Kabanata 3

229 3 0
                                    

Pasado ala syete ng gabi ako pinauwi ng boss ko. Kesyo daw, nag iinarte daw ako kanina at wala na daw akong ginawa kundi umiyak. Hindi ko na lang pinansin ang mga sinabi sakin ng boss ko at tahimik na lang akong tumungo kanina at umiyak.

Mahirap naman kasing makipaglokohan at sabihin ko sa sarili kong hindi naman ako nasasaktan.

Naglabas na lang ako ng isang malalim na buntong hininga habang kanina pa nakatayo dito at naghihintay ng masasakyan papauwi. Halos kalahating oras na akong nandito pero hanggang ngayon ay di parin ako nakakasakay. Kung may tumigil namang jeep, puno na at kung hindi naman puno na ay mabilis naman akong nauunahan ng iba sa pagsakay.

Muli akong naglabas ng buntong hininga ng may isang jeep ang tumigil. Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o malulungkot dahil sa sinasabi ng lalaking naka-angkas sa likod ng jeep na habang nagsasalita ay patuloy lang ang paghampas sa may likurang bahagi ng jeep habang nakatingin sakin.

"Tatlo pa! Tatlo pa. Kasya pa. Oh, konting usog pa. May pwesto pa. Kasya pa!"

Napangiwi na lang ako at masama sa loob na naglakad papaakyat ng jeep at nung nasa loob na ako ay naghahanap ako ng masasakyan pero wala na talaga. Masyado ng masikip at dahil na rin sa sobrang sikip ay maging ang apat na lalaking sa tantya ko ay nasa sampung taong gulang na ay naka-kalong na sa mga nakakatanda nilang kasama. Napailing na lang din ako ng makita ko ang five years old na bata na nagsimula ng umiyak dahil nakaupo sya at marahil ay sikip na sikip na ay naisipan na lang nyang umiyak.

Wala ng nagawa ang nanay ng bata kundi yakapin at haplosin ang anak.

"Baby, papauwi na tayo. Konting tiis na lang" sabi ng nanay ng bata pero ang bata ay hindi natinag at patuloy parin sa pag-iyak.

"Mama. M-mama. Hindi na ako makahinga. Mama. Please, Mama ..." iyak lang ng iyak ang bata. Nakakaawang tingnan.

Nung nag-angat naman ako ng tingin sa driver at sa kondoctor na kalapit lang nito sa upuan ay nakita kong parehas itong nakangisi.

"Hindi ka ba uupo, Miss? Dahil nagmamadali pa kami!" wala na akong nagawa kundi makiupo na lang dito sa lalaking katapat ko. Dahil na rin sa biglang pag upo ako ay hindi ko sinasadyang masagi ang bag ng babaeng kalapit ko sa kanan. Pinanlakihan nya ako ng mata at marahas na hinila ang bag nya.

Hindi ko na lang 'yon pinansin pero mukhang hindi pa sya natuwa sa pinakita nya at nagawa nya pang magparinig sa kin na halos isigaw na nya.

"Dapat kasi di na lang sumakay. Kainis! Papauwi na lang oh! Papauwi na nga lang ako, may taong sisira pa ng gabi ko!"

Hindi ko na lang pinansin ang babae at umayos na lang ako ng upo pero wala pang ilang segundo akong nakakaupo ng maayos ng basta na lang pumereno ang jeep at narinig ko na naman ang boses ng lalaking nakasabit sa mag likuran habang hinahampas nya ang likuran ng jeep.

"Ilan kayo? Lima? Sakay na. Kasya pa ang lima. Kasya pa. Kasya pa. Maluwag pa!"

"Kuya, di na lang kami sasakay. Puno na e." narinig kong sabi ng babaeng kausap ata nung lalaking nasa likuran.

"Miss, di pa yan puno. Niloloko ka lang ng iyong paningin. Bilis na. Sumakay na kayo. Marami pa dyang pwesto!"

Sa huli ay wala ng nagawa ang babae ay sumakay na rin sila. Lima silang sumakay. At hindi ko alam kung malulungkot pa ba ako o iiyak na dahil sa sobrang sikip.

Dahil itong lalaking kalapit ko sa kaliwa ay magkadikit na ang pwetan namin dahil sa sobrang sikip at hindi lang 'yon dahil ramdam na ramdam ko na rin ang buto namin dahil dito. Di na rin halos makahinga ang hita ko dahil dikit na dikit na rin sa kanya. Napatungo na lang ako ng maramdaman kong tuluyan ng umiyak ang mga hita ko.

Napapahiya na ako dahil pinagpapawisan na ako. Wala ng hanging pumapasok dito sa loob ng jeep.

Di na ako makahinga dito dahil sa sobrang sikip.

Wala pa bang bababa dyan ?

Itutuloy ...

The Path of Crea ✔️Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon