Kabanata 16

190 2 0
                                    

C E L S I U S

Kanina ko pa sya napapansing masaya. Hindi lang masaya, kundi masayang masaya. Hindi na rin sya tumigil sa pagpindot sa mahiwagang salamin na kanina nya hawak hawak.
Hindi nya rin napapansin na kanina pa ako nakasimangot na nakatingin sa kanya. Sino naman kaya ang tampalasang may kagagawaan ng kanyang pag ngiting 'iyan? Diba dapat ako lamang ang nakakapagpa ngiti sa kanya?

Ano? Makailang beses akong umiling iling dahil sa naisip kong 'yon. Hindi maaari. Mahal ko si Mandee at kay Mandee lang ako kahit na may mahal syang iba at hindi ako nararapat para kay Scarffe dahil Ku Liefde Deva nya lang naman ako e.

Yun lamang 'yon.

"In love na ako. In love na sa'yo sana'y sabihin mong sayo'y may pag-asa ako .." hindi pa sya nakuntento sa pag ngiti at pagpindot sa salaming hawak nya at nakuha nya pang umawit.

Konti na lang ay mapupuno na ako.

"Mahal na mahal kita higit pa sa iniisip m--"

"Hindi ka ba titigil at buong araw ka na lang bang aawit?" mukha namang naagaw ko ang atensyon nya at nilingon nya ako. Sandali muna nyang inayos ang ilang hibla ng buhok nya at nilingon ako.

"Ano ka ba! Wag kang maingay. Dapat nga masaya ka dahil finally may ka-date na ako. Biruin mo, sa loob ng dalawang buwang single ako at mukhang magkakaroon muli ako ng boyfriend. Ang saya saya diba?" at hindi pa sya nakuntento at nagtatalon pa sya.

Napapikit na lang ako ng madiin at tinalikuran na lang sya at umalis na lang. Lumabas na lang ako ng bahay at nagteleport.

Nakarating ako dito sa may nakatagong lagusan ng Crea. Masasabi kong tanging ako lamang ang nakakaalam ng tagong lagusan na ito patungo sa Crea dahil para lamang itong isang lumang tulay na palaging dinadaanan ng mga truck.

"Abierto Majica Barrera. Abierto Majica Barrera" at pagkatapos kong sabihin 'yon ay nakapasok na akong muli ng Crea.

Pero kahit tuluyan na akong nakapasok ng Crea ay hindi ako makakapasok ng Adetram dahil nilagyan ng aking Amang Hari ng makapangyarihang harang ang daan upang di na muli ako makapasok sa dati kong tirahan.

Pero kahit papaano ay masaya na ako dahil nakapasok ako ng Crea.

Lumapit ako sa Eil at hinawi ito. Pinakita nito sa akin ang kasalukuyang ginagawa ni Crea. Lalo akong nainis dahil kasama na nya ngayon ang isang lalaki.

Parehas silang nakangiti na lalong nakapagpainit ng aking ulo. Lumikha na rin ako ng apoy at basta na lang itong binato sa eil. Naiinis na ako. Hindi ko alam kung bakit. Ano ba itong nararamdaman ko?

Wala naman akong karapatang mainis dahil sya lang naman ang Ku Liefde Deva ko. Siya lang naman ang nilalang na nakatadhana sakin pero nagagalit at naiinis ako? Ano bang klaseng emosyon ito?

Itutuloy ...

The Path of Crea ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon