Chapter 15

7.6K 153 2
                                    

    Abby,

        Nagising ako sa ingay ng alarm ko, inabot ko at pinatay tiningan ko pa ang alarm clock six thirty na ng umaga. Ng maalala ko si James kaya bumalikwas ako ng bangon pero wala na sya sa tabi ko kaya humiga na lang ako ulit. Sa isip isip ko, baka umuwi sya kagabi, tiningnan ko sarili wala pala akong damit kaya dali dali akong tumakbo sa banyo nagshower at nagbihis baka kasi maabutan ako ni Andrea na walang suot baka ano pa isipin nun. Nalala ko bigla ang nangyari sa amin kagabi ni James, kakaiba sya magparusa, napangiti ako and bite my lip. Bakit parang gusto kung maulit yung ginawa ni James sa akin.

       "Haish...Abigail tumigil ka.."saway ko sarili ko.

         Lumabas na ako ng banyo at dumiretso sa kama buti na lang weekend ngayon kaya pwede akong matulog  ng matagal. Pero aakto pa  akong hihiga biglang bumukas ang pinto ko at si Andrea nagtitili.

     "Andrea ang aga aga pwede ba yung boses mo.."sabi ko sa kanya.

       "Besty look, dalian mo baka matapos na yung balita.."sabi nya sa akin.

      "Ano ba kasi yun?..tanong ko, hila hila naman ako ni Andrea palabas ng kwarto.

         Nang makarating kami sa living area nakita  ko sa news na binabalita ang tungkol sa misteryusong kadate ni James kagabi sa mask ball. Ohmygod!  alam na kaya to ni James, sabi ng isip ko. Laking pasalamat ko na lang hindi nila ako namukhaan kasi ba naman lahat ng anggulo ko may picture. Sobra ako natakot at napaupo sa sopa, ang inalala ko baka magsubong si Shiena sa media kung sino talaga ang kadate ni James.
 
   "O bakit namumutla ka dyan?...sita ni Andrea.

       "Natatakot kasi ako baka biglang magsumbong sa media si Ms. Coket  dahil nakita nya ako diba?.." nag aalalang sabi ko kay Andrea.

       "I doubt it girl, alam mo gagawin nyang panakot kay James yan para lang lumayo sayo si James. Mark my word besty, gagawin nya yun para mapasakanya si James ng tuluyan..."sabi ni Andrea sa akin.

    Tumayo ako at nagpaikot ikot sa may sala na hindi mapakali, iniisip ko pa lang na may nakamukha sa akin kinakabahan na ako. Kaya naisip ko tama dapat na akong umiwas sa kanya para hindi magugulo ang mundo ko at pati na rin si James. Bumalik ako sa silid ng kwarto ko at nagbihis ng pang jogging at dali daling lumabas then niyaya ko si Andrea.

      "Tot let's go sa park para makapag isip.."yaya ko kay Andrea.

    Dali dali namang nagbihis si Andrea at pagkatapos bumaba na kami ng condo at lumakad papuntang park. Habang naglalakad kami iniisip kung anong dapat kung gawin, naguguluhan talaga ako at natatakot sa mangyayari sa akin. Lalo na ngayon na alam na nila that  James is secretly dating at totoo nga chismis. Ng makapasok na kami ng park, nag umpisa na kaming nagjogging ni Andrea. Paikot ikot sa park nakatatlong ikot pa kami ng may sumabay sa amin ng takbo.

     "Good morning ladies..."bati nya kaya napahinto kami at tumingin sa kanya.

      "Good morning!..."bati pabalik ni Andrea na ang sarap ng ngiti.

      Hinila ko si Andrea at dali dali kami bumalik sa dinaan namin,

      "Wait lang, ano bang nangyayari sayo.."sabi ni Andrea.

       "Halika na, uwi na lang tayo.."sagot ko naman at hila hila  na si Andrea.

      "O bakit? Nakita mo lang si The Beast uuwi na tayo.."sagot ni Andrea naka taas ang kilay.

     "Diba! I need to stay away from him. Baka mamaya malaman pa ni Shiena to at baka may mga paparazi na dito.."palinga linga kung tingin sa paligid namin.

The Punisher (kissed my soul) EditedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon