ng mga bad guys. Nakakahiya din dahil nagdadala lamang ako sa kanya ng kapahamakan.

I sighed.

Hindi ako pumasok sa una at pangalawang klase ko dahil hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nakikitang bumalik si Kurt sa building namin. Nag aalala na ako sa kanya, he doesn't usually skipping his classes.

Baka kung ano nang nangyari sa kanya, sa kanila.

Katabing room namin ang kanila kaya makikita ko kung naroon siya o wala pa. Ano bang nangyari sa kanya? Sabi niya babalik siya agad?

I inhlaed sharply, pumangalumbaba ako sa wooden table. I gently touched the band aid on the side of my lips, nilabas ko agad ang aking salamin at tiningnan ang repleksyon ko.

God, I look horrible!

My not so chinky eyes are puffy, obviously cried. My lips, also. Kinagat ko ang labi ko at inis na napasabunot sa aking buhok.

Ngayon lang ako nagkagana na talagang magskip ng class whole day! Ang pangit pangit ko! Hindi makatarungan, nakakainis! Nasaktan na nga ako, pumangit pa.

Napsinghap ako at ngumuso, tamad na inubob ko ang aking ulo sa lamesa at saka nagmaktol dahil sa inis. Padabog pa akong napapasabunot sa buhok ko at pumapadyak sa lupa.

I couldn't help but be furious!

"Gago sila! Idedemanda ko sila ng harassment! Nasa batas din ng presidente na bawal manakit ng babae, ah? Ba't nila ako sinaktan!" I wailed like a kid who lost her candy.

Napahinto ako sa pagmamaktol nang may madinig akong mahinang pagtawa. Nanlaki ang mga mata ko at mabilis na nag-angat ng ulo para tingnan iyon.

"Kurt!" napatayo agad ako sa kanyang harapan. "Okay ka lang? Oh my gosh! Your lip's bleeding! Shit! You even have bruises! Geez!" napapasinghap kong sinabi.

Using his thumb, he wiped off the blood on his lils. He smiled at me pagtapos ay inangat niya ang kanyang isang kamay na may hawak na box of munchkins.

"I'm fine, Cray. Don't worry. Have you eaten? Hindi ka raw pumasok sa dalawang class mo sabi ni Nathalie?" kunot noong tanong niya at naupo sa bench.

Napangiwi ako at tinitigan siya. Nilapag niya ang box ng munchkins sa table at meron pa siyang dalang bottled juice, parang wala lang sa kanya ang namumula niyang pisngi at nagdudugong labi.

Suminghap ako at umupo sa tabi niya. Kinuha ko agad ang panyo sa bulsa ng skirt ko at pinunasan ang labi niyang may dugo.

He stiffened, he looked shocked, his eyebrows furrowed while seriously looking at me. Bakit? Huminga ako ng malalim at napanguso.

Isla Verde #3: Broken Sweet Heart Where stories live. Discover now