Chapter 66

3.8K 104 4
                                    

Abby

    Nasa loob na kami ng gate ng bahay, dali dali akong pinagbukasan ni Roy, sinalubong naman ako ni Mama at Andrea.

"Abby are you okay? namumutla ka at ang lamig mo.."sabi ni Andrea.

"Anak anong nangyari ha?...tanong naman ni Mama sa akin.

    Piling ko himatayin na ako sa takot, pero sinikap kung huminahon dahil ayaw kung masira ang birthday ng princess ko. Dumiretso ako sa study room at doon, umiyak ng umiyak. Sobra akong natatakot baka babalikan nya kami," lord please ilayo mo kami sa kapahamakan at sa taong yun" lihim kung dasal.

"Besty please kausapin mo naman kami. Anong ng yayari sayo..."nag aalala tanong ni Andrea.

"Anak, tama ang iyak. Naghihintay na ang mga bisita ng anak mo, hinahanap kana nila..."singit naman ni Mama na nakahawak sa kamay.

    Ng may kumatok sa pinto kaya napatingin kami tatlo, dali dali naman pinagbuksan ni Andrea kung sino ang nasa pinto. Si Laurence nakita kung nagpapanic din sya, lumapit sya sa amin binati ang Mama ko.

"Abby I'm sorry hindi ko nasagot ang tawag mo. May interview ako kay Sen. Vasquez, nakausap ko si Roy sinabi nya ang nakita nya kanina at ang nangyari sayo sa mall. I already called the security, nasa labas na sila at pinadagdagan ko na rin ang mga security nyo dito.."mahabang sabi ni Laurence sa akin.

"Please fix your self now, naghihitay na ang mga bisita mo..."pakiusap ni Laurence sa akin.

"Paano sya nakalabas ng jail? Diba dapat nabulok na sya doon..."sabi ko kay Laurence.

"Aalamin ko pa Abby pero sa ngayon unahin na muna natin ang party ni Baby Angel at mag isip kung anong dapat nating gawin.."sabi ulit ni Laurence.

"Sana nandito si James..."mahina kung sabi.

"Anak tama na yan, wag na muna natin alalahanin ang lalaking yun. Sige na ayusin muna ang sarili mo..."utos naman ni Mama sa akin.

     Tinitigan lang ako ni Andrea at Laurence, huminga ako ng malalim at lumabas ng study room umakyat sa taas para magbihis. Nasa kwarto na ako at naupo sa gilid ng bed hawak hawak ang picture frame na may letrato ni James. "James uwi kana please, si David nakita ko natatakot ako para sa anak natin baka kung anong gawin nya sa amin." Umiiyak naman ako at yakap yakap ang picture. Natatakot ako sa biglang pagpapakita ni David, ano ba talaga ang gusto nila sa amin, tanong ng isip ko habang umiiyak. Maya maya pa may kumatok, si Irish hinahanap na ako at mag uumpisa na ang party.

"Irish palabas na ako..."sabi ko at dali daling tumayo papasok sa bathroom.

    Tapos na ako magbihis at dali dali ng lumabas sa garden. Hawak hawak ni Andrea at Marion si Angel na sobrang tuwa sa mga nakikita nya mga balloons at sa dami ng mga batang dumalo sa party nya. Lumapit ako sa kanila at para kunin si Baby Angel.

"O, mommy is here..."sabi ni Andrea at inabot si Angel sa akin.

"Mom mom..."tawag naman nya sa akin.

    Naexcite naman sya ng makita ako at inabot ang dalawang kamay nya sa akin at nagpapakarga kaya inabot ko naman at niyakap sya ng mahigpit.

"Its party time..."sigaw ng host ng party.

"Happy birthday baby..."sabi ko sa anak ko and kiss her.

    Dahil two years old pa sya, she just giggled and smile at me. Habang nagpatuloy ang party hindi ako umaalis sa tabi ni Angel at hinding hindi ko sya binibitawan dahil natatakot ako namawala sya saglit sa paningin ko. Kahit pagod na ako hindi pa din ako umalis hanggang sa natapos na ang party at nakatulog na si Angel sa pagod. Nasa kwarto ako ni Angel at pinagmasda ang anak ko na mahimbing ang pagkatulog. Nakuha ni Angel ang maamong mata ni James pati ang labi nya nakuha nya sa Daddy nya. Habang nakatitig ako sa anak ko, "anak wala makakapanakit sayo pangako yan ni Mommy, papatayin ko ang manakit sa sayo katulad ng ginawa ni Daddy mo pinatay nya ang taong nanakit kay Mommy", sabi ng isip ko. Maya maya pa tumayo na ako at binuksan ang baby monitor para marinig ko kung anong nangyayari sa anak ko habang natutulog sya. Lumabas na ako ng kwarto ni Angel at bumaba, naabutan ko sila Andrea, Marion, at Laurence na nag uusap sa may dining area at uminom ng wine. Lumapit ako sa kanila at kumuha ng wine glass at nilagyan ko ang baso ko at ininom ang wine.

The Punisher (kissed my soul) EditedOù les histoires vivent. Découvrez maintenant