Chapter 41

4.8K 122 13
                                    

     
   Abby,

   Nakauwi na ako sa bahay diretso akong nagbihis at nahiga, sinubukan kung matulog pero yung utak ko gising na gising at wala akong ibang iniisip kundi si James. Umieco parin sa isip ko yung sinabi nyang namimiss nya ako at yung sobra sobra nya akong mahal.

     "Abigail humanap ka ng paraan para magkausap kayo, sabihin mo kanya ang totoo. Kahit umalis man sya malinaw ang lahat sa inyo dalawa...."sabi ng isip ko.

        Napaitlag ako ng may kumatok, si Andrea,

       "Bes pwede ba akong pumasok?...tanong nya.

     "Okay..."sagot ko at bumangon sumadal sa headboard ng bed.

     Nang makapasok na sya naupo sya sa gilid ng kama at tinitigan ako. Alam ko nagtataka sya kung anong nangyari sa akin kanina kasi natarayan ko sya.

      "O ayaw mo ba magkwento kung anong nangyari sayo kanina at until now ganyan pa rin ang pagmumukha mo...sabi ni Andrea.

     "Sorry Tot kung natarayan kita, nainis lang kasi ako eh..."saagot ko.

      "At bakit nga ba?...curious nyang tanong.

        Huminga muna ako at nagkwento sa kanya ko anong nangyari sa amusement park kanina. Nagtitili naman si Andrea kaya pumasok si Marion akala nya napaano na.

      "Grabi mahal nagkita na pala sila, kinikilig naman ako. Besty anong piling nung sinabihan ka ng Baby I missed you so much..."excited na tanong ni Andrea.

     "Alis na nga ako, girls talk pala to..."sabi naman ni Marion at lumabas ng kwarto.

      Tuloy kami sa kwentuhan ni Andrea hanggang sa sinabi ko yung about kay Martha kaya bigla ding nadisappoint si Andrea.

    "Haist....ang mga panggulo talaga kung kaylan moment na saka pumapasok, mga bwesit ano panira ng moment..."sabi ni Andrea.

     "Sinabi mo pa..."sabi ko din.

    "Tapos hindi man lang nag paalam sayo at umalis man lang, luko din ang mukong na yun. Lagot sya sa akin if i saw him kukutusan ko talaga sya..."sabi pa ni Andrea na nakapamaywang pa.

     "Kaya mo? tandaan mo billionaire yun baka ikaw kutusan nun..."ngiti kung sabi.

    "Bes anong hitsura nya, gwapo pa rin ba sya at hot like before..."tanong ulit ni Andrea.

    "Uhmm..."tango ko at ngiti kay Andrea.

     "Waaahh.. Abby hindi mo ba namimiss yun?...."tanong ni Andrea.

    "Ang alin?....napakunot noo ko sa tanong ni Andrea sa akin.

       "Dah...ang slow mo nito di makagets, yung toink nya..."sabay tawa ni Andrea.

     "Alam mo baliw ka talaga kahit kaylan. Tigilan mo na nga ako. Matulog na ako at papasok pa tayo bukas..."sagot ko na lang.

    "Biro lang, pinapatawa lang kita..."sagot ni Andrea sa akin.

   
       Tuloy pa rin ang kwentuhan namin ni Andrea ng bigla na lang pumasok si Marion sa kwarto ko.

     "Guys we have visitor...."sabi ni Marion.

   "Huh!! sino?....sabay namin tanong ni Andrea.

     "Si The Beast...."sagot ni Marion.

      Tumayo ako at tumakbo palabas ng kwarto kasama si Andrea para kaming mga iwan at nag uunahan sa hagdan. Pero wala naman akong nakita kaya naiinis ako kay Marion, paakyat na sana ako para hampasin si Marion, lagi na lang akong pinagtitripan nakakaasar. Pero biglang na lang may nagsalita,

     "Hi, good evening!...."bati nya.

   
      "Oh, hi James, good evening!..."bati din ni Andrea at ang lapad ng ngiti.

     "Hoy...good evening daw..."sabay hila pabalik ni Andrea sa akin.

        "Hi!..."sabi ko.

      Tumalikod ako bigla ng maalala ko wala pala akong brang suot kaya dali dali akong humakbang paakyat pero pinigilan naman ako ni Andrea pati na rin si Marion pinalakihan ako ng mata.

     "Tot wala akong brang suot..."mahina kung sabi at sabay turo sa dibdib ko.

     "Excuse me for a while..."iniwan ko na sila at dali daling pumasok sa kwarto ko at nagtoothbrush, nag ayos kunti then nagpabago. Humarap ako sa salamin at sabi ko sa sarili ko,

     "Eto na ang chance mo Abby sabihin mo lahat ng gusto mong sabihin at wag na wag kang matakot, kaya mo yan..."sabi ko sa sarili ko.

       Lumabas na ako at bumaba, bumuntong hininga muna ako, huh...goodluck Abby, sabi ng isip ko. Nakita ko silang tatlo na nakaupo sa sopa nagkwentuhan at mukhang nagkatuwan naman kaya hindi ko tuloy alam kung saan ako sisingit kasi ang sarap naman ng usapan nila. Nakita ako agad ako ni Andrea at hinila ako.

      "Oh Bes dito kana pala, upo ka..wow! ang bango natin ah..."pasimply bulong ni Andrea.

     "Tumigil ka..."pasimply ko din sabi at pinandilatan sya ng mata.

 
        Uupo sana ako sa kabilang sopa pero inunahan ako Andrea kaya naupo na lang ako sa tabi ni James. Sa isip ko, hindi eto ang time para magpacute at paligoyligoy pa. Nagkwentuhan kami maya maya tumayo ang dalawa at naiwan kami ni James kaya biglang tumahimik ang paligid, bigla tuloy ako natameme hindi ko alam ang sasabihin parang nagglue lang labi ko. Pero maya maya din nagsalita din si James,

    "Sorry bigla na lang akong umalis kanina, may naiwan kasi papers na I  need to sign para sa merge ng company..."sabi nya.

     "Okay lang, anyway hanggang kaylan ka dito sa bansa?...tanong ko agad.

    "Im leaving tomorrow morning..."mabilis nyang sagot.

   
        Nagulat naman ako sa sinabi nya kaya hindi na ako nakapagsalita. Sa isip isip ko, shit...Abby sabihin mo sa kanya ang totoo bago pa mahuli ang lahat.

      "Bat ang bilis naman, ayaw mo na dito?...tanong ko.

     "For what? I don't have any reason to stay here anymore, except lang kung may..."i cut him off.

   "James can we talk somewhere?..."sabi ko sa kanya.

      "Sure..."sagot nya.

     "Okay just give a sec..."sabi ko ulit sa kanya.

        Dali dali akong umakyat at kumuha ng jacket at dali dali bumaba at lumabas na kami ng bahay. I'll texted Andrea na lalabas lang ako at babalik din after namin magkapag usap ni James. Habang on the way kami kung saan papunta sobra na akong kinabahan, sa isip ko, sana lord bigyan mo ako ng lakas ng loob para masabi ko sa kanya ang totoo.

    
    "Where you want to go?....simpling tanong nya.

     "Kahit saan basta malayo sa maraming tao.."sagot ko naman.

     "Okay...."mabilis na nagpatakbo si James.

     Tahimik kaming pareho ni James habang nga bayahe, panay naman tingin ko sa mukha nya. I really missed him so much, tinitingnan ko  mata nya, ilong nya hanggang sa labi. In my mind, god!! how missed those lips hanggang sa bumaba pa ang tingin sa leeg nya. Iwan ko pati yata pag galaw ng adams apple nya sinusundan ko ng tingin. Di ko na namalayan napapagat na pala ako ng labi ko, pero nagulat ako ng bigla na lang itanabi ni James ang sasakyan nya.

    "O bakit?.. patay malisya kung tanong.

      Hindi sya sumagot, bumaba sya at imikot sa kinauupan ko binuksan nya pinto at tingal ang seatbelt ko at pinababa ako. Sa isip isip ko, anong nagawa ko tinitigan ko lang naman sya. Naalala ko na, oo nga pala ayaw nya ginawa ko yung na kinakagat ang labi ko habang nakatitig sa kanya. Nang maisara nya ang pinto nagulat ako he gently push me pasadal sa sasakyan at hinalikan. Gosh...sobra kung namiss yung halalik ni James kaya napapakapit ako ng mahigpit sa kanya at sinalubong ang lahat halik nya. Hindi ko alam kung gaano katagal ang halik na yun,inenjoy ko ng husto baka kasi hindi maulit pa, maya maya pa bumitaw na din si James at humalik sa noo ko. Pareho na kaming nakasandal sa may sasakyan at nakatingin sa kawalan.

    

 

The Punisher (kissed my soul) EditedWhere stories live. Discover now