Chapter 39

4.8K 110 2
                                    

        Abby,

       Nakauwi na ako pero inihatid ko lang ko ang lang sasakyan sa apartment at dumiretso ako sa park, para maglakad lakad at makagpa isip. Naiisip ko kanina yung mga sinabi nya sa press conference na his closing his company and leaving the country for good. Kaya pala sya nandito dahil tuluyan na nyang lisanin ang bansa at tuluyan na siguro akong kalimutan. Sana hindi na lang sya nagpakita sa akin para hindi na ako umasa pa. Pero siguro dapat bumitaw na ako kasi baka hindi lang kami para sa isa't isa at iba lang ang nakatadahan sa akin. Pero sana bago sya umalis makita ko sya para makapag paalam ng maayos at mahingi na rin ng tawad sa kanya. Maya maya pa naglalakad na ako pabalik ng bahay ng makita ko may kotse sa tapat ng apartment ni Marion. Bigla tuloy akong kinabahan at dali dali akong lumapit piling ko kilala ko ang sasakyang nasa harap ng apartment ni Marion. Pumasok agad ako naabutan ko sila ni Andrea na nasa couch nagkukukwentuhan sila ni Marion.

    
      "Marion kaninong sasakyan yung nasa labas?...tanong ko agad.

      "Iwan ko baka nakipark lang, bakit?...tanong din nya pabalik.

     "Wala lang, akala ko kasi may bisita kayo..."sagot ko sa kanila.

    "Girl nakausap mo ba sya?..tanong ni Andrea.

    "Hindi, may press conference kasi kaya hindi ako naghintay...sagot ko ulit.

    "So alam mo na his closing all his businesses and leave the country for good.."sabi naman ni Marion.

    "Yup...maiksi kung sagot.

      Pero may kakaiba talaga akong naamoy na mabango sa loob ng bahay.Kaya lumapit ako sa kanila at pinag aamoy sila kaya napapaitlag si Marion.

    
     "Abby what the hell your doing, bakit kaba nang aamoy?...sabi ni Marion sa akin

    "Bes okay ka lang, ikaw ha baka ano na yan Abby..."singit ni Andrea.

    "May tinatago kayo sa akin ano? Bakit para may ibang amoy pabango dito sa bahay. Magsabi nga kayo ng totoo may pumunta dito ano?..."sabi ko at tinitigan sila ng masama.

    "Guni guni mo lang yun girl at saka bakit naman kami magsisinungaling sayo...sagot ulit ni Andrea.

      Pagbagsak akong umupo sopa at nababuntong hininga. Habang nakaupo nag iisip ako at kinagat ang koko para akong timang sa ginagawa ko. Kaya lumapit sia Andrea sa akin,

     "Bes alam mo natatakot na ako sa ginagawa mo. Kailangan mo ng kausap? Wait lang, mahal ilabas mo na nga yun para maumpisahan natin..."utos ni Andrea kay Marion.

      Nakita kung may kinuha si Marion at  pagbalik nya may bitbit na isang bote ng vodka at baso. Pati na rin yelo at pagkain, akala ko kung ano na ang ilalabas nila yun pala mag iinoman lang kami. Sa isip isip ko, eto nga ang kailangan ko ngayon, ang magpakalunod sa alak. Nag umpisa na kaming nag iinuman nila Andrea. Nung una medyo tahimik pa kami pero maya maya pa nagpapatugtug si Marion hanggang nagsayawan na kami ni Andrea. Malakas na rin ang tama ko wala na kong paki kung ano nangyayari sa akin basta mailabas ko lang ang lungkot na nararamdaman.

    "Alam mo pag nakausap ko si James sasabihin ko sa kanya na mahal na mahal ko sa sya at kailangan ko sya. Kulang ang buhay ko pag wala sya, alam nyo ba yun ha..."sigaw ko.

    
      Hanggang sa tuluyan na akong maiyak at nagwawala na dahil siguro sa apekto ng vodka o baka dahil sa gusto ko lang mailabas ng gusto maramdaman sa gabing to. Nakaramdam na ako ng pagkahilo hanggang napahiga na lang ako sa sopa at napaiyak.  Nakatulog ako sa sorbang kalasingan ko, nagising na lang ako na nasa sopa na ako nakatulog. 

The Punisher (kissed my soul) EditedWhere stories live. Discover now