Chapter 53

4.5K 120 5
                                    

Abby,

    After namin magshower, pinagbibihis ako ni James dahil may pupuntahan daw kami. Kaso gusto kung matulog at sobra akong tinatamad ganito siguro pag buntis.

"Baby come on, malalate na tayo. You have ten minutes to change
..."sabi ni James sa akin.

"Wala akong dalang damit..."sabi ko sa kanya.

"You can go naked then..."biro sabi ni James.

"Sira..."tawa kung sagot.

Nagtalukbong ako ng comforter para matulog pero hinila ni James ang comforter at binuhat nya, para akong bata na isinaklay sa braso nya. Nag aalala tuloy ako baka mapaano ang baby ko,

"James ibaba muna ako..."sabi ko sa kanya.

"Nope, lazy butt..."sabay palo sa pwetan ko.

  Pumasok kami sa isang kwarto at dahan dahan nya akong ibinaba, hindi pa ako napasok ang kwartong to yun kaya bigla akong nacurious.

"Anong ginagawa natin dito..? tanong ko.

"See for yourself, at please magbihis kana. Hihintayin kita sa labas..."sabi nya sa akin.

Iniwan na ako ni James, sa isip isip ko anong mayron dito. Nakita ko nakabukas ang walk in closet kaya pumasok ako,

"Ohmygod...."sabi ko na lang.

     Ang daming damit na nakahanger, halos completo lahat simula sa underwear hanggang sapatos at bag. Tiningnan ko isa't isa may mga tag price pa yung iba.

"Sa akin ba lahat ng to?...tanong isip ko.

Dali dali na akong nagbihis at lumabas ng kwarto, naghihintay si James sa may sopa at mukhang naiinip. Napangiti sya ng makita ako pero bigla akong naduduwal kaya patakbo akong bumalik sa loob at dali dali pumasok sa banyo. Ano Abby tigilan mo yang kakaduwal mo mahahalata kana ni James, sabi ko sarili ko. Narinig ko na lang na kumakatok na si James.

     "Baby are you alright?...tanong nya agad sa akin.

     "Yes Im okay, don't worry about me..."sagot ko agad para di sya mag aalala.

      "Are you sure,you want me to call a doctor?..."tanong nya ulit.

      "No, Im fine..."sabi ko ulit at lumabas na ng banyo.

       "Baby namumutla ka, sigurado kang okay ka lang..."inalalayan nya ako paupo sa bed at kinuha nya ang phone nya at tatawag yata ng doctor.

      "Wait...James wala talaga akong sakit its just..."putol kung sabi.

      "What?...tanong nya at titig na titig sa akin.

      Kinabahan tuloy ako, sasabihin ko na ba sa kanya. Bahala na sa isip isip ko, di nasiguro dapat paabot ng birthday nya. Huminga ako ng malalim para sabihin sa kanya ang totoo, pero biglang may tumawag sa kanya. Dali dali naman nyang sinagot, napatingin na lang ako sa kanya dahil mukhang nagulat sya sa narinig sa kabilang linya. Lumabas sya ng kwarto doon nakipag usap, inayos ko sarili ko at lumabas na ulit. Kitang kita ko mukhang napakaimportante ng pinag uusapan nila at mukhang nag aalala sya. Lumapit ako sa kanya at niyakap sya, para matanggal ang pag aalala nya kung ano man yun. Maya maya pinatay na nya ang phone nya at yumakap sa akin.

    "Okay ka lang?...tanong ko.

     "Yup, everything will be fine.."malungkot nyang sabi.

      Niyaya na nya ako at lumabas na kaming ng unit nya at tuloy tuloy ng lumabas ng lobby . Hindi ko alam kung saan kami pupunta, tahimik lang ako nakikiramdam kay James. Tahimik lang din sya at parang ang layo ng iniisip. Maya maya huminto ang sasakyan nya sa harap ng isang building, inalalayan nya akong bumaba hanggang sa nakapasok na kami sa loob at tuloy tuloy ng umakyat sa taas. Pumasok kami sa isang private office, nakilala agad nila si James kaya binati ng mga nagtatrabaho dun.

The Punisher (kissed my soul) EditedWhere stories live. Discover now