Chapter 67

4K 101 2
                                    


Abby,

Laurence on the phone, kausap ko si Laurence. Nagpapaikot ikot ako sa meeting room habang kausap si Laurence.

    "Abby wag kang maniniwala sa kanya, baka isa to sa masamang plano nya..."sabi ni Laurence.

     "Paano kung totoo nga ang sinabi nya Laurence. Alam mong gustong gusto kung makita si James. Sobra na akong nag aalala sa kanya, its been two years..."sagot ulit sa kanya.

"Abby wag na wag kang gumawa ng habang na ikakapahamak mo. Tandaam mo Abby wala kang dapat pagkatiwalaan, hindi mo kilala si David. Makinig ka sa akin Abby..."pakiusap ni Laurence sa akin.

   Natahimik na lang ako, naghalo halo ang mga iniisip ko. Maya maya pa nagpaalam na ako kay Laurence nangako ako na hindi ako gagawa ng kung ano hanggat di nya alam. Naupo ako ulit sa mesa at nakatitig naman sa sa calling card na nasa ibabaw pa rin ng mesa. May kumatok at bukas ang pinto pumasok si Susan ang personal assistant ni James at nagpapaalam na.

"Susan I'm sorry, nabigla lang ako kanina. Please stay baka mapapagalitan ako ni James na pagbalik nya wala na kana.."paumanhin ko sa kanya.

"Thank you Mrs. Macaraeg, Im very sorry po hinding hindi na mauulit..."paumanhin nya ulit.

"Its okay Susan, please pakitimplahan mo na lang ako ng tea.."sabi ko na nakangiti na.

"Yes Maam, right away Maam..."lumabas na sya ng meeting room at pumasok naman ang isang body guard.

   Alam ko kukunin na nya ang baril na hiniram ko kaya kinuha ko sa likuran ko at inabot sa kanya. Kinuha nya at ngumiti sa akin at dali dali na syang lumabas. "I'm glad I didn't use the gun, sa totoo lang wala akong alam tungkol sa baril pero pagnakataon na harasin o may gagawin syang masama sa akin  David. Sisiguraduhin kung mawawalan sya ng hininga. Nakatitig ako ulit sa calling card, dali dali kung etong dinampot at ipinasok sa bag ko. Pinacancel ko na lahat ko lahat ng appointment at meeting ko kay Susan at nagdisisyon na pupuntahan si Andrea sa opisina nya. Wala pa lang ilang minuto nasa loob na ako ng building ng opisina ni Andrea. Dumiretso ako sa elevator then sa office ni Andrea. Namimiss ko ang office na to dahil dito rin ako nagtrabaho noon. Binuksan ko ang pinto at napatingin lahat ng staff ni Andrea para silang nakakita ng multo at titig na titig sa akin. Hindi siguro nila alam kung paano ako iapproach dahil piling nila ibang tao na ako ngayon. Wala naman nagbago sa akin kahit ba sandamakmak ang pera ko. Tumingin din sila sa dalawang bodyguard ko, may mga tumaas ang kilay pero hijlndi ko lang pinansin.

"Hi!...si Ms. Valdez ba na dyan?...tanong ko sa kay Nancy na kanina pa ako tinitigan.

"Yes..Abby i mean Mrs. Macaraeg nasa opisina po si Maam Andrea.."sabi nya sa akin na di ko maitindihanln ang histura, nahihiya ba o naiilang.

"Thanks Nancy, Abby na lang please wag mo na akong tawaging Mrs. Macaraeg. Si Abby pa din naman ako..."ngiti kung sabi sa kanya.

     Ngumiti lang sya ng napakalawak sa akin at sinamahan ako papasok sa office ni Andrea kasunod ang dalawa kung bodyguard. Bago ako pumasok kinausap na muna ang bodyguard na sa waiting area na lang maghintay sa akin at sumunod naman sila. Kumatok si Nancy at pinagbuksan naman kami,

"Oh hi Besty..."excited na salubong ni Andrea.

   Diri diretso akong pumasok at naupo, bumuntong hininga at sumandal sa kinaupuan ko. Lumapit si Andrea at yumakap sa akin,

"Tot kaylan kaya tayo maging masaya ulit katulad nung dati..."mahina kung sabi sa kanya.

"Shuss...be possitive lang babalik din ang lahat sa normal. We just keep our faith, kaya mo yan.."sabi din nya sa akin at yumakap ng mahigpit.

The Punisher (kissed my soul) EditedDonde viven las historias. Descúbrelo ahora