Chapter 55

4.4K 137 12
                                    


      Abby,

        Nakarating na kami ng bahay at sinalubong agad kami ni Papa. Tuwang tuwa sya ng makita kami ni James at niyakap pa nya kaming dalawa.

     "Sus...ginoo kung mga bataana ni. Akala ko ba sa susunod nalinggo pa dating nyo..."sabi ni Papa sa akin.

     "Sorry po, medyo excited lang kami..."ngiting sagot ni James kay Papa.

     "Ma si Nayla po? ..tanong ko agad.

     "Naku ate utang na loob wag muna gisingin yun aburido kasi ang isang yun..."sabay singit ni Irish.

    "Ganun ba? sige na nga bukas na lang..."sagot ko.

     Nagkwentuhan pa kami hanggang naramdaman ko na lang gusto na yata magpahinga si James. Kaya sumingit na ako sa kanila at sinabi kung pagod na kami at kailangan na naming magpahinga. Pati na rin si Mama inaantok na, hinila ko na si James papasok sa kwarto ko pero humarang si Mama.

      "Anak baka magalit na naman si Nayla mo dahil nagpatulog kana sa kwarto mo..."sabi  ni Mama.
    
      "Ma magkakaanak na kami ni James kaya ok lang na naman yun.."sagot ko sa kanya.

     "Ano! pakiulit nga tama ba yung narinig ko..."gulat na gulat na sabi ni Mama.

      "Ma...magpapaliwanag ako, kasi po...

      "Baby let me explain..."singit ni James.

        Pumasok na ako sa kwarto, kinabahan ako sa magiging reaksyon nila lahat alam ko hindi sila matutuwa pero sana hindi sila magalit sa amin. Matagal pang pumasok si James kaya gusto ko na sanang lumabas para malaman kung anong nangyayari. Napaitlag ako ng may kumatok dali dali akong tumayo at binuksan ang pinto. Si Irish ang bumungad sa pintuan at diri diretsong pumasok sa kwarto.

     "Ate excited na ako kasi magkakababy kana..."sabi ni Irish.

     "Irish anong nangyayari sa labas, nagalit ba si Mama?...tanong ko agad.

     "Hindi lang galit, galit na galit ayun binabalatan ng buhay si kuya James,..."sabi naman ni Irish.

     Dali dali akong lumabas pero pinigilan naman ako ni Irish.

      "Hoy ate joke lang, to naman di mabiro, nga pala si Nayla nagising ayun kausap din ni kuya James.."sabi ulit ni Irish.

      "Ano! bakit hindi mo sinabi agad.."singhal ko kay Irish.

      "Wag kang mag alala kayang kaya ni kuya James yun. Isang ngiti lang nun tunaw na galit nila..."sabi naman nya.

    "Ikaw Irish puro ka biro, seryuso andun ba si Nayla?..tanong ko.

     "Seryuso nga andun sya.."sagot nya sa akin.
  
      Dali dali akong lumabas pero pagbukas ko ng pinto sakto naman pumasok si James.

     "James anong nangyari?..tanong ko agad.

     "Sorry baby pero ayaw ng Nayla mo na magpakasal tayo, magugulo lang daw ang buhay mo..."seryusong sabi nya.

     "What!.."gulat na gulat ako sa sinabi ni James.

     "Kuya seryuso ka talaga?...singit naman ni Irish.

       Pasandal ako sa may pinto, hindi ko maintindihan bakit ayaw ng lola ko panagutan ako ni James. Mas gustuhin nyang walang ama ang anak ko, hindi naman yata tama yun. Yumakap si James sa akin at pasimpling tumawa,

    "James wag mo nga akong pinagluluko..."hampasin ko sana kaso nahawakan nya kamay.

     Binuhat nya ako at pinagtatawanan kaya lalo lang akong nainis sa kanya.

The Punisher (kissed my soul) EditedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon