Chapter 21

6.7K 142 8
                                    

          Abby,

      "Ate...ate...gising si superman andyan hinahanap ka..."yugyug ni Irish sa akin ang kapatid kung babae.

      "Irish matutulog pa ako, pwede sabihin mo dyan sa superman na yan lumipad na muna sya kung saan. Hindi ko kailangan ng tulong nya.."sabi ko naman kay Irish at nagtalukbong ng kumot.

      "Ambot sa imo, sige ka pag hindi ka tumayo akin na si superman.."sagot ni Irish.

     Narinig ko ng lumabas si Irish pero si Mama naman ang pumalit,

       "Anak naa kay bisita oi..tumayo kana dyan. Ang gwapo ng bisita mo anak kamukha sya ni superman..."sabi naman ni Mama na hinila ang kumot ko.

        "Ma..kanina pa kayo ni Irish,  superman ng superman dyan, pakisabi lumayas sya.."naiinis kung sagot.

      "Anak bumagon kana bago pa balatan ng buhay ng tatay mo ang bisita mo.."sabi ulit ni Mama.

       Kaya naman napabalikwas ako ng tayo at dali daling lumabas. Wala akong paki kung wala ako suklay at bakat na bakat yung dibdib ko sa manipis kung suot. Pakalabas ko nanlaki mga mata ko ng makita ko kung sino kausap ni Papa at Irish sa sala at nagkakape pa. Nakita nya agad ako kaya napangiti sya, dali dali akong bumalik sa kwarto ko pero napansin ako ni Papa at tinawag ako, si Mama naman hinila ako pabalik.

      "O Abby naa kay bisita, hinahanap ka nya.."sabi ni Papa.

       Dali dali akong lumapit sa kanila at hinila si James papasok sa kwarto ko, nakasunod pa silang tatlo sa amin.

       "O bakit papasok kayo ng kwarto.."sita ni Papa sa amin.

        "Pa excuse me, mag uusap lang po kami.."sabi ko kanila at hila hila si James.

      "Bakit sa kwarto anak pwede naman dito sa sala.."singgit din ni Mama.

        "Ma, Pa..mag uusap lang po kami wag kayong mag alala wala kaming gagawing masama, okay!..sabi ko kanilang dalawa.

        Napasin kung nakangiti si James habang hawak hawak ko sya papasok sa loob. Sa isip ko, wag kang ngingiti dyan hindi ka nakakatuwa". Isinara ko ang pinto pero naririnig ko pa din sila Mama at Papa na nasa pinto pa at alam kung nakikinig sila. Kaya binukasan ko ulit ang pintuan ng kwarto ko, muntik pa silang napasubsub dahil bigla kung binuksan ang pinto.

       "Ma, Pa..ano ba mag uusap lang talaga kami.."natatawa kung sabi.

       "Peace anak.."sabi ni Mama na nag peace sign pa.

       "Abby mag uusap lang ha!..."paalala naman ni Papa.

       Natatawa ako sa mga histura ni Mama at Papa. Alam ko pati si James natatawa din sa kanila. Sinara ko ulit ang pinto at nilock eto. Incase lang na may gagawin si James, mabuti ng makasiguro. Tinitigan ko si James na nakangiti sa  akin, deep inside gusto ko syang yakapin kasi sobra ko syang namimiss pero pinigilan ko ang sarili ko. "Abby tapusin mo na kung anong mayroon kayo ng lalaking yan" sabi nag isip ko. 

    "You have thirty minutes to explain why your here.."sabi ko sa kanya ng diretso.

     "I missed you..."sagot nya at lalo pang nilaparan ang ngiti.

      "James stop it okay. Hindi mo ako madadala sa ngiti mong yan.."nakapamaywang ko pang sabi sa kanya.

     Pero sa totoo lang malapit ng matunaw ang galit ko sa kanya. Baka nga isang ngiti pa wala na to kaya tumalikod ako sa kanya para hindi nya mabasa kung anong nasa loob loob ko. "Shit! Abby tumigil ka, kaya mo yan" mahina kung sabi sa sarili ko. Pero nabigla ako ng yumakap si James sa akin, "James pwede tumigil ka" sigaw ng utak ko, pero nalulundag sa saya ang puso ko.

The Punisher (kissed my soul) EditedDonde viven las historias. Descúbrelo ahora