Chapter 60

4.4K 100 10
                                    


      James,

        Two days after we arrived in Switzerland namasyal muna kami ni Abby para naman maaliw sya at hindi nya isipin kung ano ng nangyayari sa pamilya nya sa Pilupina. Kakatawag lang din ni Andrea sa kanya kaya medyo  humupa na ang nararamdaman nya pag aalala at nasa safehouse na rin ang pamilya ni Abby. Medyo na bawas bawasan na rin ang pag aalala ko sa kanila, alam kung walang nakakaalam sa lugar na yun except sa kay Laurence at mga bodyguard ko. Nasa isang park kami ni Abby naglakad lakad, nakakatulong din sa kanya yun. Medyo mataas sikat ng araw pero malamig naman hangin kaya perfect time para maglakad lakad.

  
      "Baby paano ba kayo nagkakakilala ni Ms. Coket?..biglang tanong nya sa akin.

     "Hindi ko pa ba naikwento sayo?..tanong ko naman.
 
      "Hindi pa.."sagot nya.

     "Let's set at ikwento ko sayo.."sabi sa kanya.

        Naghanap kami ng maupuan pero wala kaming makita kasi may nakaupo ding ibang tao. Kaya sa may ground na lang kami naupo kasama ng mga iba pang tao sa park. Yung iba nagbabasa ng libro at yung ibang mga bata naman nalalaro, naghahabulan at kung ano ano pa ang nakikita mo.

       "I've known Shiena since I was like 7 years old, sa orphan ko sya nakilala lagi kasi silang pumupunta doon kasama ang mommy nya. Naging magkaibigan kami, naging kalaro nya ako everytime na pumupunta sila sa orphanage. Nag iisang anak na babae si Shiena lahat ng kapatid nya puro lalaki. Anak sya sa pangalawang asawa ng Dad nya dahil nag iisa nga syang babae kaya lahat ng gusto nya nakukuha nya. Si Shiena ang tumulong sa akin para makahanap ng umampon sa akin. Magkaibigan ang adopted parents ko at ang parents ni Shiena, sabay kaming lumaki ni Shiena sa Europe. Iisa ang school naming pinasukan. Sya ang nagturo sa akin paano maging control freak at paano paikutin ang mga tao sa kamay mo, na sa isang salita mo lang sumusunod na sila. Nang mamatay ang mga adopted parents ko nandyan si Shiena, hindi nya ako iniwan, hanggang sa dumating na araw nagka girlfriend ako si Anica. Galit na galit sya sa akin, she didn't talk to me for a year. Nagkausap lang kami ng dahil kay Goergia , doon ko din nalaman na mahal pala nya ako. Pero kapatid lang tingin ko sa kanya, sinabi ko sa kanya hanggang kapatid lang ang tingin ko sa kanya. Akala ko tanggap nya, yun pala may lihim na pala silang plano ng half brother nya..."kwento ko kay Abby.

     "Ang lalim pala ng pinagsamahan nyo ni Shiena..."sabi lang ni Abby.

     "Yes, at first mabait sya pero simula nung nalaman nya na nagkagirlfriend ako. She changed a lot, naging monster sya kahit sa mga tauhan nila, she's mean to them. I hated her for being so mean, monster and cruel at kaya nyang pumatay para lang makuha nya ang gusto nya. Nobody can say No to her even her own family, lahat sila sunod sunuran sa kanya..."kwento ko ulit kay Abby.

      "Nakakatakot naman ang babaing yun. Naging sunod sunuran ka rin ba sa kanya?..."tanong nya ulit.

     "At some point of my life yes but when you came nagbago lahat yun. Hindi na ako papayag ng diktahan nya ako at ano ang dapat kung gawin. She killed my son kaya pagbabayaran nya yun..."galit kung sabi kay Abby.

     Tumitig lang si Abby sa akin at humawak sa mukha ko. Pero napapikit ako dahil sa biglang sumakit naman ang ulo ko. Shit! nagkataon pa naman na hindi ko nadala ang gamot ko. Lately lagi ng sumasakit ang ulo ko, sana wag na muna ngayon ang dami ko pang dapat gawin para kay Abby at sa baby namin.

       "James are you okay, bakit namumutla ka?..."panic na tanong ni Abby aa akin.

      "I'll be fine, halika ka na uwin na tayo..."yaya ko na lang sa kanya.

      "Pero James putlang putla ka ano bang nangyari sayo..."nag aalalang tanong ni Abby.

      Hindili na ako nagsasalita dahil piling ko mababasag ang ulo ko sa sobrang sakit. Inalalayan ako ni Abby na tumayo at lumakad palabas ng park. Buti napansin kami ng driver ko at dali dali lumapit aa amin at inalalayan ako, ng makalapit na kami sa sasakyan agad kaming pinabuksan at pinasakay ng sasakyan, sobrang sakit na ng ulo. Gusto ko ng inuntog sa sobrang sakit at nasusuka na rin ako.

The Punisher (kissed my soul) EditedTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang