Kabanata 35

213 2 0
                                    

Pagkatapos ay bigla nyang sinampal si Scarffe. Lalaban na sana ako ng lalong lumakas ang kapangyarihan nyang pumipigil sakin.

Napaluha na lang si Scarffe at tumungo.

"A-asul, wag mong sabihing niloko mo rin ako. Akala ko pa naman, hindi mo ako lolokohin"

Umiiyak na si Scarffe. Gusto ko man labanan si Affael pero wala akong lakas. Magaling sya at napagplanuhan na nya ito.

"Isa kang tanga. Walang magmamahal sayo. Kinaibigan lang kita dahil gusto kong maging Hari ng Adetram. Pinakita at pinaramdam kong mahal kita kahit ang totoo ay sukang suka ako sa pagmumukha mo. Makailang beses na kitang binalak na patayin" at nagawa nya pang tumawa.

Nanggigigil na ako at gustong gusto ko na syang bugbugin.

Naglakad naman sya ngayon sa may harapan ko at basta na lang akong sinuntok dahilan para mapahinga na ako sa lapag.

"At dahil nga sa kayong dalawa ay Ku Liefde Deva ay umayon ang pangyayari sa plano ko. At sa mga plano kong nabuo ay ito ang matagal ko ng pinangarap ang patayin ka!" Nilingon nya ako at naglabas sya ng isang espada at isasaksak na nya sakin ng biglang napalibutan na lang ng yelo si Affael.

Nabigla ako sa nangyari. Wala akong ice magic. Sinong -- Nilingon ko si Scarffe. Hindi kayang--

Hindi. Hindi maaari.

Nakatungo parin sya kaya nagpasaya na akong yakapin sya. Ramdam ko ang takot at panginginig nya.

"It's alright. Okay na" sandali kong nilingon si Affael at he's already a thick block of ice.

Naramdaman kong unti unting nag-angat ng ulo si Scarffe kaya sandali kong lumayo at nag-angat sya ng tingin para tingnan ako.

Muling nagkulay asul ang mga mata namin kaya sandali kong hinaplos ang buhok nya at pagkatapos ay hinalikan ko na sya.

Isang halik na hindi sya natakot na tumugon sa paanyaya ng aking mga labi.

Napakasaya sa pakiramdam. Matapos ng ilang segundo ay naghiwalay na ang mga labi namin. Napatungo naman sya dahil napapahiya sya pero pinigilan ko sya.

Instead, I hugged her tight.

"Mahal na mahal kita, Scarffe. Lahat ng sinabi ni Affael sayo ay hindi totoo. Maaaring nung una pero di nagtagal ay lalong lumalim ang nararamdaman ko para sayo. Ikaw ang babaeng nakatadhana para sakin. Ikaw ang Ku Liefde Deva ko."

Naramdaman ko ring niyakap nya rin ako.

"Mahal na mahal din kita, Celsius"

--
Ilang mga araw pa ang lumipas ay nanirahan na rin si Scarffe sa palasyo. Binitawan na rin ng mga magulang ko ang posisyong Hari at Reyna ng Adetram kaya tinanggap namin ito ng buo.

Everything is magical and perfect in its own way.

Kinuha at nilayo na rin ang katawan ni Affael na nabalot ng yelo sa isang lugar sa Aceard. Isang lugar kung saan hindi pinupuntahan ng mga tovenaar.

Ilang lugar na sadyang nilaan para sa ganun bagay.

Pero sa hindi malamang kadahilan ay habang nililipat ang nasabing katawan ni Affael na nababalot ng yelo ay may mangilan-ngilan na dugo ang pumatak sa lupa.

"Mahal na Hari .." pagbibigay galang sakin ng isang kawal. Tumungo sya.

"Sa hindi maipaliwanag na kadahilan ay parang bulang basta na lang naglaho ang mga dugo ni Hoang Tu Affael na pumatak sa lupa"  napailing na lang ako.

Hindi ko gusto ang balitang 'yan.

Bakit bigla na lang akong kinakabahan?

------
Hello ! This is the LAST CHAPTER of Adetram: The Path of Crea. The Epilogue will be in PRIVATE Mode.

Ibig sabihin ay hindi ito mababasa, publicly!

Bakit ko ginawa 'to?

Isang simpleng sagot. Gusto kong malaman NA TUNAY MONG BINABASA ANG STORY na ito at hindi ka lang basta napapadaan lang.

Pero kung hindi mo gusto na iFOLLOW ako ay okay lang. Hindi po ako namimilit. I'm okay with it.

KASO PAG HINDI KA NAGFOLLOW. May mamimiss kang scene na hindi ko ilalagay sa next book na dito ko lang ilalagay.

I KNOW THIS IS NOT A BIG OF A DEAL TO ASK PERO KUNG GUSTO MONG MALAMAN ANG ENDING AY MALALAMAN MO LAMANG 'YON IF YOU'RE A FOLLOWER!

Anyway. Thanks and God Bless.

*To God be all the Glory*

The Path of Crea ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon