Chapter 71

4.4K 126 6
                                    

      Abby,

        Tumayo ako at tinitigan si David, kinabahan ako. Hindi ko pa rin maiwas mag duda sa kanya kahit alam ko na nawala syang masamang intensyon sa amin ni James.

      "I'm sorry nagising ba kita, kumusta na sya?...tanong agad nya.

     "Its okay, sabi ni Dr. Harvey stable naman sya at baka magising na sya anytime.."sagot ko sa kanya.

      "Thank god, nag aalala ako sa kanya habang nasa pinas ako..."sagot naman nya sa akin.

      Really! sa isip isip ko, sana nga David totoo lahat ang pinakikita mo ngayon. Lumakad sya palayo sa akin then may kinuhang bag at inabot sa akin.

      "Ano to?..tanong ko agad.

      "Some clothes and toiletries atleast may magamit ka while your here. My wife pack it all, hindi ko alam kung kasya mo ang mga damit pero magkasing size lang kayo ng asawa ko.."paliwanag nya.

      "Oh..your married then.."sabi ko na parang natuwa atleast now alam kung hindi nya ako guguluhin.

     "Lucky bastard me, yes I am.."mapait nyang ngiti sa akin.

     "Anyway, I have to go, my wife is waiting. If you need anything just call me and Dr. Harvey, okay?. I will be back later to check on him, ngayon nandito kana hindi na ako mag aalala pa..."sabi nya ulit at tumayo na.

       Tumango lang ako, pero parang nakokonsensia ako na hindi ko sya pinagkatiwalaan. Kaya bago pa sya makalabas ng kwarto pinigilan ko sya.

     "David wait, why you doing this?...tanong ko agad sa kanya.

      "Para makabawi kay James, I've done a lot of bad things in his life. Kaya eto lang ang alam ko para makabawi man lang sa kanya. Dahil kahit ang dami ko ng masama ginawa pinatawad pa rin nya.."malungkot na sabi ni David sa akin.

      "Sorry kung pinaghihinalaan kita at hindi nagtiwala sayo.."sabi ko naman sa kanya.

       "I knew and sorry too dahil nagulo ko ang buhay nyo..."sabi ulit nya.

      Sa pagkakataong eto naramdaman ko namang galing sa puso nya ang mga sinasabi nya. Naalala ko ang sabi ni Nayla kahit gaano ka sama ang isang tao darating ang panahon magbabago din iyun.

      "I need to go bago pa tayo mag iyakan dito.."ngiting sa sabi nya sa akin.

      Lumapit ako sa kanya at niyakap sya, he just tapped my back.

       "Abby baka patayin ako ni James pagnakita nyang yumakap ka sa akin.."tawa nyang sabi.

      "David thank you..."sabi ko na naluluha pa.

      "Your welcome..."yumakap sya ulit sa akin ng mahigpit at maya maya tuluyan na syang ng paalam at lumabas ng ng kwarto.

       Naiwan akong maluwang ang pakiramdam ngayon alam ko na magiging okay na lahat. Except lang sa di pa nagigising si James, nakatitig naman ako sa kanya. Lumapit ako at hinawakan ang maamo nya nyang mukha, napansin ko medyo ng kakakulay na ulit ang mukha nya.

      "Good morning baby! Sorry may bista ako kaya hindi kita nabati agad.."sabi ko habang hinihimas ang mukha nya sa likod ng kamay ko.

     "Si David yun dumaan dito, kinukumusta ka pala nya at pinagdalhan nya pa ako ng mga maisusuot na damit. Ikaw ha wala kang sinasabi sa akin na may malambot na puso ang taong yun. Alam mo na kausap ko din si baby Angel, she's excited to see you soon. Kaya mapagaling ka para makapaglaro kayo.."maluluha luha kung kwento kay James.

The Punisher (kissed my soul) EditedWhere stories live. Discover now